Monday , April 14 2025

Waterlily festival pinangunahan ni Sen. Villar

080115 Villar waterlily
PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar kahapon ang taunang pagdiriwang ng Waterlily Festival sa Las Piñas City.

“This is one of the ways we can portray waterlily not as a nuisance that clogs our rivers and waterways, more importantly, the waterlily that brings livelihood to many residents of Las Piñas,” ani  Villar.

Kabilang sa mga aktibidad sa pagdriwang ang street-dancing competition at paghirang sa Ms. Las Piñas Water Lily 2015.

“Through this festival, we give residents a sense of belonging while providing the visitors and tourists with entertainment. We are very proud to stage this kind of festivity because of its environmental value,” ani Villar.

Sa nakalipas na mga taon, nagdulot nang pagbaha ang waterlilies  sa Las Piñas, hanggang simulan ni Villar, na noo’y kongresista ng siyudad, ang kanyang Sagip Ilog Program para maisaayos ang Las Piñas-Zapote River. Nakuha mula sa ilog ang ilang truck ng waterlilies na ginawang baskets, trays, mats, hampers, at iba pang kapaki-pakinabang na mga bagay.

Ang mga lumahok sa street dancing competition sa taong ito ay mga grupo na binuo ng hindi hihigit ang bilang sa 50 high school students mula sa mga paaralan sa Las Piñas.

Ang waterlily ang pangunahing component ng kanilang kasuotan at props. Ang bawat grupo ay may 7-minute dance presentation na may musika.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *