Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay sa Dubai 6 buwan kulong (P15.7-M nilustay)

0802 FRONTHINATULAN ng Dubai Court of First Instance ang 55-anyos Filipina ng anim buwan pagkabilanggo dahil sa paglustay ng halagang Dh1.26 milyon (P15.7 milyon) na pag-aari ng kompanyang pinapasukan sa United Arab Emirates (UAE).

Base sa ulat na inilabas ng Gulf News, hinatulan ng korte ang Filipina (hindi pinangalanan) na mameke ng 9,159 resibo ng mga nag-renew ng health card mula noong 2007 hanggang Marso 2015.

Unang nagsumite ng ‘not guilty plea’ ang Filipina at pinabulaanan ang mga bintang laban sa kanya.

Binigyan siya ng korte ng pagkakataong umapela sa loob ng 13 araw.

Sa rekord ng korte, nagsimulang magtrabaho ang Filipina bilang nurse sa isang hotel sa Dubai hanggang italaga noong 2007 bilang health coordinator na ang trabaho ay hawakan ang health files ng mga empleyado.

Nabulgar lamang ang matagal nang ginagawa ng Filipina makaraan matuklasan ang dalawang resibo na inisyu sa dalawang empleyado na nagbitiw noong 2014.

Naghinala ang auditing manager ng kompanya hanggang simulan ang inventory.

Ayon sa auditing manager, inamin ng akusado na nagsumite siya ng xerox copy ng mga resibo para sa renewal ng health card ng empleyado na dinadala sa klinika ng Dubai Municipality. 

Sinasabing inamin din niya na nilustay niya ang pera na ibinayad ng mga kawani, pinalitan ang mga pangalan at litrato, pati na ang halaga ng dapat bayaran.

Base sa hiwalay na ulat ng Gulf News, inamin ng Filipina na Dh500,000 (P6.2 milyon) lamang ang perang kanyang nilustay mula sa kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …