Wednesday , August 10 2022
Bongbong Marcos BBM Juan Ponce Enrile

Enrile, 98, nanumpa bilang Chief Pres’l Legal Counsel

NANUMPA bilang chief presidential legal counsel ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si dating Senator Juan Ponce Enrile.

Nagbalik sa gobyerno si Enrile, 98 anyos, tatlong taon matapos matalo sa 2016 senatorial elections.

Naging masugid na tagasuporta ng UniTeam nina FM Jr., at Vice President Sara Duterte si Enrile sa katatapos na halalan nitong Mayo.

Nagsilbing defense secretary at martial law administrator ng rehimeng Marcos Sr., si Enrile hanggang talikuran niya ang diktador at pangunahan ang People Power 1 Revolution noong 1986 kasama si noo’y PC-INP chief Fidel Ramos.

Naging magkasama sa Senado sina Enrile at Marcos Jr., mula 2010 hanggang 2016.

Noong 2014 ay nakulong si Enrile sa kasong plunder at kahit non-bailable offense ay pinayagan siyang makapaglagak ng piyansa bunsod ng ‘humanitarian reason.’

Matatandaan, inihayag ni UP Political Science Professor Jean Encinas-Franco, sa pagtatalaga ni Marcos Jr., kay Enrile sa kanyang gabinete, ang mensaheng nais iparating sa publiko ay tapos na ang kilusang People Power.

“It could also be saying that you know, wala na ‘yung EDSA. Kita n’yo, nandito na si Enrile na ulit sa amin ‘di ba. That can also be the case,” ani Franco sa programang The Chiefs sa One PH.

Gusto aniyang patunayan ng pamilya Marcos na sila’y nagbalik sa poder dahil sa legacy ni FM Sr.

Sa kabila aniya ng naging papel ni Enrile sa EDSA People Power 1 Revolution na nagpatalsik sa diktadurang Marcos, maaari aniyang napatawad na siya ng pamilya Marcos at nagtiwala muli sa kanya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Lunod, Drown

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang …

bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. …

fire dead

Sunog sumiklab sa Bataan
MAG-AMA PATAY, 14 BAHAY NATUPOK

PATAY ang isang lalaki at kanyang 20-anyos anak na babae sa sunog na tumupok sa …

arrest posas

Top 3 MWP sa kasong rape nasakote

HINDI na nakapalag ang isang lalaking may kasong panggagahasa matapos arestohin ng pulisya sa pinagtataguan …

arrest, posas, fingerprints

Scammer nagpanggap na ‘US Army’ arestado

DINAKIP ng mga pulis sa lungsod ng Tarlac ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ‘package …