Saturday , November 16 2024

NBI walang ebidensiya sa extortion kay Wang BO

WALANG natagpuang ebidensiya ang special team ng National Bureau of Investigation (NBI) na magpapatunay sa sinasabing pangingikil sa Chinese crime lord na si Wang Bo.

Sa kanyang liham sa House committee on good government and public accountability, sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, lumalabas na ‘hearsay’ ang lahat ng alegasyon ng pangingikil kay Wang pati na ang sinasabing pinuntahan ng salapi ng dayuhan.

Ayon kay De Lima, walang ebidensiya na magpapatunay ng  “pay off” ni Wang sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

Gayondin, wala rin ebidensiya ang napaulat na panunuhol sa mga kongresista kapalit ng pagpasa ng BBL, at sa napaulat na nagbigay ng monetary contribution ang dayuhan sa Liberal Party at sa magiging senatorial bid ng kalihim.

Si De Lima ay hindi nakadalo sa pagdinig dahil may iba siyang schedule ngunit tiniyak niya ang patuloy na kooperasyon sa imbestigasyon sa Wang Bo controversy.

Samantala, walang naipresentang footage ang Sergeant-at-Arms ng Kamara na si Nicasio Radovan na kuha ng CCTV noong Mayo 25-27, ang mga araw na sinasabing nai-deliver sa Kamara ang salapi mula kay Wang.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *