Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

8-anyos apo ng OCD Director nalapnos sa lobo

LA UNION – Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang isang 8-anyos batang lalaki dahil sa pagkasunog ng itaas na bahagi ng kanyang katawan makaraan pumutok ang hawak na lobo kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Cy-Jhay Lumbre, apo ni Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Melchito Castro sa Region 1.

Ayon Dir. Castro, masakit ang kanilang kalooban dahil sa kapabayaan ng kompanyang nagsuplay ng nasabing mga lobo na ginamit nila sa closing ceremony ng selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month.

Aniya, hinawakan ng kanyang apo ang isa sa party baloons ngunit bigla na lamang itong pumutok kasama ang iba pang mga lobo.

Dahil sa insidente ay dumanas ng second degree burn at nalapnos ang bahagi ng mukha hanggang sa braso ng biktima.

Nabatid na gumamit ng hydrogen gas, isang uri ng magaan at highly flammable gas, ang supplier ng mga lobo.

Dagdag ni Castro, desidido silang magsampa ng kaukulang kaso laban sa kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …