Monday , October 18 2021
Vice Ganda

Vice ayaw sa korap — Hindi ako mag-jojowa

NAKATUTUWA na parang walang iniiwasang paksa na sundutin ang mga host ng It’s Showtime, at parang spontaneous lang, hindi scripted ang makabuluhang tsikahan nila.

Sa isa sa latest episodes ng hit segment ng It’s Showtime na ReiNanay, naging usap-usapan ng mga host at contestant ang pamilya ng mga corrupt official.

Naitanong kasi sa isa sa ReiNanay candidates kung papayagan ba niya ang kanyang anak na makipagrelasyon sa anak ng isang corrupt official.

Agad naman itong sinagot ni ReiNanay Ellen, ”Sa abot ng aking makakaya, kung talagang corrupt ang government official na ‘yun, babawalan ko siya.

Sambot naman ni Vice Ganda,  ”Paano kunwari naging nanay ka na tapos ‘yung tatay mo corrupt, paano ‘pag tinanong sa ‘yo ng anak mo na ‘corrupt ba ‘yung lolo ko?’

“Paano mo sasabihin sa anak mo na, “Oo, corrupt ‘yung lolo mo.’” 

“Ikaw, kaya mo?” tanong naman ni Karylle kay Vice. At sinagot niya nang, ”Hindi ko alam pero hindi ako jojowa ng corrupt.”

Sana ang mga anak at apo ang magsabi sa parents nila, o sa mga lolo at lola nila na nasa politika, nasa gobyerno, sa militar o sa pulisya na huwag silang buhayin sa korupsyon dahil pati silang mga anak at apo ay madadamay sa matinding karma ng magulang nila, o lolo at lola.

(DANNY VIBAS)

About Danny Vibas

Check Also

Mother Lily Monteverde, Regal

Mother Lily may panawagan — Let us help save our movies, our theaters, our entertainment industry

I-FLEXni Jun Nardo OPTIMISTIC ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde na maka-”bounce back and become better!” Bahagi …

Maine Mendoza

Maine Mendoza, balik-EB na this week

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK na this week si Maine Mendoza sa Eat Bulaga. Tiyak na matutuwa ang fans …

Vilma Santos thumbs up

Ate Vi dinudumog na ng mga produ

HATAWANni Ed de Leon MASYADONG busy na naman ang mga communication line ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) …

MMFF, IATF, Movie, Cinema

Laban-laban, bawi-bawi sa mga sinehan panira

HATAWANni Ed de Leon MAS marami ang umaasa na magiging mas maganda na ang MMFF (Metro Manila …

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

Leave a Reply