Sunday , October 1 2023

Kalyeserye, binabatikos noon, umaani ng parangal ngayon

082015 Aldub kalyeserye
LUMALABAS na incidental na lang ang character ni Michael V sa kalyeserye ng AlDub sa Eat Bulaga, too late to introduce another role player dahil Wally Bayola as Lola Nidora will always be the bida in the story.

At saka tama na ang ganitong papel para kay Bitoy, tutal, nagagampanan naman niya ito sa Bubble Gang bilang isang istrikta’t pakialamerang nanay sa social media addict na anak played by Sef Cadayona.

Kumbaga, Bitoy seems to be pushing his luck too far. Maanong ipaubaya na lang niya ang pagbabakla-baklaan sa mga mahuhusay ding gay portrayers, at ito nga ang napanagumpayan ni Wally.

Samantala, ang naturang kalyeseryeng binabatikos dahil sa kababawan  ay umani ng parangal mula sa Catholic Mass Media Awards. Ito’y dahil sa Filipino values na naibabahagi ng kuwento na suportado rin maging ng mga paaralan.

Nagsalita na ang simbahan, kinatigan pa ng akademya.

Kung kababawan pa rin itong maituturing, hindi na namin alam kung anong panoorin o palabas sa TV ang malalim at dapat tangkilikin.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Carla Abellana Marian Rivera Maine Mendoza Pilo Pascual

Piolo, Maine, Marian gustong makatrabaho ni Carla

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang pag-welcome ng All Access to Artist kay Carla Abellana na maging isa sa …

Bong Revilla

Birthday party ni Bong pinutakti ng mga politiko at artista

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang birthday celebration ni Sen Bong Revilla sa Grand Ballroonm ng Okada …

Carla Abellana All Access to Artists AAA 2

Tom handang harapin ni Carla — Hindi naman ako parang magpa-panic or matatakot 

RATED Rni Rommel Gonzales DERETSAHANG sinagot ni Carla Abellana ang mga tanong sa kanya tungkol sa dating …

Sikat na loveteam ‘di pa man umaamin hiwalay na

MA at PAni Rommel Placente TOTOO kaya itong nakarating sa amin na umano’y hiwalay na …

Dennis Trillo Bea Alonzo

Dennis sa ‘what ifs’ sa kanyang buhay

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL tungkol sa “what ifs” ang Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo natanong si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *