Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagkabit ng jumper nangisay sa koryente

PATAY ang isang lalaki nang makoryente dahil sa pagkakabit ng jumper sa linya ng koryente sa poste ng Manila Electric Company kahapon ng umaga sa Pasay City.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang kinilala lamang sa alyas Kilabot, nasa hustong gulang, residente sa panulukan ng Taft Avenue Extension at Park Avenue ng lungsod.

Batay sa ulat ni Inspector Jolly Soriano, commander ng Pasay City Police Community Precinct (PCP-6), nangyari ang insidente dakong 10:35 a.m. sa naturang lugar.

Bago ang insidente, pinutulan ng mga tauhan ng Meralco ng koryente ang ilang residente dahil sa illegal na koneksiyon base na rin sa reklamo ng mga biller.

Dahil walang supply ng koryente ang ilang residente, sinasabing  inutusan nila ang biktima na umakyat sa poste ng Meralco para muli silang mailawan.

Habang ikinakabit ng biktima ang ilegal na koneksiyon ng koryente ay nangisay siya dahil sa lakas ng boltahe na pumasok sa kanyang katawan  na nagresulta nang agaran niyang kamatayan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …