Wednesday , June 24 2026

Liz Uy, sinisi sa gown ni Yaya Dub

102715 yaya dub kim chiu liz uy

NA-DRAG ang name ni Kim Chiu sa kontrobersiya kay Yaya Dub dahil lang sa nauna na niyang isinuot ang gown na inirampa ni Yaya Dub sa Philippine Arena.

Nag-react nga si Kim and said, ”No hate please?. a gown is just a gown… its how you make people happy. i think thats more important.. happy sunday everyone!! spreading GV.”

Gawa ng designer na si Francis Libiran ang gown na unang nai-model ni Kim  sa 15th anniversary Spring/Summer 2015 collection last November 2013 ni Francis. After two years, ang naturang gown ang napili ng company ni Liz Uy para isuot ni Maine sa Philippine Arena.

Nagpaliwanag naman si Francis at sinabing, ”Kim Chiu wore this gown at the Metrowear Icon Francis Libiran 2013 fashion show as a model. This gown has not been worn at any other event by any other celebrity.”

Kaya lang ay ayaw paawat ng AlDub fans. Talagang binash nila ang stylist ni Maine at mismong ang Eat! Bulaga.

“What a disappointment sa stylist ng Eat Bulaga..Obviously that person did not do her job well. Grabe..She should be sacked.. Lumipat na lang sha sa kabila….Stylized Studio Inc. ? No good. I think they are biased and not really a trusted team of stylist for Maine. Pwede po ba palitan na sila..please…change the stylist team of AlDub..please.”

“Pinatahi man o rent! Hindi ba pwding magbayad ang Eat Bulaga ng designer para gawan ng bago para tatak yaya dub talaga ang gown hindi yung sinu.ot na ng ibang artist akala ko million2x ang kita! designer lang para di kaya ma afford! YAYA DUB IS NOTHING BUT A SECOND RATE TRYING HARD COPYCAT. PAKKK! Whatta shame!”

“Perfect na sana.. ngayon nahaluan ng controversy..its all about the gown dahil biggest moment ni Main ang okasyon.. disappointed din ako.. minodel ni Kim chiu it means used na or nasoot na .. ang mga actress sa Hollywood sinusuot ang same design pero hindi nasoot ng model.. dahil bihira lang ang mga actress sa Hollywood na size zero or one!! Irresponsible ang stylish ni Maine gumastos na rin lang hindi pa nagbigay ng effort na sukatin si Maine..in Hollywood ang mga actress over the top ang gowns nila pagdating sa Oscar .dahil biggest moment nila yon ..biggest moment ni Maine yon hindi nhhaghanap ang stylish niya ng mas kagandahan pang gown.”

Ilan lang ‘yan sa mga comment na lumabas sa isang online portal.

ni ALEX BROSAS

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …