Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DQ case vs Sen. Poe naisampa na

TULUYAN nang naisampa ang kasong kumukwestiyon sa legalidad ng pagiging mambabatas ni Senador Grace Poe, nitong Huwebes.

Naisampa ng complainant na si Rizalito David ang reklamo sa Senate Electoral Tribunal (SET) makaraan maudlot kamakalawa nang hindi makapagdala ng P50,000 filing fee at P10,000 deposit. 

Layon ng 16-pahinang quo warranto complaint ni David na patalsikin si Poe dahil sa kuwestiyon sa kanyang citizenship.

Iginiit ng reklamo na palsipikado ang mga dokumento ng senador at hindi rin totoo ang mga nakalagay sa Certificate of Candidacy niya nang tumakbo sa 2013 elections. 

Dagdag ni David, may problema sa pagiging foundling ni Poe, na dapat sana ay nalinaw bago tumakbo bilang senador. 

Binanggit ng complainant na nagpakilalang concerned citizen, walang grupo o sino mang nasa likod niya sa pagsasampa ng reklamo. Sariling gastos din niya ang inilaan para sa kaso. 

Samantala, inihayag ni Poe na bukod sa handa niyang sagutin ang kuwestiyon sa kanyang citizenship ay ipinagpapasalamat din niya ito. 

“Sa isang banda, mabuti na rin at ako ay nagpapasalamat na mayroon nang naghain ng kuwestiyon tungkol sa isyung ito para masagot ko ito nang kompleto, maihayag ang katotohanan at matuldukan na ang pagdududa,” sabi ng senador. 

“Ako po ay Filipino at residente ng Republika ng Filipinas.”

Kasabay nito, nagpasalamat din si Poe sa mahigit 20 milyong botanteng pumabor sa kanya noong nakaraang halalan. 

Dagdag niya, “Ako ay tapat sa ating mga kababayan at nagsasabi ng katotohanan. Sila ang dahilan kung bakit ako naririto sa Senado kaya marapat lamang na ipaglaban at ipagtanggol ko ang kanilang naging desisyon.” 

Habang naniniwala ang batikang election lawyer na si Romy Macalintal na mahina ang kaso laban kay Poe at hindi na ito dapat pang tanggapin ng SET. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …