KAKAUNTI lang, kung mayroon man, ang impormasyong nakarating sa mga lokal na mamamahayag tungkol sa kinahinatnan ng mainit na usapin sa seguridad na pangkaragatan at pagtatalo sa kontrol sa West Philippine Sea nitong weekend. Nabasa ko lamang ang mga artikulo ng Forbes at Esquire kung paano ang naging pagtugon ng militar ng Filipinas at ng pinakamakapangyarihan nitong tagapagtanggol, ang Amerika, …
Read More »Mga kapalpakan sa pagbibigay ng ayuda
MGA menor de edad, pamilyang may OFW na sumusuporta at mga patay na ang ilan sa nakalista sa mga listahan ng mga local government, kaya naman sangkaterbang reklamo ang natatanggap hindi lamang ng mga local government kundi hanggang sa social media. Sino ba ang may sala at mga dapat sisihin sa mga pangyayaring ito? Siyempre walang iba kung hindi ay …
Read More »‘Ayuda’ sa estilong bayanihan muling pinatampok ng masang filipino sa community pantry (Nabagot sa aksiyon ng gobyerno)
MAGBIGAY ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan. Gaya rin ng kasabihang “kapag kumuha nang sobra, tiyak na may mawawalan.” Ito ang mga prinsipyong pumapatnubay sa laganap na ngayong community pantry sa buong bansa. Matapos nating makita sa social media ang unang community pantry sa Maginhawa St., sa Quezon City, ‘wag kayong magtawa, talagang may naramdaman akong tubig sa mga …
Read More »Basketball courts ba’y solusyon vs Covid-19?
HABANG hindi magkandaugaga ang buong bansa kung paano popoproteksiyonan ang bawat pamilya laban sa pananalasa ng CoVid-19 sa pamamagitan ng bakuna, nangangamba naman ang mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon dahil busy umano ang kanilang gobernador sa pagpapagawa ng basketball courts. Naku, may katotohanan po ba ito, Quezon Governor Danilo “Danny” Suarez? Tayo po’y nagtatanong dahil maraming taga-Quezon ang dumaraing …
Read More »Benepisyo inipit, kalusugan ikinalso ni Duque sa panganib (Health workers ‘isinakripisyo’)
NAKATATAKOT ang kondisyon ng health system sa bansa sa ngayon. Marami ang nagsasabi na anytime ay puwede itong bumagsak dahil walang pagmamalasakit ang pambansang pamahalaan sa kalagayan ng health workers sa pampublikong mga ospital. Ngayon pa naman na muling tumataas ang pananalasa ng pandemyang CoVid-19. Unti-unti nang nalalagas ang mga health workers na unti-unting inuubos ng pandemya. Pero ang higit …
Read More »Bakuna vs CoVid-19 dumating, infected sa virus lalong dumami
DATI ay bakuna ang hinihintay natin bilang panlaban sa CoVid-19. Ngayong nagdatingan na ang mga naturang bakuna saka naman dumagsa ang mga nahawa. Ano na nga ba ang kakulangan na dapat ipatupad ng ating gobyerno para sa kapakanan ng ating mga mamamayan na ngayon ay hirap at pasakit pa rin ang dinaranas. Ilang mga kababayan na naman natin ang nawalan …
Read More »Kabaliwan at kababawan
KUNG IHAHAMBING sa larong ‘agawan-base,’ basta may isang nakahawak o nakadikit sa “base,” tantos niya ito at kanya na iyan. Isang tapik mula sa alinman sa kalaban talo na siya. Ganyan ang nagigisnan natin ngayon sa pagitan ng Filipinas at ng Tsina sa isyu ng West Philipppine Sea. Itong Marso, nagulantang ang marami nang may nakitang mahigit 200 barkong Tsino …
Read More »‘Unchristian’ bang magtanong kung ano ang katotohanan, Secretary Harry Roque?
SORRY is just a five-letter word, pero hirap na hirap sabihin ng mga taong guilty sa kanilang pagkakamali. Hindi natin alam kung nais ipagyabang ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagiging pribilehiyado niya sa UP-PGH kaya imbes magpakababa ng loob ay buong ningning na ipinagmalaki niya ito. Naalala ko tuloy ang kuwento ng ibong nakahanap ng init sa ‘ebak’ ng …
Read More »‘Inferior Davao’
WALANG walang taga-Davao City ang magiging pangulo ng Filipinas sa susunod na 50 taon. Sa ipinakita ni Rodrigo Duterte na kabastusan, kawalan ng kakayahan, katamaran, at kababuyan sa Tanggapan ng Pangulo, madadala ang mga Filipino na maghalal ng taga-Mindanao – at lalo na kung taga-Davao City – na pangulo ng bansa. Isang malaking kalokohan ang ihalal sinuman sa kanila. Naniniwala …
Read More »Mga ginawa ng OVP at mga hindi ginawa ng kasalukuyang liderato gugunitain ng bawat henerasyon (Sa pandemyang CoVid-19)
BUHAY na buhay ang social media nitong nakalipas na linggo. Una, dahil sa ‘rescheduling’ ni Pangulong Duterte ng kanyang weekly Talk to the People, at pangalawa, dahil sa Bayanihan E-Konsulta ni VP Leni Robredo. Maraming netizens ang sumabay sa hashtag na #NasaanAngPangulo, dahil dalawang linggo nang hindi nagpapakita — ang huling pagkakataon ay noong nag-report sa kaniya ang gabinete tungkol …
Read More »Dapat i-donate ng US ang sobrang bakuna
KUNG mayroon mang isang mabuting ginawa si Donald Trump bago siya umalis sa White House, iyon ay ang America First-style ng pagbili ng anti-CoVid vaccines ng kanyang administrasyon. Nagbigay-daan ito para sa epektibong CoVid-19 immunization program na mabilis na naaabot ang mga target nito sa iba’t ibang dako ng Amerika, ang puntirya man ay herd immunity o turukan ang bawat …
Read More »AFP, media sinisi sa insidente sa West Phil Sea (Tuliro na ba?)
NANGANGMOTE na rin ba ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kaya’t imbes proteksiyonan ang mga mamamahayag na nakaranas ng paninikil sa mga sakay ng Chinese military vessel nang magpunta sa West Philippines Sea (WPS) ay sila pa ang sinisisi?! Mantakin ba naman ninyong ipahayag nitong si AFP spokesperson Maj. Gen. Edgar Arevalo nitong nakaraang Biyernes na ang pagnanasa …
Read More »Kapahamakan ang basbas ni Digong
MERON bang dapat ipagbunyi sina dating Senator Bongbong Marcos, Senator Mannny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno nang sabihin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na malamang ang isa sa kanila ay kanyang babasbasan sa darating na presidential elections? Sa nangyayaring kapalpakan sa administrasyon ni Digong, mukhang magkakamali sina Bongbong, Manny, at Isko kung papatulan nila ang pahayag ng pangulo. Walang …
Read More »Kung malakas kay kap, 4-7K ang ayuda
SUMBONG ng mga naninirahan sa San Jose del Monte, riyan sa Brgy. Dulong Bayan, kung malakas ka kay Kap, matic na 4K ang matatanggap mong ayuda mula sa nasyonal, o higit pa. Merong 7k na kitang-kita sa listahan, (baka bet ka ni Kap) tatlo katao ang nakita ko, ‘di ko lang alam kung higit pa dahil sa kopyang hawak ko …
Read More »Digong No. 1 sa survey HOR Speaker kulelat
NAGLABAS ng 1st quarter 2021 survey ang lobbying and campaigns management firm na Publicus Asia tungkol sa approval at trust ratings ng limang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na isinagawa noong 20-29 March 2021 at nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang dako ng bansa. Tulad ng inaasahan, si Pangulong Digong ay nanguna sa parehong survey na may 64.8% …
Read More »Online sabong, online casino ‘essential’ ba? (Online gaming namamayagpag)
MAY ‘sinasanto’ sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Hindi totoong lahat ay apektado. Hindi lahat ay nagugutom, katunayan may paldong-paldong sa panahon ng ECQ. Aba’y mayroon — namamayagpag at tila ‘santo santitong’ hindi masita ang online sabong at online casino. Ang mga operator ng online sabong grabe ang lakas ng loob. Hindi natin alam kung saan nanggagaling ang kapal …
Read More »Panahon na para ibasura ang senior high!
NAPAPANAHON na nga bang ibasura ang pabigat na grade 11 at 12 sa bansa? Ano sa tingin ninyo? Panahon na ba o dapat noon pa? Sinasabi, at kaya ipinagpilitan pa rin ang grade 11 at 12 kahit maraming magulang ang tutol dito, na maaari nang makapasok ng trabaho sa malalaking kompanya/pang-opisina ang nakatapos ng grade 11 at 12. Talaga?! Sinungaling …
Read More »Purgahin si ‘beerus’
NABALITA ang pagtataguyod ni Anakalusugan Party List Rep. Mike Defensor sa gamot na Ivermectin. Ang Ivermectin ay isang broad spectrum anti-parasitic agent, na ginagamit sa paggamot ng onchocerciasis o river blindness na sanhi ng bulate na kadalasan ay nakukuha sa lupa. Mabisa rin ito sa scabies o kudal sa balat. Ayon sa Merck, ang gumagawa ng Ivermectin: “There is no …
Read More »‘Self-quarantine’ ng 3 IOs sa NAIA T3
KUNG inaakala ng lahat na CoVid-19 lang ang nagmu-mutate sa paligid, maging sa Bureau of Immigration – Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) ay mabilis na nagmu-mutate ang mga tinamaan ng virus na ‘tamad-itis.’ Huwaw ha! Marami na raw ang tinamaan sa mga IO kaya uso na raw ang self-quarantine… At panay-panay ang quarantine sa mga bakanteng opisina riyan sa airport? …
Read More »‘Budol-budol’
HINDI malalaman ang tunay na pagkatao ng isang nilalang hanggang hindi siya nakakausap nang masinsinan. Ito ang aral ni Sonny Trillanes nang nakausap niya nang tao-sa-tao (one-on-one) si Rodrigo Duterte noong Abril 2015. Bahagi ang kanilang pagkikita sa proseso ng Magdalo upang malaman kung sino ang kanilang susuportahan sa halalang pampanguluhan noong 2016. “Ang pambungad niya sa akin ay hindi …
Read More »‘Gutom’ ng mamamayan mas deadly kaysa Covid-19 (Dahil sa palpak na CoVid-19 response)
LUMARGA na sa Maynila ang ayudang cash mula sa lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso katuwang si Vice Mayor Honey Lacuna. Ang ipinamahagi ayon kay Mayor Isko ay ayuda mula sa pamahalaang nasyonal. Taliwas sa mga kumalat na balita, “cash” at hindi “in kind” ang ipinamahagi ng Maynila dahil ayon mismo kay Mayor Isko, ang …
Read More »Bakuna para sa mga mayor; isang sampal para sa China
GAYA ng babala ko noong nakaraang linggo, ang panibagong lockdown ay posibleng mapalawig pa. At tulad ng pagtaya ng OCTA Research Group tatlong linggo na ang nakalipas, ang mga bagong nahawaan ng CoVid-19 ay totoong umabot — at lumampas pa nga —sa mahigit 11,000 kaso kada araw, kaya naman punuan na ngayon ang mga pasilidad pangkalusugan sa Metro Manila at …
Read More »Lugaw, magsilbing aral sa mga kapitan
HINDI na bago ang insidente sa Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan kamakailan. Tinutukoy natin ang naging trending na lugaw, kung essential ba ito o hindi. Pagkain kaya…ano? Meaning essential po. Ano pa man, humingi na rin si “Manang Lugaw” este ang babaeng volunteer o tanod na humarang kay Kuya Delivery — sa pagkakamaling pagharang at pagpilit na hindi essential …
Read More »Kakapa-kapa ka pa
LUNES nang magisnan si Rodrigo Duterte sa isang pre-recorded televised message. Gusto kong tawagin ito na “The Weekly Presidential Tik-Tok Show” kung saan pagkakataon nating mga ‘hampaslupa’ na magisnan ang diyos na naghahari sa baybay ng Ilog Pasig. Pero bago naging ‘viral’ ang mga retrato na lumabas kamakailan. Partikular, ang mga retrato ng isang abang Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang …
Read More »Covid-19 response ng national gov’t, turo-turo system? (Lockdown o quarantine lang ba ang solusyon?)
HABANG pinakikinggan natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Malacañang Virtual Press Briefing kahapon, bigla nating naalala ‘yung mga carinderia na ang sistema ng pag-order ng mga customer ay ‘turo-turo system.’ Bigla kasi tayong nalito sa sagot niya sa tanong na bakit maraming pasyente ang namamatay habang naghihintay na i-admit sa ospital? Bakit hindi handa ang gobyerno sa muling pagsirit …
Read More »