SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KILALANG mahusay na mang-aawit at kompositor si Jimmy Bondoc. Kakabit ng kanyang pangalan ang awiting sumikat noong 2004, ang OPM classic na Let Me Be The One.
Maging sa acoustic music hindi pwedeng wala ang isang Jimmy Bondoc. Kaya naman kahit umiba na ng landas, ang tatak ng kanyang magagandang musika ay nakakabit din sa kanyang pangalan.
Kamakailan, napag-alaman naming isa na rin palang abogado si Jimmy dahil mas gusto nitong makatulong. Noong 2021, naging miyembro siya ng Board of Directors sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Bago ito’y naging vice-president siya ng community relations ng corporation simula 2017 hanggang 2021 at assistant vice-president sa Entertainment Department ng naturang korporasyon din simula 2016-2017. At ngayon, mas nais ni Jimmy na mapalawak pa ay mas marami siyang matulungan sa pagiging senador. Kaya naman umaasam siyang makatuntong sa Senado.
“People like to say I reinvented myself when they find out I held a government post and finished law school. But, to be honest, this is more of a natural evolution for me,” ani Jimmy nang makahuntahan namin ito isang hapon.
“I’ve always had dreams beyond music. It’s just that I’ve been very private, so I guess I never talked much about this side of me and my plans to take up law. But I was always headed there,” giit pa ng musikero.
Bukod sa planong ito, sa February 2025 ikakasal siya sa isa ring abogado, si Atty. Isabel Torrijos.
Pagbabahagi ng magiging misis ni Atty Jimmy, sa law school sila nagkakilala at doon nag-umpisa ang lahat.
Graduate ng Ateneo de Manila (Bachelor of Arts) at University of the East (Juris Doctor) si Jimmy.
Identified siya kay dating president Rodrigo Duterte at dito sa panahong ito siya naluklok sa Pagcor.
Pero hindi apektado si Jimmy sa mga nagaganap na kontrobersya sa pamilya Duterte dahil katwiran niya, “I am running on a campaign of principle. Hindi po ito loyalty sa mga pangalan kundi loyalty sa mga prinsipyo and right now ang mga prinsipyo ko at matagal na rin ay talagang aligned naman talaga sa mga Duterte.
“Rito sa mga recent na bangayan, nakatulong po sa awa ng Diyos ‘yung nag-abogado ako and tinitingnan ko ‘yung legal aspect para malayo sa politika. At sa legal aspect, hindi ako nagsalita, hindi ako nag-post until dumating si Atty. Zuleika Lopez at mula roon sa contempt, na talagang takang-taka na ako sa grounds niyong contempt.
“Ang ipinaglalaban ko rito is hindi ‘yung bangayan nila kundi ‘yung ‘wag naman po natin basagin ang mga batas natin para lang sa politika. Sana naman po sundin natin ang due process,” pahayag pa ng musikero.
Nang matanong kung paano na mula sa pagtatrabaho sa gobyerno at pagiging abogado hanggang sa ngayon ay ninais niyang tumakbo sa Senado, ani Jimmy, “Kinahon ng mga tao ang mga artista sa kanilang katauhan, ngunit naniniwala ako na ang mga artista ay nagdadala ng mga natatanging kasanayan sa pamamahala tulad ng pagkamalikhain sa paglutas ng problema, at ang kakayahang makipag-usap ng mabisa.”
Malakas din ang paniniwala ni Jimmy na mas makatutulong siya kapag nasa senado. “I believe the Senate is where I can make the most impact.”
Praktikal at grounded ang kanyang mga prioridad bilang kandidato. Layunin niyang pagsamahin ang mga luma at magkasalungat na batas, lalo sa paggawa, upang maging mas madaling makuha/maintindihan
“Even the simplest labor laws are written in a way that confuses ordinary people. It’s time we fix that,”sabi pa ni Atty. Jimmy.