Thursday , October 24 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Paalam Ka Melo Acuña

PANGIL
ni Tracy Cabrera

What we have done for ourselves alone dies with us; what we have done for others and the world remains and is immortal.

— American writer Albert Pike

PASAKALYE:

Text message…

Senador (Bong) Revilla, inabsuwelto ng Sandiganbayan sa 16 bilang ng graft ukol sa pork barrel scam. Kapag kaalyado ka ng Malakanyang, tiyak lalaya ka sa kulungan at ibabasura lahat ng tambak na kaso. Idol ko iyang si Bong lahat ng pelikula niya pinapanood ko. Pero nang magkaroon ng maanomalyang kaso, nawala ang paghanga ko sa kanya. Kahit idol kita kapag gumawa ng kataratadohan, no way kana. Tulad ni Erap na idol ko rin, pero nang makasuhan at makulong? Pwee ka na buti nga sa iyo. Ganyan ako, hahangaan kita hangga’t kahanga-hanga ang ginagawa mo, pupurihin kita hanggang langit. Pero kapag gumawa ka na ng kademonyohan? Isusuka kita hanggang sa impiyerno. Baka ‘di lang ako marami kami.

Department of Health (DOH), rumesbak kay Pacquiao: Hindi kami bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire. Talaga, bumibili kayo o nanghihingi lang? Hahahaha! Okay, hindi pa malapit ma-expire? Pero hinahayaan ninyong ma-expire. Iyan ang balita sa DOH, mga gamot na nakatambak expired na pala. Juan po. — Juan ng Tondo (_639094818…)

* * *

GALIT ako sa Covid-19 dahil isa na namang kaibigan ang pumanaw dahil sa virus na ito.

Matagal ko nang kasamahan sa larangan  ng pamamahayag si Ka Melo Acuña at ang turing ko sa kanya ay isang kapatid at kapamilya.

Nabigla ako sa hindi inaasahang pagpanaw ni Ka Melo dahil may dalawang linggong nakalipas nang magkausap kami sa cellphone. Wala siyang nabanggit na may karamdaman siya at sa pagkakakilala ko sa kanya, maganda ang kanyang kalusugan at hindi basta dadapuan  ng anumang sakit — nagkamali pala ako.

Kaya nga galit ako sa CoVid-19…sa hindi mo inaasahang pagkakataon, maaari kang tamaan nito sa kabila ng  pagiging maingat at pagsunod sa mga health safety protocol.

Paalam, kapatid na Melo…sa tuwing magrorosaryo ako, maaalala kita dahil ang gamit kong rosaryo ay iyong ipinasalubong mo sa aking maybahay noong galing ka sa Vatican.

It was an honor knowing you, my friend…

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.

About Tracy Cabrera

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: Laglag na sa administrasyon, tablado pa kay Digong

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa paulit-ulit na ‘drama at palundag’ hindi malayong tuluyang matalo si …

Dragon Lady Amor Virata

Labanang matalino vs b-o-b-o?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KULANG na lang na sabihin ni VP Sara Duterte …

YANIG ni Bong Ramos

Sama ng loob ng Senior Citizens sa Tondo, ‘imamarka’ sa balota sa May 2025 elections

YANIGni Bong Ramos SANDAMAKMAK na senior citizens mula halos sa lahat ng barangay na nasasakupan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *