Friday , November 15 2024

Habagat magpapaulan sa Visayas, MIMAROPA

PATULOY na uulanin ang ilang bahagi ng bansa sa kabila ng paglabas ng Bagyong ‘Hanna’ sa Philippine Area of Responsiblity (PAR).

Ayon sa PAGASA, makararanas ngayong Linggo nang paminsan-minsang pag-ulan ang Visayas at MIMAROPA, kasama na ang Zambales at Bataan bunsod ng southwest monsoon o Habagat.

Samantala, iiral sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin, na may pulo-pulong pagkulog at pagkidlat lalo na sa dakong hapon at gabi.

Nakataas ang gale warning sa seaboard ng Hilagang Luzon at eastern seaboard ng Timog at Gitnang Luzon.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Shelly Ignacio, mayroong binabantayang sama ng panahon sa labas ng PAR bagama’t hindi ito inaasahang papasok sa bansa.

About Hataw

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *