Friday , November 15 2024

65 katao nalason sa palabok sa Albay

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 65 katao ang napaulat na nalason sa kinaing palabok sa isang party sa Albay.

Mula sa 26 na una nang naitala ng mga awtoridad mula sa limang pamilya, nadagdagan pa ang mga biktima na naisugod sa ospital.

Ayon kay Albay provincial health officer, Dr. Nathaniel Rempillo, ang mga biktima ay kumain ng palabok na inihain sa handaan sa Brgy. Tuburan, Ligao City, habang ang iba ay bumili lamang sa tindahan.

Sila ay pawang itinakbo sa ospital makaraan makaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Ayon kay Rempillo, batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng sa noodles mismo na nahaluan ng kemikal ang dahilan ng pagkalason ng mga biktima.

Umabot sa 44 ang naitalang pasyente sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital habang ang iba ay isinugod na sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRRTH).

Samantala, kinompirma ni Dr. Wynns Samar, Ligao city health officer, ang kanilang ipinalabas na kautusan na pansamantalang ipasara ang tindahan kung saan binili ang nasabing pagkain.

Nakuha na rin ng mga tauhan nito ang natirang palabok na nadala na sa Department of Health (DoH) regional office sa Legazpi City at Food and Drugs Administration (FDA) para sa gagawing eksaminasyon.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *