Saturday , October 16 2021

Panggulo lang si Ping

SIPAT
ni Mat Vicencio

SA pangalawang pagkakataon, mangungulelat at tiyak sa basurahan na naman dadamputin si Senator Ping Lacson sa gagawin nitong muling pagsabak sa presidential elections sa susunod na taon.

Masasabing panggulo lamang itong si Ping at makabubuting ipaubaya na lamang niya sa iba pang presidential candidates ang pagbangga sa magiging kandidato ni Pangulong Rodrigo “Digong”  Duterte.

Sa rami ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Ping, papaano kaya niya sasalagin ang mga bahong ipupukol sa kanya tulad na lamang ng Dacer-Corbito murder case at ang Kuratong Baleleng gang.

Bagamat nalusutan niya ang dalawang malaking kasong ito, tiyak na bubuhayin ng kanyang mga kalaban sa politika ang mga nasabing usapin at tuloy-tuloy na gagamiting pambala para gibain ang kandidatura ni Ping.

At sino rin ang makalilimot sa ginawang ‘pagtataray’ ni Ping sa mga biktima ng bagyong Yolanda kaya nga siya idineklarang persona non grata sa Eastern Visayas ng grupong People Surge Alliance.

Maraming atraso si Ping sa taongbayan at nakapagtataka kung paano niya nasisikmura ang kanyang mga kapalpakan, at ngayon naman ay meron pa itong lakas ng loob na tumakbo sa darating na halalan.

At kung tutuusin, hindi naman talaga oposisyon si Ping. Postura lang niya ito bilang senador at masasabing kalkulado ang kanyang ginagawang mga banat kay Digong at kaylan man hindi ito nagtuloy-tuloy na laban at sa kalaunan ay umaatras din.

Kaya nga, parang lumalabas na DPA itong si Ping.  Ibig sabihin, pakawala ni Digong at kung makalulusot sa eleksiyon ay tiyak na patuloy na maghahari ang impluwensiya ng pangulo.

Pero marami ang nagsasabing ilusyon lang ni Ping ang manalo sa darating na eleksi­yon. Wala siyang maaasahang boto sa mamamayan dahil lumalabas na balimbing at walang totoong paninindigang harapin at labanan si Digong.

At lalu pang pinagulo ni Ping ang kanyang kandidatura nang kunin nito bilang vice presidential runningmate si Senate President Tito Sotto. Hindi ba’t ang dami rin kontrobersiya nitong si Tito Sen at nakapagtatakang isang iskul-bukol pa ang kanyang kinuhang ka-tandem.

Walang patol talaga itong si Ping, para rin bola ng pingpong, pabalik-balik lang at walang direksiyon.

About Mat Vicencio

Check Also

PANGIL ni Tracy Cabrera

Sa huli, si Inday pa rin…

PANGILni Tracy Cabrera A wise man can learn more from a foolish question than a …

Bulabugin ni Jerry Yap

Gibaan sa socmed rumatsada na publiko mag-ingat sa fake news

BULABUGINni Jerry Yap MGA MAGULANG panahon ngayon para bantayan o turuang maging matalas ang inyong …

Balaraw ni Ba Ipe

Balik si Gibo

BALARAWni Ba Ipe TAOS-PUSONG pagbati kay Maria Ressa a pagwawagi ng Nobel Peace Prize. Sumasaludo …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Handa na sa gera ang Taiwan, tayo ba?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKAAALIW ang mga palitan ng kuro-kuro sa social media …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gov. Suarez, anak, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

AKSYON AGADni Almar Danguilan KINASOHAN pala sa Ombudsman si Quezon Province Gov. Danilo Suarez. Ito …

Leave a Reply