SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
SIMPLENG istorya subalit may malaking impact. Ganito ang dating sa amin ng pelikulang Dear You na palabas na sa SM Cinema simula August 12.
Nagkaroon ng Special Advance Screening sa SM Mall of Asia Imax Theater ang beautiful, well crafted movie na Dear You na punong-abala ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII). Dinaluhan ito ng various celebrities & business leaders na pinangunahan ni FFCCCII President Victor Lim kasama ang Chinese General Hospital medical director & one of the country’s top oncologists Dr. Samuel Ang. Nakita rin naming nanood sina direk Chito S. Rono, Isay Alvarez Seña at Robert M. Seña, Gerald Santos.
Ang Dear You ay naging isang phenomenon na talagang pinag-usapang pelikula sa China—isang kahanga-hangang tagumpay para sa isang pelikulang may mababang badyet na nagkakahalaga ng humigit-kumulang US$2 milyon.
Naiulat na kumita ito ng daan-daang milyong dolyar—na higit na malaki kaysa katamtamang gastos sa produksiyon—habang pinag-uusapan ito ng mga mahilig sa pelikula dahil hindi ito isang kuwentong nangangailangan ng mga superhero, kamangha-manghang CGI, o napakalaking produksyon na mala-Hollywood para maantig ang damdamin ng mga manonood.
Sa totoo lang hindi nga yata mga sikat na artista ang mga gumanap sa pelikula. Na hindi nakapagtataka sa maliit na budget ng produksyon na karamihan sa mga kasali ay mga baguhan at hindi propesyonal na aktor.
Pero somewhere along the way, tatalab sa iyo ang pelikula. Hindi mo namamalayan na nahu-hook ka na. Siguro’y dahil makare-relate ka sa pinagdaraanan ng mga karakter na iyong nakikita sa screen.
Ang kuwento ay nagsimula sa isang binatang baon sa utang na ginagampanan ni Zheng Runqi, na mula Tsina ay naglakbay patungong Bangkok upang hanapin ang matagal nang nawawalang lolo—tinatalakay nito ang migration, sakripisyo, pamilya, alaala, at ang mga bagay na kayang gawin ng tao para ma-preserve ang nakaraan.
Nasesentro ang pelikula sa tinatawag na “qiaopi”—o ang tawag sa mga liham at perang ipinadadala sa kanilang pamilya ng mga migranteng Tsino sa ibayong-dagat.
Sa pamamagitan ng mga lumang “qiaopi,” o mga sulat ng pagpapadala ng pera na dating ginagamit ng mga migranteng Tsino upang makipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya, natuklasan niya ang nakatagong katotohanan tungkol sa kanyang umano’y mayamang lolo at nalaman ang tungkol sa mga pakikibaka, sakripisyo, at debosyon ng mga naunang henerasyon ng mga Tsino sa ibang bansa.
Ang mga sulat na iyon ay higit pa sa mga makasaysayang artifact. Nagsisilbi silang emotional thread na nagdurugtong sa mga nagkakahiwalay na pamilya dahil sa pinansiyal na pangangailangan na dekada ang bilang ng taon ng pagkakahiwalay.
Maraming mga bagay na mahirap paniwalaan at mga desisyong talagang kaduda-duda sa takbo ng mga pangyayari. Ngunit nagtagumpay ang pelikula na gawing kapana-panabik at nakapupukaw ng damdamin ang masalimuot na premise nito.
Napagtagumpayan ito ng direktor n si Lan Hongchun. Nauunawaan niya na hindi naman kinakailangang sumang-ayon ang mga manonood sa bawat desisyong ginagawa ng mga tauhan. Ang kailangan lang niyang gawin ay ipadama sa atin ang malasakit sa kung ano ang mangyayari sa kanila.
Ayon sa mga ulat, gumugol si Direktor Lan Hongchun ng tatlong taon sa pagsasaliksik sa pelikulang ito, at nakapanayam ang halos 300 pamilyang Tsino sa ibang bansa sa buong Timog-silangang Asya, Amerika, at Europa
Bago ito, nakamit ng pelikula ang kahanga-hangang tagumpay sa takilya sa Hong Kong, Singapore, at Malaysia.
Hindi naman puro malungkot ang tagpo ng pelikula may mga tagpong katatawanan din sa gitna ng mga mabibigat na eksena, na pumipigil sa pelikula na malunod nang tuluyan sa labis na sentimental.
Bago ang special screening, nagbigay muna ng welcome remarks ang pangulo ng FFCCCII, aniya, “We are deeply grateful to be joined tonight by our distinguished guests, our partners, friends from the Filipino-Chinese community, members of the Federation, and everyone who has gathered to celebrate the timeless power of storytelling.
At the FFCCCIl, we have always believed that a truly flourishing society is built not only through economic progress and physical development, but also through culture, compassion, and human connection. Few art forms possess the universal power of cinema. A meaningful film can transcend language and borders, awaken empathy, and remind us that while our histories may differ, our hopes, our sacrifices, and our love for family are wonderfully alike.
“That is why we are delighted to present ‘Dear You,’ a remarkable film that has touched audiences across Asia. Set between Thailand and southern China, it beautifully portrays the overseas Chinese experience while celebrating enduring family values that resonate deeply with both the Filipino and Chinese peoples.
“Its message also echoes the lives of millions of Overseas Filipino Workers whose dedication and sacrifice continue to strengthen our nation. Their remittances, amounting to about US$38 billion annually, help sustain countless families and contribute significantly to our country’s economic growth. Beyond these impressive numbers are stories of courage, longing, resilience, and love-the quiet heroism of parents, children, husbands, and wives who endure distance today in the hope of a better tomorrow.”
Palabas na simula bukas angDear You sa SM Cinemas.
