ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na gawing mandato ang paglalathala ng mga ipatutupad na bagong batas sa online portal ng Official Gazette at websites ng mga pahayagan sa bansa. Ito ay sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Civil Code at Administrative Code of 1987 na nag-aatas ng paglalalathala bilang requirement para magkabisa ang mga bagong batas, sinabi ni Estrada, kailangang …
Read More »Sa Official Gazette at private media
Port fees ‘wag ipasa sa consumers
NAGPAALALA si Senadora Grace Poe sa pamamagitan ng paghimok sa pamahalaan na hindi dapat pasanin ng consumers ang mga bayarin at iba pang charges na ipinapatong sa shipping lines sa paggamit ng mga pantalan. Ang paghimok ni Poe ay kasunod ng pagdinig ng Senate committee on public services na kanyang pinamumunuan kaugnay ng Senate Resolution No. 484 ukol sa iba’t …
Read More »
Sa loob lamang ng isang araw
35 KRIMINAL SA BULACAN ARESTADO NG BULACAN POLICE
Sa pinaigting na operasyon ay tatlumpu’t-limang (35) kriminal pa ang naaresto ng pulisya sa Bulacan sa loob lamang ng isang araw, Abril 11. Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan, San Jose Del Monte, San Ildefonso, Bocaue, Norzagaray C/MPS, …
Read More »9 durugista, 4 pugante timbog sa Bulacan
ARESTADO ang siyam na personalidad sa droga at apat na pugante sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Bulacan hanggang nitong Martes ng umaga, 11 Abril. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, ipinahayag niya na tinatayang P55,304 ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Rafael, San Jose del …
Read More »
Sa Angeles, Pampanga
2 PULIS PANAY CELLPHONE SA DUTY, SINIBAK
SINIBAK sa puwesto ang dalawang pulis at inilipat sa ibang police unit matapos maaktuhan ni PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr. na nagse-cellphone sa oras ng duty habang sakay ng patrol car sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Napag-alamang habang dumadaan si P/BGen. Hidalgo sa lungsod ng Angeles, natuwa siya nang makita ang presensiya ng patrol car mula sa …
Read More »
Sa Pampanga
RAPIST, KAWATAN NASAKOTE
NADAKIP ang dalawang indibiduwal na nakatala bilang most wanted person sa lalawigan ng Pampanga sa magkahiwalay na operasyon nitong Lunes, 10 Abril. Isinagawa ang ng magkasanib na operating troops ng RMFB3 katuwang ang Floridablanca MPS at iba pang konsernadong police unit ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek na kinilalang si Mario Simon, Top 7 Regional Level MWP …
Read More »Marcos dapat kasado sa banta ng darating na El Niño — Recto
ni Gerry Baldo HINIMOK ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph G. Recto si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na pagtuunan ng pansin ang parating na El Niño upang maiwasan ang malaking pinsala sa sektor ng agrikultura, koryente, at supply ng tubig. Ayon kay Recto mayroon nang ginawa ang pamahalaan na “Roadmap to Address Impact of El Nino” noong nakaraang El …
Read More »
Sa Sta. Maria, Bulacan
P5-M PASONG FOOD PRODUCTS NASAMSAM
Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang dalawang kategorya ng expired at tampered na food products na ilegal pa ring ibinebenta sa ipinatupad na search warrant sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 10 Abril. Sa ulat na ipinadala kay P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., Regional Director ng PRO3, ipinatupad ng magkasanib na operating teams mula …
Read More »
Sa Bulacan
3 TULAK HIMAS-SELDA, PUGANTE NAIHOYO
Naihatid sa likod ng selda ang tatlong hinihinalang tulak at isang nagtatago sa batas matapos masukol ng mga awtoridad sa patuloy na operasyon kontra kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 10 Abril. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nasakote ang tatlong suspek sa drogra sa magkakahiwalay na drug buybust operations na ikinasa ng …
Read More »Dahil sa palpak na serbisyo NORDECO DINUMOG MULI NG PROTESTA Sigaw ng NorDav: NORDECO palitan na!
DINAGSA ng may 5,000 residente ng Davao del Norte ang ginanap na Solidarity eally sa Tagum City kahapon, 4 Abril, upang igiit sa Kamara de Representantes na aksiyonan ang tatlong panukalang batas na nakabinbin upang wakasan ang palpak na serbisyo sa koryente ng Northern Davao Electric Cooperative, Inc. (NORDECO). Binigyang diin ni Davao del Norte Board Member Nickel Suaybaguio, panahon …
Read More »Lito Lapid naghain ng panukalang-batas para mabigyan ng ‘tax break’ ang mga producer
TIYAK na matutuwa ang mga movie producer sa pagsusulong ng isang panukalang-batas para mabawasan ang tax na binabayaran ng mga local film at entertainment industries. Ito ay sa paghahain ni Sen. Lito Lapid ng Senate Bill No. 2056 na magkakaroon ang local entertainment industry ng mas malaking tsansa na makabawi mula sa pagkalugi dulot ng pandemya, piracy, at pagdami ng streaming media. Sa …
Read More »Bulacan police handa na para sa Semana Santa
Sa pagsisimula ng ‘Semana Santa’ at panahon ng bakasyon, kumpleto na ang Bulacan PPO sa gamit at handang-handa na upang tiyakin ang seguridad ng publiko sa lalawigan. Iniutos ni P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, ang pagtatalaga ng 200 pang puwersa ng kapulisan at pagtatatag ng 50 Police Assistance Desks (PADs), para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan …
Read More »Misis na notoryus na kawatan timbog sa Cabanatuan
Nadakip ang isang babaeng pinaniniwalaang talamak na magnanakaw at may kabi-kabit na warrant of arrest sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 1 Abril. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang suspek na si Daisy Babiera, 26 anyos, at residente ng Brgy. Dicarma, sa nabanggit na lungsod. Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng batas si …
Read More »3 tulak ng Lanao del Sur nabitag sa Bulacan
Sa pinatindi pang operasyon ng pulisya, sabay-sabay na naaresto ang tatlong arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 2 Abril. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Eduardo Guevarra, hepe ng Marilao MPS kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 ng umaga kahapon …
Read More »MARINA, Coast Guard ano’ng ginagawa — solon
MATAPOS ang sunod-sunod na aksidente sa karagatan ng bansa, nagtatanong si Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr., kung ano ang ginagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Maritime Industry Authority (MARINA), mga ahensiyang may kinalaman sa paglalayag ng mga barko. Ayon kay Barzaga dapat may managot sa mga ahensiyang nabanggit. “Have we not learned anything?” tanong ni Barzaga. “What …
Read More »Mahigit 1K pulis sa Central Luzon ikakalat sa mga lansangan para ‘Ligtas SumVac 2023″
Ipinahayag ni Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, na ang buong puwersa ng Central Luzon police ay handang-handa sa pagpapanatili ng kanilang paninindigan sa pagpapatupad ng kampanya sa kaligtasan ng publiko para sa buong panahon ng bakasyon na tinawag na “LIGTAS SUMVAC 2023”. Ayon sa Regional Director,“I gave directives to all Provincial/City Directors from the different …
Read More »Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers
Upang mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc.. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong nakaraang Linggo. Kailangan ng retailers, manufacturers, dealers, …
Read More »7 tirador na tulak at 6 na pugante, kinalawit
Sa pinaigting na operasyon ng kapulisan ng Bulacan ay naaresto ang labingtatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa lalawigan kamakalawa. Batay sa ipinadalang ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ipinahayag nito na sa mga serye ng anti-illegal drug operations na inilarga ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael, Baliwag, Plaridel, Sta. Maria, …
Read More »Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA
Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift drug den at naaresto ang limang indibiduwal sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Dapdap sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa ng hapon. Kinilala ng team leader ng PDEA ang mga arestadong suspek na sina Raymond Galang y Baluyut @Eba, 34; Noel Galang y Baluyut @Pambok,29; Policarpio …
Read More »Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman
Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. Bagbaguin, Sta.Maria, Bulacan kahapon ng umaga, Marso 29. Sa ulat mula kay PLt.Colonel Christian B. Alucod, hepe ng Sta.Maria Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay kinilalang si Aldrin Santos y Ativa, 38-anyos, brgy.kagawad at residente ng Poblacion 2 Justino Cruz Marilao, Bulacan. Inilarawan naman …
Read More »Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan
Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police ay nakakumpiska ng mahigit Php 1.5M halaga ng shabu at nakaaresto ng dalawang indibiduwal sa isinagawang anti-drug operations nitong Lunes, Marso 27 sa mga bayan ng Abucay at Mariveles. Sa ulat mula sa Bataan PPO, ang magkasanib na mga tauhan ng Bataan Provincial Police Drug …
Read More »Jenine aktibo pa rin sa pagkanta
HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin sa preview ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera. Kasama siya sa pelikula pero ang biro nga niya,” maikli lang ang role ko, puwede ngang wala.” Maikli nga lang ang role, halos dinaanan lang ng camera, pero sino ba naman ang hindi makakakilala kay Jenine …
Read More »10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit
INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal na droga, nitong Linggo, 26 Marso. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, dinakip ang 10 kataong sangkot sa kalakalan ng droga sa serye ng anti-drug busts na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Meycauayan, Pandi, Guiguinto, …
Read More »
Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS
NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na bumaril at nakapatay sa hepe ng San Miguel MPS sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado ng gabi, 25 Marso. Sa isinagawang press conference, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang composite sketch ay makatutulong na mapabilis ang operasyon laban sa mga suspek na pumatay …
Read More »
RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M
Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. kay San Miguel Chief of Police PLt. Colonel Marlon Serna na nasawi habang gumaganap sa oras ng tungkulin nitong Sabado ng gabi, Marso 25. Iginawad ni PBGeneral Hidalgo Jr ang “Medalya ng Kadakilaan” (Medal of Valor) kay PLt.Colonel Serna at pinagkalooban ng pinansiyal na …
Read More »