Thursday , September 21 2023
Sipat Mat Vicencio

Palpak ang isa pang ‘MRO’ ni Imee

SIPAT
ni Mat Vicencio

MAINTRIGA at magulo talaga ang opisina ni Senator Imee Marcos. Kamakailan kasi, ayon sa ating ‘nguso’ sa Senado, nagwawala at galit na galit na naman daw si Imee at gustong manibak dahil bukod sa hindi maayos na trabaho ng ilang staff, bibihira rin lumalabas ang kanyang istorya sa media.

Hay naku, mukhang kumikilos na naman ang malditang intrigador sa tanggapan ni Imee, at sa bawat sulsol na gagawin nito, tiyak kawawa ang masasagasaang empleyado dahil malamang na masibak sa kanyang puwesto.

Mabalasik ang bawat sulsol ng malditang intrigador at kayang-kayang mapaniwala si Imee sa mga ‘palutang’ na tsismis at mahirap salagin dahil mukhang napapaikot ang senadora sa sasabihin nitong mga kasinungalingan.

Pansinin ang bagong Media Relations Officer ni Imee, sa kabila ng pagiging ‘kamote’ sa trabaho, hindi man lamang makanti sa kanyang puwesto dahil ang malditang intrigador ang padrino nito.

Dapat malaman at ilagay sa kukote nitong MRO na ang kanyang pangunahing gawain ay koordinasyon sa media at siguraduhing lalabas ang istorya ng senadora. Hindi ‘yung magtataray, magsusungit at mamimili ng kakausaping reporter dahil tiyak sa basurahan pupulutin ang PR ni Imee.

Mabuti pa pala si Flor, kahit na sabihing merong mga kahinaan bilang dating MRO ni Imee, higit naman na may pakinabang kasi marunong mag-alaga ng mga Senate reporters at marunong din makipagkaibigan.

Teka nga, sino ba ang MRO ni Imee? Palpak kasi!

Ang problema naman kay Imee, sobrang takaw sa media exposure at gusto laging dominado ang laman ng tabloid, broadsheet pati radio. Hindi na nakontento sa isang-beses-isang-linggo ang labas ng istorya at araw-araw dapat ang balita tungkol sa kanya.

Pati nga sa social media ni Imee, kahit walang kawawaan at wala rin kakuwenta-kuwentang content ay pinapatulan para lang mapag-usapan at masabing busy, nag-iikot at nagtatrabaho.

Diyos ko at pati pala si Darryl Yap ay pinayagan na rin ni Imee na gumawa ng press statement? Tawanan tuloy ang mga reporter sa Senado nang mabasa nila ang PR ni Darryl dahil sa sablay ang pagkakagawa nito.

Ano ba ang nangyayari kay Imee? Huwag kasing makunat at magtipid kung gusto talagang makuha ang simpatiya ng mga reporters. Payo lang kay Imee, sa darating na Pasko, itigil na ang pamimigay ng chichacorn. Please lang, nakauumay noh!

                                      ***

Abangan! Malapit na!

Panoorin ang aming bagong vlog kasama ang beteranong mamamahayag na si Jimmy Alcantara. Tatalakayin ng programang Ah, Basta! ang maiinit at napapanahong isyung politikal, showbiz at tsismis ng mga Marites sa bawat eskinita, looban, kanto, at plaza.

About Mat Vicencio

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …