Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P30K Shabu bistado sa Korean noodles (Ipapasok sa BI jail)

KULUNGAN ang binaksakan ng 28-anyos babae nang tangkaing ipasok sa loob ng Immigration detention cell sa Camp Bagong Diwa ang noodles na may nakaipit na shabu kamakalawa sa Taguig City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act sa Taguig City Prosecutors Office si Mary Ann De Leon, ng 546 Alonzo St., Malate, Manila na nakompiskahan ng tatlong sachet ng shabu na nagkakahaga ng P30,000 na nakapaloob sa isang Korean noodles.

Sa ulat ni SPO1 Napoleon Tongco, ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Taguig police, alas-4:00 ng hapon, sumakay ng taxi na minamaneho ni Percival Guingal si De Leon, kasama ang isang dayuhang Koreano sa Malvar St., Malate Manila at nagpahatid sa Camp Bagong Diwa.

Pagdating sa gate ng Camp Bagong Diwa, bumaba ang dayuhan at inutusan si De Leon na siya ang magbitbit ng noodles sa hindi pa nakikilalang bilanggo na nakapiit sa detention cell ng Bureau of Immigration (BI).

Bago pa makapasok sa detention cell si De Leon, sinuri na nina Rodrigo Oamil Jr. at Francisco Pecaoco, mga confidential agent ng BI, ang noodles at nakita sa loob nito ang tatlong bulto ng shabu.

Inamin ni De Leon na gumagamit siya ng bawal na droga ngunit hindi aniya siya nagbebenta nito.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa Koreanong kasama ni De Leon upang maisama rin sa demanda.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …