Wednesday , February 28 2024
Paulo Bersamina

Bersamina nahaharap sa matinding kompetisyon sa PCAP rapid chess

MANILA—Inaasahan na magpapakitang gilas sina International Masters Paulo Bersamina, Jan Emmanuel Garcia at Ricardo de Guzman sa pag tulak ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP)rapid chess championship na tinampukang San Juan Predators Chairman’s Cup kung saan makakaharap nila ang mahigpit na linya ng mga katunggali ngayong Linggo, Enero 28, 2024 sa Level 1 Digiworld Robinsons Galleria, Ortigas Center sa Quezon City.

“Ito ay magiging isang napakahirap na laban. I will try my very best to perform well in this event,” ani Bersamina, na sariwa mula sa overall fifth place finish sa Philippine National Chess Championship na ginanap sa Marikina Community Convention Center noong Enero 7.

Ang 1 day chess tournament na sinusuportahan ng The Michael Angelo Foundation Inc., na inorganisa ng HubzStar Chess Center, na masy basbas ng Games and Amusements Board (GAB) sa pakikipagtulungan ni PCAP  Commissioner Atty. Paul Elauria, nag-aalok ng P10,000 at tropeo sa kampeon. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni San Juan Predators Team Owner at PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua.

“Ginagawa namin ito para i-promote ang chess sa grassroots level at para matuklasan ang mga future chess talents at champions,” sabit naman ni Tournament director Coach Hubert Estrella.

Ang iba pang woodpushers na sumali sa kompetisyon ay sina WIM Jan Jodilyn Fronda, FIDE Masters Randy Segarra at Narquingden Reyes, NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr, Karl Victor Ochoa, Atty. Rodolfo Enrique Rivera, Noel Jay Estacio, Eladio Lim III, Gener Lumanog at Carson, California based Danilo Jorda, at iba pa.

Sa kiddies challengers, top seed si Danry Seth Romualdez habang pangalawa si Caleb Royce Garcia. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Mr DIY Team Kramer 500 1

Team Kramer Joins MR.DIY in Celebrating 500th Store Milestone in Panglao, Bohol

MR.DIY Philippines CEO Roselle Andaya, alongside Doug and Cheska Kramer, jointly pressed the button to …

SM Foundation farmer 1

From passion to prosperity
SM Foundation farmer-beneficiary now an agripreneur, draws inspiration from Henry Sy, Sr.

KSK alumna Virgie with some of her mushroom chicharon products Gone are the days when …

Buddy Encarnado NCRAA

Bago, talentadong local cager target sa NCRAA 30th Season

HANGAD ni General Manager Buddy Encarnado, dating PBA chairman at team governor ng Sta. Lucia, …

Krystall Herbal Oil

Insekto at kulubot pinatalbog ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Good morning …

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …