Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola kinatay puso kinain ng apong adik

0806 FRONTSINAKSAK sa dibdib ng isang 19-anyos binatilyo ang kanyang lola saka dinukot at kinain ang puso sa bahay ng biktima sa Brgy. Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental, nitong Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Kabankalan City police chief German Garbosa, inamin ni Ruben Jalaman ang pagpatay sa kanyang lola na si Olivia, 85, at kinain ang puso ng matanda dakong 2 a.m. sa bahay ng biktima.

Inihayag ni Garbosa, iniulat ng concerned citizen ang insidente dakong 5 a.m. makaraan matagpuan ang walang buhay na biktimang wakwak ang dibdib sa loob ng kanyang bahay.

“Bukas raw ang pintuan kaya tiningnan ng mga kapitbahay. Gumamit ng kutsilyo, tapos sabi niya kinain raw niya ang puso. Tinanong ko nga kung niluto pa, hindi raw,” ayon kay Garbosa.

Inaresto ng mga pulis si Ruben na umamin sa ginawang krimen.

“Noong tinanong ko siya kung bakit niya ginawa, sabi niya, trip lang daw niya,” dagdag ni Garbosa.

Inihayag ng suspek na manamis-namis at malinamnam ang puso ng kanyang lola ngunit med-yo malansa.

Aniya, pinagsisihan niya ang nagawang pagpatay sa kanyang lola na siyang nagpalaki at nag-alaga sa kanya.

Sinabi ni Garbosa na isasailalim si Ruben sa drug and psychiatric tests.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …