Sunday , December 22 2024

Sports

Quezon Killerwhale swim team humakot ng 31 medalya sa 2022 Finis Short Course Swim Series

Quezon Killerwhale Swim Team Finis Short Course Swim

NAGPARAMDAM  ng tikas at kahandaan ang Quezon Killerwhale Swim Team, sa pangunguna nina Hugh Antonio Parto, Marcus De Kam, Kristian Yugo Cabana at Fil-Briton Heather White, sa nahakot na 31 medalya tampok ang 15 ginto sa pagsisimula ng 2022 FINIS Short Course Swim Series-Luzon leg kahapon sa New Clark City Aquatics Center sa Tarlac. Humirit ng tig-tatlong ginto ang 15-anyos …

Read More »

Dahil sa ‘bangayan’ sa PATAFA
EJ OBIENA ‘DI NAKALAHOK SA BELGRADE 2022

EJ Obiena PATAFA

DESMAYADO si Senate Committee on Sports chairman Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na hindi nakadalo si national pole vaulter at Olympian Ernest John “EJ” Obiena sa World Athletics Indoor Championships na gaganapin sa Belgrade, Serbia ngayong buwan dahil sa sigalot sa pagitan nito at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Kalipikadong lumahok si Obiena sa World Indoors matapos …

Read More »

‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis tampok sa PSC Rise up, Shape up

Amihan Reyes-Fenis Rise Up Shape Up

ITINAMPOK ng Philippine Sports Commission (PSC) si Gintong Gawad 2021 ‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis sa webisode ng Rise Up Shape Up nitong 5 Pebrero 2022. Nagsilbi si coach Reyes-Fenis bilang FIG Brevet International Judge para sa rhythmic gymnastics. Inensayo rin niya ang nanalong gymnasts sa parehong national at international competitions at kinilala bilang outstanding coach noong 2011 Palarong …

Read More »

PH Karate Team hahataw sa 31st SEA Games sa Vietnam

Philippine Karate Sports Federation Inc

IPANLALABAN ng Team Philippines ang kombinasyon ng kabataan at karanasan sa binubuong 15-man Philippine Karate Team na ilalarga sa 31st Southeast Asian Games sa 12-23 Mayo 2022 sa Hanoi, Vietnam. Sinabi ni Philippine Karate Sports Federation Inc., president Richard Lim, bukod sa panlabang sina Manila SEA Games champion Jamie Lim at Junna Yukiie, tatlo pang kabataang Filipino-Japanese na nakabase sa …

Read More »

Pasig City ginulat ng QC sa PCAP Online Chess

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

NAKAPAGPOSTE ang Quezon City Simba’s Tribe ng 12-9 panalo kontra sa koponan ng Pasig City King Pirates noong Sabado ng gabi, 5 Pebrero 2022, sa 2nd season ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All Filipino Conference online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform. Nanaig ang Simba’s Tribe sa King Pirates sa blitz game sa pangunguna nina …

Read More »

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng pana­hon.   Taglay niya ang walang talong karta at pamoso sa kanyang depen­sa na walang makapasok na kahit sinong boksingero. Bukod sa kanyang naging makulay na career, dalawang bagay ang gusto pang malaman ng kanyang fans tungkol sa kanyang personal na buhay at ang status ng …

Read More »

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De Guzman ng Cainta, Rizal, at International Master Cris Ramayrat, Jr., ng Pasig City sa pagtulak ng virtual Sen. Koko Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament na susulong sa 21 Enero 2022, 7:00 pm, ilalarga sa Lichess Platform. Lalahok din sa prestihi­yosong torneo sina Fide Master Nelson …

Read More »

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

Terrence Romeo Beatrice Pia White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa isang Beatrice Pia White at ang isa pang umano ay kasabwat niyang kinilala naman si Efcel Reyes, matapos na umano ay tangkain pa nilang hingan ng P80K ang may-ari ng isang kotse na kanilang nirentahan bago nila isauli. Nahuli sila matapos na maikasa ang entrapment operations ng HPG, …

Read More »

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

Dennis Orcollo

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na  si “money-game king”  Dennis Orcollo sa US dahil sa “overstaying.” Si Orcollo ay kilala sa buong mundo lalo sa US dahil sa sangkatutak na napanalunang torneo kasama ang presti­hiyo­song 2016 US Open Straight Pool title, US Open 8-Ball Champion­ship. “We just received terrible news that …

Read More »

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

EJ Obiena PATAFA

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng pamilya sa kinasa­sangkutang kontrobersiya. Ayon kay Obiena, naghahanda ang kanyang legal team para sa isa­sampang kaso sa mga nanira sa kanya at sa kan­yang pamilya—partikular sa kaniyang ina.   Ang kontrobersiya ay may kaugnayan sa naging bangayan nila ng Philippine Athletics Track and …

Read More »

Morale ni Miado mataas nang lumipat sa Marrok Force

Jeremy Miado The Jaguar

PABORABLE  ang resulta para kay Jeremy “The Jaguar” Miado nang lumipat siya sa Marrok Force MMA gym sa Bangkok dahil nagkaroon siya ng matinding pagbabago sa ONE Circle. Ipinakita ng Filipino strawweight sa kanyang ‘bashers’ na kaya niyang talunin muli si Miao Li Tao via second-round technical knockout win sa ONE: NEXTGEN nung Oktubre. “I’m very glad because I was …

Read More »

PSC tumanggap ng 400 liters ng ‘disenfectant’ na donasyon ng Interworld Enterprises

Philippine Sports Commission PSC Interworld Enterprises

TINANGGAP ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 400 liters ng ‘disenfection chemicals’ na donasyon ng Interworld Enterprises noong isang araw sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Ang 20 containers ng Nobac Urban organic-based deodorizer dis­infectant na may lamang 20 liters kada isa ay opisyal na tinanggap ni PSC Engineering staff Daniel  Espino para gamitin sa ‘disenfection’  sa pasilidad ng …

Read More »

IM Young paborito sa ‘Pasalamat Festival 2022 Individual Rapid Chess championship

Angelo Abundo Young

PABORITO  sa hanay ng mga lalahok ang  8-time Illinois, USA chess champion International Master (IM) Angelo Abundo Young sa paglarga ng Mayor Samuel “Sammy” S. Co Pasalamat Festival 2022 Individual Rapid Chess Champion­ship (Over the Board) sa 12 & 13 Enero 2022 na hahataw  sa Rotunda Building 2nd Floor sa Pagadian City. Ang  dalawang araw na  event ay suportado ni …

Read More »

2022 Maiden Stakes race hahataw sa Enero 30 sa San Lazaro

Philracom Horse Race

MAGKAKASUBUKAN ng bilis  ang magagaling na Maiden horses sa paglarga ng “2022 Philracom 3YO Maiden Stakes Race”   sa 30 Enero 2022 sa pista ng San Lazaro Leisure & Business Park  sa Carmona, Cavite. Puwede lang  lumahok sa nasabing stakes race ang mga rehistradong locally born 3YO na kabayo na lumahok sa Novato Races. Magdadala ng 52 kgs ang Filly samantala …

Read More »

Sa desisyon kay Obiena
SENADOR DESMAYADO SA PATAFA

EJ Obiena PATAFA

DESMAYADO si Committee on Sports Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa desisyon ng Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA) na alisin ang pole vaulter na si EJ Obiena mula sa national training pool ng mga manlalaro. Imbes tulungan at tingnan ang kapakanan ng national athletes upang makapag-focus sa paghahanda sa mga international competitions, nakakaladkad pa sa isyu na …

Read More »

Wright maglalaro na rin sa Japan

Mathew Wright

UNTI-UNTI ang ginaga­wang panunulot ng Japan B. League sa maga­galing na  Pinoy basketball players. Matunog ang balitang si Matthew Wright naman ang target nilang masungkit  sa susunod na taon. Balitang inaalok si Wright ng maximum na kontrata pagkatapos mapaso ang kontrata niya sa Phoenix Super LPG sa Agosto 2022. Tiyempong ito ang pag­sisimula ng bagong season ng Japan B. League. Sa …

Read More »

IM Dableo mapapalaban sa Estancia Mall Chess Tournament

PABORITO  si  International Master Ronald Dableo sa pagtulak ng Hon. Sen. Manny Pacquiao Over the Board Open chess tournament sa 7 Enero 2022, 10:00 am na gaganapin sa Estancia Mall sa Pasig City. Nagkampeon  si  Dableo  sa Pamaskong Handog ni  GM Rosendo Carreon Balinas, Jr., online chess tournament noong 23 Disyembre 2021.  Ngayon ay  target niyang makadale agad  ng titulo …

Read More »

Ancajas vs Martinez para sa IBF title fight

Jerwin Ancajas

NAKANSELA ang unification fight sa pagitan nina IBF junior bantam­weight champion Jerwin Ancajas at WBO titlist Kazuto Ioka, kaya maba­baling ang atensiyon ng Pinoy champ kay Fernando Daniel Martinez ng Argen­ti­na na pansamantalang ikinasa  sa 19 Pebrero sa New York o sa New Jersey. Ang itinakdang laban ni Ancajas kay Martinez ay nangyari dahil sa pag­kadiskarel ng laban ng IBF champ …

Read More »

Coach Luke Walton tinanggal ng Sacramento Kings

Luke Walton Alvin Gentry

NA-PROMOTE si Sacramento Kings associate head coach Alvin Gentry sa interim head coach pagkaraang sipain nila si Luke Walton nung linggo, anunsiyo ng team. Nagpasya ang Kings na tanggalin si Walton bilang head coach ng team pagkaraang magrehistro ng pitong talo ang team sa walong huling laban para sumemplang sila sa kartang 6-11 sa kasalukuyang season.   Nakapuwesto sila ngayon bilang …

Read More »

Conor McGregor sasabak sa Octagon sa 2022

Conor McGregor

NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot   sa pagbabalik niya sa Octagon sa late 2022,  kahit pa nga ang tinaguriang ‘Notorious’ ay may kartang 1-3 sa lightweight division.  Hindi magiging mahirap na pagbigyan ang kanyang kahilingan. Madaling mangyari ang ‘request’ ni McGregor kung hawak pa rin ni  Dustin Poirier ang titulo, pero …

Read More »

Denice, Drex Zamboanga magbabalik-Pilipinas

Denice Zamboanga Drex Zamboanga

MAGBABALIK sa bansa  si Filipina ONE Championship Atomweight Denice “Lycan Queen” Zamboanga pagkaraan ng mahaba-haba ring pamamalagi sa Thailand. Mataandaan na lumipad pa-Thailand si Zamboanga bago pa ang COVID-19 lockdowns noong Marso 2020, at nagpasya na mamalagi muna roon kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Drex at ang kanilang kaibigan na si Fritz Biagtan para masiguro na ang kaniyang …

Read More »

Anak ni Iron Mike gustong lumaban sa England

Miguel Leon Tyson Mike Tyson

IPINAKITA ni Miguel Leon Tyson, anak ng pamosong dating heavyweight champion Iron Mike Tyson, ang kanyang mala-tigreng kasanayan  nang sumabak ito sa matinding ensayo sa pads kasama ang kanyang ama. Ang galaw na iyon ng anak ay orihinal na naging tatak ng ama nang namamayagpag pa ito sa heavyweight division  na naging sandata nito sa pagdemolis sa mga bigating katunggali. …

Read More »

UFC’s Usman gustong makaharap sa ring si Canelo

Kamaru Usman Canelo Alvarez

INULIT ni UFC welterweight champion Kamaru Usman ang matindi niyang hamon kay super middleweight boxing champion Canelo Alvarez na magharap sila sa  isang boxing match. Sinabi ni Usman sa TMZ Sports nung Huwebes ang  kanyang matagal nang asam na makasagupa si Canelo kahit pa nga tutol si UFC President Dana White sa ideya.  Ang hamon ng tinaguriang “The Nigerian Nightmare”  …

Read More »

Goloran kampeon sa Atty. Ellen Nieto over the board chess tournament

GINIBA  ni Jhulo Goloran ang lima niyang nakaharap  para pagharian ang  Atty. Ellen Nieto Over The Board Chess Tournament na sumulong sa Goldland Chess Club, Village East sa  Cainta, Rizal nitong Sabado.  Tumapos si Goloran ng 5 points para maibulsa ang top prize P2,500 ayon kay tournament manager Anthony Avellaneda. Bida rin si  National Master Al-Basher “Basty” Buto na nasa …

Read More »

PSC may pahayag tungkol sa pagbabalik-traning sa kanilang pasilidad

Rizal Memorial Sports Complex PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) board ang pagbabalik sa training ng napiling national teams sa January 10, 2022, sa Rizal Memorial Sports Complex (Manila City), Philsports Complex (Pasig City) at Baguio Training Camp (Baguio City).  Ang nasabing probisyon ay nakadepende sa maraming konsiderasyon para sa kanilang kaligtasan bago ang pinal na implementasyon. Pinag-aaralan pa ng ahensiya ang nararapat na …

Read More »