Monday , December 23 2024

Sports

Fernandez: Tapos na ang misyon namin

KAHIT tapos na ang pagiging coach ni Boyet Fernandez sa San Beda College, sinuportahan pa rin niya ang Red Lions sa pagiging kampeon nila sa Philippine Collegiate Champions League. Nagkampeon ang SBC sa torneo pagkatapos na walisin nito ang De La Salle University sa best-of-three finals sa pamamagitan ng 73-66 panalo sa Game 2 noong Lunes sa Ynares Sports Arena …

Read More »

Robinson bagong coach ng Lyceum

INAASAHANG lilipat na si Topex Robinson sa Lyceum of the Philippines University bilang bagong coach sa NCAA Season 91. Sa panayam ng www.interaktv.ph, sinabi ni Robinson na sinabihan siya ng pinuno ng Lyceum na si Roberto “Bobby” Laurel tungkol sa kanyang bagong trabaho. Papalitan ni Robinson si Bonnie Tan na lumipat na sa Globalport sa PBA bilang team manager. “I …

Read More »

Loyzaga swak sa 40 greatest ng PBA

INAMIN ng dating PBA legend na si Joaquin “Chito” Loyzaga na nagulat siya nang isinali ang kanyang pangalan sa listahan ng 40 Greatest Players ng liga bilang pagdiriwang ng ika-40 na taong anibersaryo. Bukod kay Loyzaga, isinama rin sa listahan ng PBA sina James Yap, Danny Ildefonso, Willie Miller, Asi Taulava, Eric Menk, Kelly Williams, Jayjay Helterbrand, Jimmy Alapag, Mark …

Read More »

College basketball awards mamayang gabi

NAKATAKDANG bigyan ng espesyal na parangal ng UAAP-NCAA Press Corps sa idaraos na Smart 2014 Collegiate Basketball Awards mamayang gabi ang mga manlalaro at coaches na nagtagumpay ngayong taong ito. Pangungunahan nina coach Eric Altamirano ng National University at Boyet Fernandez ng San Beda ang Coach of the Year award habang pararangalan naman bilang Collegiate Mythical Team sina Kiefer Ravena …

Read More »

Pinakabatang chess grandmaster ever

ni Tracy Cabrera IILAN lang ang makapagsasabi o makapagyayabang na bumasag sa isang major American record sa edad na 13 taon, 10 buwan at 27 araw. Dangan nga lang ay maipagmamalaki na ito ngayon ng chess prodigy na si Samuel Sevian, makaraang koronahan siya bilang youngest-ever Grandmaster, sa pagbura ng dating record holder ng mahigit isang taon. Sa isang torneo …

Read More »

Williams ginanahan sa mga Pinoy fans

PINASAYA at pinakilig ni tennis superstar Maria Sharapova ang mga Pinoy fans sa tuwing tatapak sa court sa nagaganap na Coca-Cola International Premier Tennis League (IPTL) sa Mall of Asia Arena (MOA). Dalawang araw na paglalaro sa exhibiton games, kahit natalo ay hindi nagbabago ang lakas ng sigaw ng mga fans nito tuwing hahataw ng raketa sa event na tumagal …

Read More »

Gonzales hindi pa permanente — Manalo

KAHIT ginabayan ni Eric Gonzales ang Globalport sa impresibong 98-77 na panalo kontra Barangay Ginebra San Miguel sa PBA Philippine Cup noong Linggo ay hindi sigurado kung mananatili pa siya sa puwesto pagkatapos ng torneo. Muling iginiit ng head ng basketball operations ng Batang Pier na si BJ Manalo na interim coach pa rin si Gonzales na dating assistanty coach …

Read More »

Letran may bagong coach

SIMULA sa susunod na taon ay may bagong coach na ang Letran sa NCAA men’s basketball. Ayon sa ulat ng www.spin.ph, hinirang ng pamumuan ng kolehiyo si Aldrin Ayo bilang kapalit ni Caloy Garcia na hindi na pinapirma ng bagong kontrata pagkatapos na ito’y mapaso na noong isang buwan. Si Ayo ay dating manlalaro ng Letran sa NCAA at kakampi …

Read More »

Sports Shocked: Ginebra vs Alaska

PIPILITIN ng Alaska Milk na mapanatili ang pangunguna sa PBA Philippine Cup sa kanilang pagtatagpo ng crowd-favorite Barangay Ginebra mamayang 7 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Maghihiwalay naman ng landas ang NLEX at Barako Bull na kapwa naghahangad na opisyal na pumasok sa quarterfinals sa kanilang salpukan sa ganap na 4:15 pm. Kasosyo ng Aces sa …

Read More »

Isa pang titulo para kay Alapag

ni Tracy Cabrera INAMIN ni PBA superstar Jimmy Alapag na patungo na siya sa huling yugto ng kanyang professional basketball career. Mahigit isang dekada nang naglalaro ang 36-anyos na point guard sa Philippine Basketball Association, at ito rin ang nagbigay sa kanya ng iba’t ibang mga award. Ngunit nais ng binansagang ‘Mighty Mouse’ ng PBA na bigyan ng isa pang …

Read More »

Shakey’s Girls Volleyball League (NCR Leg) Season 12

IPINORMA nina Metro Sports president Freddie Infante (kanan) at Metro Sports Vice president for operations Johanz Buenvenida ang ceremonial serve habang nakamasid ang mga manlalaro ng sampung koponan sa pormal na pagsisimula ng Shakey’s Girls Volleyball League (NCR Leg) Season 12 na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. (HENRY T. VARGAS)  

Read More »

Lakers tinuka ng Timberwolves

TALO na naman. Ganoon ang bulalas ng mga Los Angeles Lakers fans nang yumuko na naman ang kanilang team sa dehadong Minnesota Timberwolves, 120-119 na ginanap sa Staples Center. Pinagtulungan nina Mo Williams at Thaddeus Young ang opensa ng Wolves nang tumapos sila ng 25 at 22 puntos ayon sa pagkakasunod. Pero ang tunay na bida sa kanila ay nang …

Read More »

Pacquiao-Mayweather fight puwedeng maikasa

UMAMIN si Freddie Roach sa isang interview ng BoxingScene.com na naging positibo ang naging “meeting” nina Top Rank boss Bob Arum at CBS CEO Les Moonves tungkol sa ikinakasang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Ayon daw kay Moonves, kaya niyang dalhin si Mayweather sa “negotiation table.” Ang CBS ay ang “parent company” ng Showtime na kung saan may …

Read More »

Blackwater magkakaroon ng revamp

MALAKING balasahan ang mangyayari sa Blackwater Sports dahil sa bokya nitong kampanya sa PBA Philippine Cup. Nagbanta ang team owner ng Elite na si Dioceldo Sy na pakakawalan niya ang ilang mga manlalarong hindi nagpakitang-gilas sa torneo. Idinagdag niya na gagamitin ng coaching staff ng Blackwater ang dalawang huling laro nito sa eliminations kontra Talk n Text at San Miguel …

Read More »

Sports Shocked: NLEX tumutukod sa endgame

OBVIOUS ang kakulangan ng ‘endgame poise’ para sa NLEX Road Warriors na natalo sa huling dalawang laro nila matapos na magposte ng malaking kalamangan sa huling dalawang minuto. Ang unang nagpalasap ng masakit na kabiguan para sa Road Warriors ay ang Rain Or Shine noong Martes, 95-93. Biruin mong lamang ang NLEX ng pitong puntos at wala nang isang minuto …

Read More »

Magiging masama para sa boxing ang labang Pacquiao-Mayweather

ni Tracy Cabrera HABANG ang kampo ni People’s Champ Manny Pacquiao at Top Rank Promotions Bob Arum ay naghamon kay Floyd Mayweather para sa mega-match sa su-sunod na taon, may ilang mga tao ang nagsasabing huli na para gawin ang kinasasabikang laban ng mga boxing fans. ”Mas appealing sana ang labang ito seven years ago. Overplayed na ito. Lagi na …

Read More »

Azkals kakahol sa semis

PASOK sa semifinals ang Philippine Azkals kahit ano ang maging resulta ng kanilang laro bukas laban sa Vietnam. Kinaldag ng Pinoy Booters ang Indonesia noong Martes via 4-nil upang manguna sa Group A tangan ang 2-0 win-loss slate sa 10th ASEAN Football Federation (AFF) Suzuki Cup men’s football championship na ginaganap sa My Dinh National Stadium sa Hanoi City, Vietnam. …

Read More »

Finals ng PCCL sisiklab ngayon

MAGSISIMULA mamayang alas-4 ng hapon ang best-of-three finals ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) na paglalabanan ng defending champion De la Salle University at ang kampeon ng NCAA na San Beda College sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Unang nakapasok ang Green Archers sa finals pagkatapos na walisin nila ang Group A na may apat na sunod na panalo …

Read More »

Ravena, Thompson bida sa collegiate awards

TATANGGAP ng parangal sina Kiefer Ravena at Earl Scottie Thompson sa Collegiate Mythical Team na ibibigay ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART sa magaganap na 2014 Collegiate Basketball Awards sa Disyembre 4 sa Saisaki-Kamayan EDSA. Napili sina Ravena at Thompson ng grupo ng collegiate basketball scribes para sa Mythical Team matapos sungkitin nila ang Most Valuable Player award sa kanilang …

Read More »

Al-Hussaini naglalaro sa Kuwait

TULUYANG tinalikuran ni Rabeh Al-Hussaini ang kanyang paglalaro sa PBA upang manirahan sa Kuwait. Tubong-Kuwait kasi ang ama ni Al-Hussaini at mayaman ang kanyang pamilya kaya nagdesisyon siyang huwag nang bumalik sa Pilipinas kahit nagbanta ang kanyang huling koponang Meralco na ihahabla siya sa korte sa kasong breach of contract. May kontrata pa si Al-Hussaini sa Bolts bago siya umalis. …

Read More »

Hapee magsasakripisyo — Roque  

MULING kukulangin ng manlalaro ang Hapee Toothpaste sa labanan nito kontra Cebuana Lhuillier mamaya sa PBA D League Aspirants Cup na gagawin sa Technological University of the Philippines Gym sa P. Casal, Manila. Hindi lalaro ang ilang mga Fresh Fighters na taga-San Beda College tulad nina Art de la Cruz, Baser Amer at Ola Adeogun dahil nasa Ynares Sports Arena …

Read More »

“Ambassador Cup” lalargahan

Bukod sa anim na malalaking pakarera ng MARHO sa darating na Linggo sa pista ng San Lazaro ay lalargahan din ang 2014 PHILRACOM “Ambassador EDUARDO M. COJUANGCO, JR. CUP” na pinangungunahan ng kampeong kabayo na si Hagdang Bato na rerendahan ng kanyang regular na hineteng si Jonathan Basco Hernandez. Ang kanilang makakalaban ay sina Crucis, King Samer, Lady Pegasus, My …

Read More »

Pacquiao look-alike tinibag ni Shiming

BUKOD kay eight-division world champion Manny Pacquiao, nanggulpi rin ang isa pang matikas na bagong alaga ni Freddie Roach na si two-time Olympic Gold medalist Shou Shiming noong Linggo. Bago binugbog ni Pacquiao si Chris Algieri at talunin via unanimous decision ay nanaig din ang pambato ng China na si Shiming laban sa ka look-alike ni Pacman na si Kwanpichit …

Read More »

Taha masaya sa panalo ng Purefoods

ISANG sorpresa para sa Purefoods Star Hotdog ang impresibong laro ng back-up center na si Yousef Taha noong Linggo. Naging bayani si Taha sa 77-74 panalo ng Hotshots kontra Meralco sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna, dahil sa anim na krusyal niyang puntos sa huling dalawang minuto upang iakyat ang kanyang koponan sa ika-apat na panalo kontra sa tatlong …

Read More »