Friday , November 15 2024

Trillanes: Dagdag suweldo sa gov’t employees tuloy

0805 FRONTSA NALALAPIT na pagtatapos ng termino ni PNOY bilang Pangulo, siniguro ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV na ipagpapatuloy niya ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 2671 o ang Salary Standardization Law 4.

“Ito ang gusto nating iwang regalo ni President Aquino sa mga kawani ng gobyerno, kabilang ang mga guro, pulis at sundalo,  na walang humpay ang pagtulong sa kaniya upang makamit ang mga reporma para sa ating pamahalaan,” ani Trillanes, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing panukalang batas. 

Sa ilalim ng panukala, isasaayos ang kasulukuyang base pay schedule at mga posisyon ng lahat ng kawani sa gobyerno. Ang may pinakamababang posisyon ay magsisimula sa Salary Grade 1, at ang pinakamataas naman, ang Presidente, ay Salary 33.

Ang pagsasaayos ng mga posisyon at salary grade ay nakabatay sa kakayahan, uri ng trabaho, at responsibilidad na nakaatang sa isang posis-yon.

Sa isinaayos na salary scale, ang suweldo ng pinakamababang empleyado ng gobyerno ay magiging P16,000, mula sa kasalukuyang P9,000 na natatanggap.

Para naman sa mga sundalo, ang base pay ng isang candidate soldier ay aabot sa P23,000 at P550,000 naman para sa four-star general.

Ayon kay Trillanes: “Alinsunod sa kampanya ng ating Pangulo laban korupsiyon, ang SSL 4 ay isang magandang panukala na sumusuporta rito. Dahil sa mas mataas na pasahod, ang mga kawani ng gobyerno ay maiiwasan nang gumawa ng mga ilegal na gawain para lang madagdagan ang kakarampot na kinikita nila.

“Sa halip ay itutuon na lang nila ang kanilang panahon at enerhiya sa maayos na pagsisilbi sa publiko at tumulong sa pagkakaroon ng mas maayos na pamamahala.

“Ang mga kawani ng gobyerno ang nagsisilbing unang mukha ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng pampublikong serbisyo. Sila ang sandigan ng mabuting pamamahala at administrasyon sa bansa kaya naman mahalaga na masiguro ng ating gobyerno na nabibigyang-pansin ang kanilang mga pangangailangan. Sa huli, ang taumbayan din ang makikinabang dito,” dagdag ni Trillanes na Chairman ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization.

 Ang SBN 2671 ay na-isponsor na ni Senador Trillanes sa plenaryo ng Senado at kasulukuyang nakabinbin sa Ikalawang Pagbasa.

About Hataw

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *