Saturday , July 27 2024
Sipat Mat Vicencio

Hindi palulusutin ni PBBM sina Go, Tol, Bato sa 2025

SIPAT
ni Mat Vicencio

HINDI dapat umasa pa sina Senator Bong Go, Francis “Tol” Tolentino at Bato dela Rosa na muling maluluklok sa Senado dahil tiyak na hindi sila palulusutin ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa darating na 2025 midterm elections.

Mahalaga ang eleksiyon sa 2025 para sa kasalukuyang gobyerno at gugustuhin ni PBBM na kontrolado nila ang Senado at hindi makapambulabog ang oposisyon lalobang grupo ni dating Pangulong Digong.

Panic mode kung sisiliping mabuti ang tatlong matapat na alagad ni Digong at makikita si Bato na laging papansin at pakontrobersiyal sa taongbayan dahil alam niyang tagilid ang kanyang kandidatura sa susunod na halalan.

Si Go naman, bukod sa nagkalat na Malasakit Center, nitong December, mukhang pinalibutan na rin ng senador ang buong Filipinas ng sandamukal na tarpaulin na may  Christmas greetings.

At ang nakalulungkot ay si Tol, dahil wala na sa kanyang kamay ang makapangyarihang Senate blue ribbon committee nang magbitiw nitong Disyembre. Sayang at magagamit pa naman niya ang nasabing komite sa kanyang propaganda at ngayon magtitiyaga na lamang siya sa mga radio interview at mababaw na mga press release.

Mabigat din ang makakalabang kandidato ng tatlong senador dahil bukod kina Senator Pia Cayetano at Senator Imee Marcos, ang pagbabalik ng matitikas na senador ay lumulutang na rin tulad nina Ping Lacson, Tito Sotto, Manny Pacquiao pati na sina Leni Robredo at Isko Moreno.

Hindi rin barometro ng panalo ang pagpasok nina Go, Tol at Bato sa ‘Magic 12’ sa isinasagawang mga senatorial survey dahil sa sinasabing kuwestiyonable at walang kredebilidad na mga kompanyang nagsasagawa nito.

Dapat ilagay sa kukote ng tatlong mambabatas na si PBBM ang kasalukuyang pangulo ng Filipinas at malaking bagay sa isang politiko na kaalyado ang kasalukuyang gobyerno dahil sa malawak nitong makinarya, organisasyon, impluwensiya, at pagkakaroon ng limpak-limpak na pera.

At kung meron pang tinatawag na ‘Duterte magic’ at tumakbong senador si Digong at manalo, sana lang ay ‘makasakay’ sina Go, Tol at Bato sa lilikhaing propaganda nito at manalo rin sa eleksiyon.

Pero ang sabi nga, si PBBM ang kasalukuyang nasa kapangyarihan at huwag magtataka kung ang kanyang babasbasan na mga kandidato sa senatorial race ang mananalo sa 2025 midterm polls.

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …