Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benepisyo, sahod ng DFA officials nakalulula — solon

BINANATAN ng isang mambabatas ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa napakalaking bonus ng ilang opisyal nito habang ikinakatuwiran ng ahensiya na kulang ang kanilang  pondo para sa tulong at shelters ng overseas Filipino workers (OFW).

Napag-alaman kay Gabriela Party-List Rep. Luzviminda Ilagan, tumataginting na P138.25 milyon ang sahod, allowance at bonus ng 13 opisyal ng DFA noong 2014.

Kasama rin ang pito sa 13 opisyal ng DFA sa may pinakamataas na sahod na government officials para sa taon 2014 kung kaya’t pagpapaliwanagin niya sa budget hearing.

Nababanas si Ilagan dahil sinasabi ng DFA na kulang ang pondo para sa repatriation ng mga OFW o mabigyan ng disenteng matutuluyan, interpreters at abogado gayong naglalakihan ang mga sahod ng ilang opisyal nila.

Ito aniya ang dahilan kung bakit ang mga OFW tulad ni Mary Jane Veloso, ay nananatili sa death row sa Indonesia o kung bakit nagagawang dukutin ang ilang migrant workers mula sa OFW shelters.

Anomalya sa suweldo ng envoys itinanggi

NAGPALIWANAG ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa napabalitang naglalakihang sahod ng mga ambassador at napabilang sila sa hanay ng highest paid officials sa gobyerno.

Sa official statement ng DFA, hindi raw “accurate” ang pahiwatig sa CoA Report on Salaries and Allowances (ROSA) para sa 2014 dahil ang Philippine ambassadors tulad ng ibang civil servants ay tumatanggap ng sahod sang-ayon sa Salary Standardization Law.

Nagkakaiba lamang anila ang inilalaang official residence sa bawat embahador depende sa umiiral na rate sa host country.

Nilinaw rin ng DFA na ang rental fee ay direktang ibinibi-gay sa may-ari ng bahay o pro-perty at hindi sa personal account ng ambassador.

Nagkamali anila ang CoA report dahil isinama ang rental fees bilang allowances ng Philippine ambassadors kaya “misleading.”

Iginiit ng DFA na ang allowances ng Philippine ambassadors ay sumusunod sa UN Index System.

Una nang lumutang ang impormasyon mula sa CoA na ang highest paid government official noong 2014 ay si Philippine Ambassador to China Erlinda Basilio.

Si Basilio ay tumanggap ng kabuuang P16.4 milyon noong 2014 na kinapapalooban ng suweldo, benepisyo at ang pinakamalaki ay overseas allowances na mahigit sa P15 milyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …