GRABE ang suporta ni Mikael Daez sa first Miss World na si Megan Young. Bagamat walang pag-amin ang dalawa sa relasyon nila, marami ang nagtatanong kung aamin na ba si Mikael at magiging proud na Miss World 2013 ang girlfriend niya?
Mababasa sa Twitter Account ni Mikael bago ganapin ang Miss World na, ”Texted @meganbata before she went on stage. I said ‘You’re gonna rock the world! ;)’ and there we have it PH! That’s our queen =Ø Þ”.
May mga nagsasabi na management ng humahawak ng kanilang career ang nagbabawal na umamin ang dalawa sa malalim nilang relasyon.
May ganyan?
Interview ng Showbiz Police kay Osang, kinatay-katay
(Dahil sa mga ‘di katanggap-tanggap na sinabi)
BONGGA ang Showbiz Police ng TV5 na napapanood tuwing Sabado, 6:00 p.m. dahil nang-ookray na rin sila ng mga suot ng artista na dumadalo sa isang okasyon. Mayroon silang pinupuri pero mayroon ding tinatawag na ‘styless’ sina Raymond Gutierrez, Lucy Torres-Gomez, at Divine Lee. Tie sinaNora Aunor at Mocha Uson sa ibinoto nilang mga ‘styless’ na dumalo sa awards night ng CineFilipino Filmfest.
Tungkol sa Showbiz Police, nagkaroon ito ng presscon sa TV5 studio sa Mandaluyong. Ipinagtapat ng isa sa host na si ‘Nay Cristy Fermin na kinatay talaga ang tape interbyu kay Rosanna Roces. Hindi raw talaga kinakailangang mainterbyu ng live si Osang dahil baka kinabukasan, MTRCB na ang kalaban mo at magsasara na ang show.
May insidente rin sa interbyuhan na kinontrol ni ‘Nay Cristy ang kanyang sarili dahil may sinasabi si Osang na hindi katanggap-tanggap at hindi totoo gaya umano ng pagbayad ni Senator Bong sa utang ni ‘Nay Cristy kaya nagkabati sila ni Cong. Lani Mercado.
“Kasi nang ininterbyu namin siya rito (‘Showbiz Police’), bahay namin ito, eh, siyempre, bisita siya kaya magbibigay galang ka, irerespeto mo ang bisita mo. Pero bilang isang manunulat, may paninindigan din naman ako na ilabas sa publiko. So, ‘yung mga maling ginagawa ni Osang. Sabi niya, singilin na lamang ng GMA 7 kay Senator Bong Revilla ang P2-M na kailangan niyang bayaran, para sa akin imposible ‘yun. Unang-una, hindi si Senator Bong ang may kasalanan kung bakit siya nagsalita ng masasakit tungkol sa pinggan na kinainan niya, ‘di ba? Para sa akin ‘yan ang paniniwala ko kaya hiwalay ‘yun dito sa programa,” aniya.
‘Yun na!
Enchong, magpapahinga muna at magbabakasyon
ANG ganda ng feedback kay Enchong Dee dahil sa magaling niyang pag-arte bilang Leonel sa Muling Buksan ang Puso na huling Linggo na ngayon. Tampok din dito sina Julia Montes at Enrique Gil.
“Ngayon lang ako nakagawa ng teleserye na kapag umuwi ako ng bahay, matutulog ako na nakangiti kasi alam ko, maganda ang mga nagawa kong eksena ng buong araw. Alam ko na naIbigay ko sa direktor ko ang mga hinihingi nilang eksena. Kaya siguro, isa ‘yun sa mga bagay na kahit pagod na pagod ka, uuwi ka na may satisfaction, may fulfillment kasi alam mo na nagawa mo ang trabaho mo ng maayos,” bulalas ni Enchong.
Kahit si Christopher de Leon ay pinuri siya dahil gumanap itong ama niya sa Muling Buksan Ang Puso.
“Wow, words from the King of Philippine Drama. Grabe naman, pero ang sarap ng pakiramdam na na-appreciate ni tito Boyet lahat ng eksena namin. Speechless,” sambit pa niya.
Pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso sa October 4 ay humingi muna ng bakasyon ang actor. Mahigit isang taon din daw siyang napanood sa primetime dahil pagkatapos ng Ina , Kapatid, Anak ay diretso na siya sa Muling Buksan Ang Puso.
Pupunta raw sila ng family niya sa Beijing and Mongolia para magbakasyon for a few days.
Pagbalik niya ay gagawa na siya ng pelikula sa Star Cinema at Starlight.
“Kasi nOOng sinumu-total ko ‘yung airing lang, hindi kasama ‘yung taping, parang lagpas sa isang taon na nasa primetime ako. So I’m happy ang blessed. Siguro naman masyado nang madamot kung parati na lang ako ‘yung nakikita sa primetime. Ang dami-dami nating artista ngayon, I think it’s about time na sila naman ‘yung makita sa primetime,” deklara niya.
‘Yun na!
Roldan Castro