HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University nagtapos ng kursong Bachelor of Arts, Major in Political Science ang unang commander ng Presidential Security Group (PSG) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Si Col. Ramon Zagala ay pormal na itinalaga ni Pangulong Marcos, Jr., bilang PSG commander, kapalit ni B/Gen. …
Read More »Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
‘Bata’ ni VP Sara pinalitan ng campaign media bureau chief ni Yorme
KAHIT natalo sa 2022 presidential elections ang kanyang manok, nakasungkit ng posisyon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang campaign media bureau chief ni dating Manila mayor at presidential bet Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Nabatid sa inilabas na memorandum ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kahapon, inirekomenda niya si Raymond Burgos bilang bagong pinuno ng News and Information Bureau (NIB), …
Read More »
Pag-upo ni Marcos, Jr., sa Palasyo
250 KATAO NAWALAN NG TRABAHO SA PCOO
ni ROSE NOVENARIO ISA sa pangunahing problema ng bansa ang unemployment o kawalan ng trabaho kaya maraming Pinoy ang naghihirap. Ngunit ang bagong administrasyon na iniluklok ng 31 milyong boto sa katatapos na 2022 presidential elections, unang tinanggalan ng trabaho ang mga pangkaraniwang manggagawa sa gobyerno. Batay sa Department Order No. 22-04 na inilabas ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, iginiit …
Read More »Rep Alfred Vargas sulit ang pag-iwan sa showbiz
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EMOSYONAL ang pagbibigay-pugay ni Quezon City Rep Alfred Vargas sa kanyang mga constituent sa 5th district ng Quezon City sa State of the District Address (SODA) niya bilang hudyat ng pagtatapos ng kanyang three term tenure. Binalikan ng dating kongresista ang naging journey niya bilang legislator at ang mga nagawa niya sa tatlong termino niya sa Kongreso para sa …
Read More »Bulacan Airport Special Economic Zone ibinasura ni Marcos, Jr.
IPINAWALANG BISA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill No. 7575 na naglalayong gawing Special Economic Zone and Freeport Zone ang Bulacan Airport City. Batay sa liham ni Marcos, Jr., na ipinadala sa tanggapan ng Senate President, sinabi niyang hindi niya sinusuportahan ang naturang bill dahil salungat ito sa layunin ng gobyerno na bumuo ng tax system. Bagaman kinikilala …
Read More »
Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens
DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos na idinaos sa Malacañang, dalawang araw matapos maluklok bilang ika-17 Pangulo ng Filipinas ang kanyang tanging anak na lalaki, Ferdinand Marcos Jr. Ipinagdiwang ni Gng. Marcos ang ika-93 kaarawan noong Sabado, 02 Hulyo 2022. Kahit kumalat sa social media …
Read More »
Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 
ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on …
Read More »Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado
SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City Mayor Eric B. Africa at pitong tauhan ng lungsod dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P107.2 milyong cash advances bago ang May 9 elections. Ang kaso ay isinampa ni Lipa City resident at taxpayer Levi Lopez noong 29 Hunyo. Kabilang sa mga kinasuhan sina Africa, City …
Read More »
Appointment ng PPA GM niratsada
DOTr CHIEF SINAGASAAN
TRADISYON sa Filipinas, sa pagpasok ng bagong administrasyon, binibigyan ng honeymoon period o maayos na pagkakataon, upang ipakita ang suporta at tiwala. Pero ang tradisyong ito ay nasagasaan sa mapanganib na diskarte ng ilang bagong namumuno. Tinukoy ng ‘isang opisyal,’ ang insidente ay eksaktong tumutugma kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez nang kaniyang ianunsiyo ang pagtatalaga o appointment kay Christopher …
Read More »P500 ayuda ipapadala na sa mahihirap ngayong araw — Tulfo
NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatangap na ng ilang mahihirap na kababayan ang ipinangakong P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa. Target ng DSWD na matatanggap ng 12.4 milyong benepisaryong Filipino sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing …
Read More »Socio-political climber umaariba sa grupo ni congressman
HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang marinig na umaariba na naman ang isang socio-poltical climber at nag-a-apply naman ngayon sa grupo ng isang congressman matapos niyang makitang malabo pa sa matang may katarata ang chances niyang maging chairman ng MTRCB na siya niyang pangarap. Ewan kung papatulan siya ni congressman, lalo na’t alam na lahat ng kandidato niya …
Read More »Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM
HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng malawak na coverage ng GMA Network at TV5. Noong dumating na ang oras ng panunumpa, carried na rin iyon pati ng naalisan ng prangkisang ABS-CBN. Pero may pumuna, sa GMA 7, ang nagsilbing anchors ay sina Pia Arcanghel at Atom Araullo. Si Atom ay kilalang panig sa oposisyon at ang ermat …
Read More »Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan
HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika si President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa takda ang mismong Chief Justice ang mangangasiwa sa kanyang panunumpa. Ayon kay Assistant Minority leader and ACT Teachers Partylist Rep. France Castro: “We were no longer surprised with the decision of the Supreme Court dismissing the disqualification case against …
Read More »
Para sa ikalawang termino
GOV. FERNANDO NANUMPA NA
“WALA tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel Fernando para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kapwa lingkod bayan sa panunumpa para sa kanyang ikalawang termino bilang ika-35 Gobernador ng Lalawigan ng …
Read More »
Maid in Malacanang walang babaguhin
Mga totoong pangyayari ilalahad
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IGINIIT ni Sen. Imee Marcos na wala silang babaguhin sa paglalahad ng mga totoong nangyari sa huling tatlong araw ng kanilang pamilya sa Malacanang Palace na mapapanood sa pelikula ng Viva Films, ang Maid in Malacanang na ididirehe ni Darryl Yap. Sa digital media conference kamakailan sinabi ni Imee na walang ‘historical revisionism’ na magaganap sa paglalabas ng istorya sa Maid in …
Read More »Programa ng PH gov’t sa Hajj ipinarerebisa
IPINAREREBISA ni Deputy Speaker Mujiv Hataman ang programa ng gobyerno sa mga Muslim pilgrim sa Haj matapos maantala ang biyahe nito patungo sa Mecca. “Isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ng mga Muslim ang Hajj. Mapalad ang mga nakapaglalakbay at naisasagawa ito kahit isang beses sa kanilang buhay. Kaya nakalulungkot ang balitang marami ang hindi makakaranas nito ngayong taon dahil …
Read More »Sen. Joel Villanueva nanumpa sa tungkulin
NANUMPA sa tungkulin para sa kanyang pangalawang termino si Sen. Joel Villanueva sa tapat ng Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan kahapon Lunes, 27 Hunyo 2022. Dumalo sa oath-taking event ang mga kamag-anak ng senador, mga lokal na opisyal ng Bulacan, at mga supporters ni Villanueva. Si Kap. Robin del Rosario ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan, kababata ni Villanueva ang …
Read More »BULACAN ALL-OUT SUPPORT FOR PBBM.
Dumalo si President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa thanksgiving luncheon na pinangunahan ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes kamakailan. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang 22 Alkalde ng Bulacan na pawang lubos na nagpakita ng suporta kay Marcos noong nagdaang eleksiyon, maging ang mga papasok na kasapi ng 19th Congress sa House of Representatives. Ang mga …
Read More »Ruffa matagal nang fan ng Unang Ginang Imelda Marcos
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SPEAKING of Ruffa Gutierrez, mas masuwerte ang aktres dahil kung ilang beses na niyang nakadaupang palad si dating First Lady Imelda Marcos. Si Ruffa ang gaganap na Imelda sa Maid in Malacanang. Ani Ruffa excited din siya na nakasama sa pelikula. Una niyang nakilala ang unang ginang noong 18 years old siya nang dumalo sa birthday party nito …
Read More »Cesar excited makatrabaho ang anak na si Diego
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI nakilala nang personal ni Cesar Montano si dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya naman laking panghihinayang niya dahil hindi niya ito matatanong ukol sa gagampanan niyang karakter sa Maid in Malacanangng Viva Films. Sa digital media conference na isinagawa noong Biyernes hindi ikinaila ni Cesar ang saya nang kunin siya para makasama sa isang family dramedy movie na tatalakay sa last …
Read More »Maid In Malacañang, trending na kahit hindi pa nagsisimula ang shooting
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NGAYON pa lang ay marami na ang naiintriga at nasasabik dahil malapit nang mapanood ang most controversial film ng 2022. Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Filipinas, alamin din natin ang bersiyon ng kuwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan. Ipapalabas sa maraming sinehan …
Read More »PAO forensic chief, nag-apply kay BBM para DOH secretary
NAGSUMITE ng kaniyang mga kredensiyal si Public Attorneys Office (PAO) forensics chief Dr. Erwin Erfe kay incoming President Ferdinand Marcos, Jr., para sa posisyon bilang kalihim ng Department of Health (DOH). Una rito, tinanggihan ni Dr. Erfe ang alok sa kaniya na pamunuan ang DOH at Philippine Health Insurance Corp., dahil sa talamak na korupsiyon at ang nais niya noon …
Read More »
Saklolo ng NPC, ERC kailangan,
MINDOROBLACKOUT
ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na ang nararanasang blackout ng mga residente sa Occidental Mindoro ay maaaring kumalat hanggang Oriental Mindoro kapag hindi agad sumaklolo ang gobyerno. Nanawagan si Zarate sa National Power Corporation (NPC) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos agad at bigyan ng fuel …
Read More »
Isang linggo bago bumaba sa puwesto,
DUTERTE NAGTALAGA NG ‘MIDNIGHT APPOINTEES’
ISANG linggo bago bumaba sa puwesto, nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong officers-in-charge sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kinompirma ni acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar ang paghirang kay David Erro bilang officer-in-charge ng DAR at Joselin Marcus Fragada bilang officer-in-charge ng DENR. Pinalitan ni Erro si acting …
Read More »
Utos ng NSC, NTC na mag-block ng websites ng alternative press
FULL-BLOWN DIGITAL MARTIAL LAW
ni ROSE NOVENARIO SIMULA ng implementasyon ng full-blown digital martial law ang utos ng National Security Council (NSC) at National Telecommunications Office (NTC) na i-block ang websites ng ilang news organizations, activist groups at social movements para hindi mabasa ng internet users sa Filipinas. Inihayag ito ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay kahapon kasabay ng pagkondena sa naging hakbang ng …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com