Monday , December 15 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Pag-ere ng Wish I May, naantala

MUKHANG pansamantala munang hindi ieere ng GMA ang teaser ng balik-tambalan ng isa sa mga maiinit na young loveteam sa bansa: that of Miguel Tanfelix and Bianca Umali. The two are reunited via Wish I May, isa sa mga cut ng album ni Alden Richards, na dating may pamagat na Maybe This Time. Supposedly, nakatakda na sanang muling pakiligin nina …

Read More »

Yaya Dub, binastos

WALANG takot ang isang basher ni Yaya Dub. Nagpakuha kasi ito ng photo kasama ang standee ni Yaya Dub for a fastfood chain that she is endorsing. Talagang itinapat niya sa mukha ni Yaya Dub ang dirty finger sign niya. Walang takot, ‘di ba? Sa kanyang Facebook account ay sinabi ng basher na hindi niya talaga bet si Yaya Dub …

Read More »

Eat Bulaga, ’di kinaya ng powers ni Vice

ISINUKO na ni Vice Ganda ang bandera nang aminin niyang hindi nila kayang talunin ang Eat!Bulaga. “Noong ginawa nga tayong noontime, parang sabi kong ganoon kila ano, sa mga boss natin.  ‘Okay ba sa inyo na gagawin kayong noontime? ‘Hindi po. Okay na kami sa morning show. Lahat kami, ‘di ba, lahat tayo nagkaisa na ayaw namin ng noontime, gusto …

Read More »

Kalyeserye, binabatikos noon, umaani ng parangal ngayon

LUMALABAS na incidental na lang ang character ni Michael V sa kalyeserye ng AlDub sa Eat Bulaga, too late to introduce another role player dahil Wally Bayola as Lola Nidora will always be the bida in the story. At saka tama na ang ganitong papel para kay Bitoy, tutal, nagagampanan naman niya ito sa Bubble Gang bilang isang istrikta’t pakialamerang …

Read More »

JC at Jessy, ‘di nagpakabog kay Pooh

KYUT na kyut naman kami sa pag-aarteng bata nina JC De Vera, Jessy Mendiola, at Pooh sa isang segment sa Banana Split during their 7th anniversary show. Magaling palang komedyante sina JC at Jessy dahil nasabayan nila ang galing ni Pooh na mas lalo kaming pinagulong sa sahig sa katatawa noong ini-spoof nila ni Zanjoe Marudo ang mga karakter nina …

Read More »

It’s Showtime, tinaningan na

DAHIL sa pagiging honest at pagtanggap nila ng pagkatalo, gusto naming hangaan si Vice Ganda and the It’s Showtime host. Tama naman ang kanyang tinuran na hindi nila basta matitibag ang Eat Bulagalalo ngayong defined na defined ang pagka-phenomenal ng AlDub. Pero sa kabilang dako, sana ay narinig din namin ang ibang hosts ng show kung paanong ang mga host …

Read More »

Liz Uy, sinisi sa gown ni Yaya Dub

NA-DRAG ang name ni Kim Chiu sa kontrobersiya kay Yaya Dub dahil lang sa nauna na niyang isinuot ang gown na inirampa ni Yaya Dub sa Philippine Arena. Nag-react nga si Kim and said, ”No hate please?. a gown is just a gown… its how you make people happy. i think thats more important.. happy sunday everyone!! spreading GV.” Gawa …

Read More »

Maria Labo, baliw ba o aswang?

INTERESTING ang debut horror film ni Roi Vinzon under Viva Films, ang Maria Labo na isang urban legends at nagmula ang kuwento sa parteng Visayas. Bagamat ikatlong pelikulang naidirehe na ito ni Roi, first time niyang gumawa ng horror kaya malaking challenge ito sa kakayahan ng aktor/direktor. Ani Roi, naging interesado siya naging itong pelikula dahil bukod sa matinding kilabot, …

Read More »

Dennis, suko na kay Julia

NAIYAK si Dennis Padilla nang personal niyang iurong ang petisyon na ibalik ang apelyidong Baldivia sa pangalan ni Julia Barretto. Ito ang naikuwento ng aktor sa presscon ng pelikulang Maria Labo ng Viva Films. Ani Dennis, absent ang kanyang abogado noong araw na ‘yun kaya siya na mismo ang nag-withdraw. Sa manifestation niya ay sinabi niyang binibigyan na niya ng …

Read More »

Paano natakasan ng puganteng koreano ang ISAFP?!

HINDI natin alam kung ano ang nangyari sa mga kagawad ng Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na kinokomisyon ni Immigration Commissioner Siegfred Mison para maging bodyguard niya at ‘yung iba naman ay pinagdu-duty bilang jail guard ng mga high risk inmate sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan. Remember po, ang ISAFP ang numero unong …

Read More »

INC dasal para kay Menorca (Isyu maaaring samantalahin)

“KUMAKATOK sa tarangkahan ng langit” sa paraan ng panalangin ang mga pinuno ng Iglesia ni Cristo (INC) para humingi ng “kaliwanagan” ukol sa dati nilang kasamahan sa panunungkulan. Ito ay sa gitna ng alegasyong itinago nila ang dating ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca nang labag sa sarili nitong kalooban. Ayon sa INC legal counsel na …

Read More »

“Dolyar” na educ trip dapat pakialaman ng DepEd

KAPAG sinabing dolyar, ibig sabihin nito ay mabigat sa bulsa – may kamahalan. Okey lang naman sana kung ang kapalit ng “dolyar” ay sapat. Mayroon kasi, iyong hindi rasonable ang halaga o lugi kang mamimili o magbabayad. Bukod dito, iyon bang obvious na ‘hinoholdap’ ka. Nakasasama ng loob, ‘di ba? ‘E paano naman ang mga front na educational trip na …

Read More »

ER Ejercito may perpetual disqualification na humihirit pa?!

IBANG klase talaga itong mga EJERCITO. Mga diskwalipikado na pero iginigiit pa rin ang kanilang mga sarili na makapuwesto sa gobyerno. Isang Ejercito na diskwalipikado, dahil sentensiyadong mandarambong pero nakapagtatakang inabsuwelto ng Supreme Court. Itong isa naman, diskuwalipikado dahil sa labis na paggastos sa kampanya, heto at muli pang naghain ng certificate of candidacy (COC) para Laguna Governor si Emilio …

Read More »

‘Suspek’ utas sa bugbog sa Sta. Ana police station (Kaanak sumisigaw ng katarungan)

UMIIYAK ang babaeng kapatid at pamangkin nang dumulog sa tanggapan ng pahayagang ito dahil sa karumal-dumal na pagkamatay ng kaanak nilang  carwash boy na nakapiit sa detention cell ng Sta. Ana police station, sa Sta. Ana, Maynila nitong Linggo ng hapon. Si Gerardo Arguta, Jr., 45 anyos, ay huling nakita ng kanyang kapatid nang hatiran nila ng pagkain nitong Linggo …

Read More »

Huwag maging hambog at mayabang

SA MUNDONG ITO, marami ang gustong maging kalabaw ‘pag ang kanilang amo ay nasa mataas na posisyon. Mga patay gutom kung tawagin at cordon sanitaire na ang gusto ay ikandado ang mga boss nila sa publiko. May mga taong ipokrita/ipokrito talaga sa Bureau of Customs lalo na kapag nakadikit kay Comm. Bert Lina. Bukambibig pa… “Nasa  poder kami, General nga …

Read More »

Opisyal ng Antipolo PNP dagain

THE WHO ang isang “Junior Officer” ng Philippine National Police (PNP) na maraming alagang daga sa dibdib kung kaya’t pinursige niyang malipat sa Antipolo police station. Ayon sa ating alagang Hunyango, bago mapunta sa Antipolo police si Junior Officer, nadestino muna siya sa ibang lalawigan na infested area ng New People’s Army (NPA). Dahil sa ganoong sitwasyon, dito na nabulabog …

Read More »

Hagupit ng Ombudsman

Marami ang natutuwa sa ipinakikitang sipag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa ginagawang serye ng pagsibak sa puwesto ng ilang nagli-lingkod sa gobyerno na kanyang inaprubahan.      Kabilang sa nakatikim ng hagupit ng Ombudsman si Chief Superintendent Asher Dolina, hepe ng Eastern Visayas Police, at ang 17 miyembro ng PNP na pawang sinibak sa puwesto. Inalisan sila ng karapatang makapagtrabaho muli …

Read More »

Force evacuation sa komunidad na nilamon ng sinkhole sa Benguet

BAGUIO CITY – Nadagdagan pa ang mga pa-milyang nagsilikas sa Kamanggaan, Virac, Itogon, Benguet, dahil sa banta nang paglubog ng lupa na sanhi ng sinkhole sa naturang lugar. Ito’y nang lumawak pa ang sakop ng nasa-bing sinkhole na lumamon sa ika-anim na bahay roon habang pinangangambahang mahuhulog ang iba pang kabahayan. Ayon kay Virac Punong Brgy. Noel Bilibli, pinag-iisipan na …

Read More »

Smugglers turn to politics

MALAPIT na naman ang national election, at gaya sa mga nakaraang eleksiyon ay maraming mga opisyal sa customs at mga kilalang mga player/smugglers ang sasabak sa politika. May mga nabigo at nagtagumpay matapos kalimutan ang Customs. Siguro sa kanilang pananaw ay marami silang maitutulong sa kani-kanilang mga bayan upang maibangon sa kahirapan at pagbabago sa kanilang bayan na ang hangarin …

Read More »

Dibdib ng bebot minasa ng panadero

SWAK sa kulungan ang isang panadero makaraang lamutakin at lamasin ang dibdib ng isang 26-anyos babaeng may kapansanan sa pag-iisip sa Caloocan City   kamakalawa ng hapon.  Kasong acts of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek na si Ariel Calaparo, 35, ng 149 Milagrosa St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng …

Read More »

3 paslit todas sa karne ng pawikan

LEGAZPI CITY – Kasong multiple homicide ang kakaharapin ng isang fish vendor sa Irosin, Sorsogon, makaraang malason ang isang pamilyang bumili sa kanyang ibinentang karne ng pawikan. Kasunod ito nang lumabas na resulta mula medico legal na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa tunay na sanhi ng pagkamatay ng mga biktimang sina Juvelyn Alon, isang taon at …

Read More »

Lehitimong kompanya ginagamit ng sugar smugglers

NABISTONG gumagamit ng lehitimong mga kompanya ang sindikatong nagtangkang magpuslit kamakailan ng 57 containers ng asukal mula sa Thailand na may halagang P40 milyon at naharang ng Intelligence Group (IG) ng Bureau of Customs (BOC). Naka-consign ang epektos sa Rainbow Holdings, Inc., isang kompanyang Koreano na may tanggapan sa Madrigal Business Park, Ayala, Alabang, Muntinlupa City pero pinabulaanan ng presidente …

Read More »

3 ASG patay, 4 sundalo sugatan sa Basilan clash

PATAY ang tatlong hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group habang apat na sundalo ang nasugatan sa sagupaan sa Basilan nitong araw ng Linggo. Ayon kay Navy Commander Roy Vincent Trinidad, chief of staff ng Naval Forces sa Western Mindanao, habang nagsasagawa ng operasyon ang Joint Task Group Basilan sa pamumuno ni Col. Rolando Bautista sa Brgy. Baiwas sa bayan …

Read More »