Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakasal nina Coco at Erich, matuloy kaya?

HANANG-HANDA na ang karakter ng Drama King na si Coco Martin para harapin ang pinakamalaking laban ng kanyang buhay sa no.1 primetime teleserye ng ABS-CBN na Juan dela Cruz.

Sa kabila ng pag-aakalang naubos na ang lahi ng mga aswang nang mapalabas ni Juan (Coco) ang puting liwanag mula sa bakal na krus, muling mababalot ng pangamba at kaguluhan ang mundo ng mga tao sa pagbabalik ng pinakamakapangyarihang kalaban ng Tagabantay—ang Anak ng Dilim.

Paano maililigtas ni Juan ang mga tao mula sa mas malaking kapahamakan? Makakayanan ba niyang isakripisyo ang kasal nila ni Rosario (Erich Gonzales) para maipagpatuloy ang kanyang misyon bilang Tagabantay at matuldukan ang kasamaan ng Anak ng Dilim?

Huwag palampasin ang pagtatapos ng Juan dela Cruz ngayong Biyernes (Oktubre 25) pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter at i-like ang official Facebook fanpage nito na Facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …