Friday , November 15 2024

26 estudyante tinamaan ng typhoid fever (Sa Eastern Samar)

TACLOBAN CITY – Kinompirma ni Department of Health (DoH) Regional Office 8 assistant regional director, Dra. Paula Sydionco, aabot sa 26 estudyante sa Borongan, Eastern Samar, ang tinamaan ng typhoid fever.

Halos lahat ng mga estudyante ay mula sa Pandan National High School.

Ayon sa ulat, nagsimula ang nasabing sakit noong Hulyo 17 at bukod sa pagsusuka, nakaranas din ng pagkahilo at abdominal pain ang mga biktima.

Base sa kanilang paunang imbestigasyon, nagpostibo sa E-coli bacteria ang water source ng paaralan.

Nagpadala na ng isang team ang DoH para sa karagdagang imbestigasyon sa pinagmulan ng sakit.

Posible rin anilang nakuha ito ng mga estudyante mula sa mga ibinibentang inomin sa labas ng nabanggit na paaralan.

Samantala, nilinaw ng opisyal na wala pa sa alarming status ang sakit.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *