Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malak, iginiit na hindi siya malandi! (Dahil sa character na ginagampanan sa Positive)

SEXY at charming si Malak So Shdifat. Kaya hindi kataka-takang maging habulin siya ng mga kalalakihan. Hindi rin kataka-takang marami ang magkagusto sa kanya.

SA HIV series ng TV5 na Positive, ginagampanan ni Malak ang isang call center agent na medyo may kalandian o ‘mahilig’. Kasamahan niya sa trabaho si Martin Escudero (Carlo), ang lead character ng Positive. Sa drama series na ito’y kung saan-saan at kung kani-kanino siya nakikipagtalik—minsan nga ay sabay-sabay pa! Sa character na ito’y nagagampanan ng maayos ni Malak kaya may nakapagsasabing parang sanay na sanay ang Artista Academy scholar sa kanyang mga skill sa pang-aakit!

Ang kasunod tuloy nito ay kung ganoon daw ba ang dalaga in real life?

Natatawang sinabi ni Malak na,”Hindi naman po. Acting lang po talaga ‘yun. Siyempre ‘yun po kasi ‘yung required para sa role kaya ‘yun din po ‘yung ibinibigay ko.”

Ani Malak, good girl siya in real life. Kaya imposible raw niyang gawin ang mga bagay na pinaggagagawa ng kanyang karakter sa Positive na si Miles. Ito ay ‘yung mga sex scene nila ni Martin sa isang public comfort room at sa kotse!

“Ay wala po! Malayong-malayo po talaga kami ni Miles in real life. Si Miles kasi adventurous siya at naniniwala siyang na-eempower ‘yung pagkababae niya sa mga ginagawa niyang ganon. Pero I wouldn’t engage in such things.”

Samantala, sa episode ng Positive ngayong Huwebes ay makare-receive si Miles (Malak) ng anonymous text message na nagsasabing baka siya’y may HIV din. Dahil dito ay magpapasama siya kay Carlo upang magpa-HIV test.

Sakali kayang mag-positive siya in real life for HIV ano kaya ang gagawin ni Malak?

“I seek proper counseling, pray, and inquire for medications.”

Kaya tutok na ngayong gabi sa TV5, para madagdagan pa ang ating kaalaman ukol sa HIV, 9:00 p.m..
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …