Tuesday , November 30 2021

Panggulo lang si Ping

SIPAT
ni Mat Vicencio

SA pangalawang pagkakataon, mangungulelat at tiyak sa basurahan na naman dadamputin si Senator Ping Lacson sa gagawin nitong muling pagsabak sa presidential elections sa susunod na taon.

Masasabing panggulo lamang itong si Ping at makabubuting ipaubaya na lamang niya sa iba pang presidential candidates ang pagbangga sa magiging kandidato ni Pangulong Rodrigo “Digong”  Duterte.

Sa rami ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Ping, papaano kaya niya sasalagin ang mga bahong ipupukol sa kanya tulad na lamang ng Dacer-Corbito murder case at ang Kuratong Baleleng gang.

Bagamat nalusutan niya ang dalawang malaking kasong ito, tiyak na bubuhayin ng kanyang mga kalaban sa politika ang mga nasabing usapin at tuloy-tuloy na gagamiting pambala para gibain ang kandidatura ni Ping.

At sino rin ang makalilimot sa ginawang ‘pagtataray’ ni Ping sa mga biktima ng bagyong Yolanda kaya nga siya idineklarang persona non grata sa Eastern Visayas ng grupong People Surge Alliance.

Maraming atraso si Ping sa taongbayan at nakapagtataka kung paano niya nasisikmura ang kanyang mga kapalpakan, at ngayon naman ay meron pa itong lakas ng loob na tumakbo sa darating na halalan.

At kung tutuusin, hindi naman talaga oposisyon si Ping. Postura lang niya ito bilang senador at masasabing kalkulado ang kanyang ginagawang mga banat kay Digong at kaylan man hindi ito nagtuloy-tuloy na laban at sa kalaunan ay umaatras din.

Kaya nga, parang lumalabas na DPA itong si Ping.  Ibig sabihin, pakawala ni Digong at kung makalulusot sa eleksiyon ay tiyak na patuloy na maghahari ang impluwensiya ng pangulo.

Pero marami ang nagsasabing ilusyon lang ni Ping ang manalo sa darating na eleksi­yon. Wala siyang maaasahang boto sa mamamayan dahil lumalabas na balimbing at walang totoong paninindigang harapin at labanan si Digong.

At lalu pang pinagulo ni Ping ang kanyang kandidatura nang kunin nito bilang vice presidential runningmate si Senate President Tito Sotto. Hindi ba’t ang dami rin kontrobersiya nitong si Tito Sen at nakapagtatakang isang iskul-bukol pa ang kanyang kinuhang ka-tandem.

Walang patol talaga itong si Ping, para rin bola ng pingpong, pabalik-balik lang at walang direksiyon.

About Mat Vicencio

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Quezon Gov. Suarez et al, kakasuhan ng plunder? Bakit?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SASAMPAHAN ng plunder o pandarambong si Quezon Province governor Danilo Suarez. …

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

COMELEC seryoso ba sa campaign guidelines?

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata TILA mahihirapang sundin ng taongbayan ang inilabas na alituntunin …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Dorobong haciendero

PROMDIni Fernan Angeles HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit na halalan, sinasamantala …

Bulabugin ni Jerry Yap

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Leave a Reply