Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Motibo sa Marikina traffic chief slay may linaw na

NANINIWALA ang Marikina Police na may kaugnayan ang pagpatay kay ret. Chief Insp. Renato Sto. Domingo sa kanyang pinamumunuang Traffic Management and Enforcement Division sa Marikina City.

Ito ang lumitaw sa 48 oras na massive investigation ng composite team na inatasan ni Senior Supt. Vincent Calanoga, chief of police ng lungsod.

Ayon kay Calanoga, may lead na silang sinusundan ngunit tumanggi siyang idetalye ito sa mga mamamahayag.

Nabatid, sa kulang isang taon pag-upo ni Sto. Domingo sa Traffic Management ay naging disiplinado ang kagawaran at tinanggal niya ang talamak na “lagayan system” na kadalasang inirereklamo sa kanya.

Hindi rin naniniwala ang mga empleyado ng lungsod na NPA ang pumaslang sa biktima dahil matino anilang pinuno si Sto. Domingo at ito  ang  idinahilang   upang mailigaw ang imbestigasyon.

Matatandaan, tatlong kabataan ang bumaril at nakapatay sa 62-anyos na si Sto. Domingo sa Bantayog St., Brgy. Concepcion-Uno dakong 6:30 a.m.

Nag-iwan ang mga suspek ng fliers na may nakasaad na “Partisan Armadong Operatiba, Armadong Rebolusyon para sa Sosyalismo… Leni Katindig…National Operational Command.”

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …