Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexbomb Girls, may pagka-contortionist?

GRABE ang grupo ng Sexbomb sa ginawa nilang pasiklab sa GMA 7’s Sunday All Star nitong nakaraang Linggo, Sept 29. Circus ang concept ng buong team at ang Team Tweetheart ang nagtagumpay.

Hindi naman kataka-taka na sila ang magwagi. Sa totoo lang, nagulat ako nang mapanood ang production ng Tweetheart dahil sa nakatatakot na mga movement ng Sexbomb Girls. Nagtanong nga ako sa kanilang manager na si Ms. Joy Cancio kung contortionist ba ang mga miyembro ng Sexbomb Girls.

Ani Ms. Joy, well equipped sa jazz class ang Sexbomb at ang ilan sa kanila, talagang bata palang ay may formal na pagsasanay sa ballet. Nabalitaan din namin na hindi sinasadya na may sobrang nanakit ang balakang dahil hindi naman sanay sa pagbali ng katawan sa unnatural position. Ang tinutukoy namin ay si Sexbomb Girl Kristine na sumakit ng grabe ang likod sa ginawa pa lamang na rehearsal. Kaya pinagpahinga muna siya ni Ms. Joy para mapa-check-up.

Sinabi pa ni Ms. Joy na hindi dapat basta-basta ginagawa ang ganoong estilo ng pagsasayaw kung walang formal training kaya sobrang nag-alala ito kay Kristine.

Nalaman naming sobrang sipag ng Team Tweeheart lalo na sina Sexbomb Aira, Alden, at ang choreographer ng team na si Donald na dating miyembro ng Speed sa pag-iisip ng treatment sa ibinibigay sa kanilang concept ng S.A.S.

Nagbunga naman ang kanilang sipag dahil sila ang nanalo last Sunday. Tunay na hindi pa rin talaga kayang itumba ang galing at husay ng mga Sexbomb. Congrats sa Team Tweetheart at sana’y magtuloy-tuloy pa ang inyong pamamayagpag.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …