HARD TALK
ni Pilar Mateo
PANAY-PANAY sa pag-tream ng sari-saring proyekto ang VMX. Sa patuloy na pagbibigay ng pagkakataon sa mga artista at direktor na magpamalas ng sari-saring panoorin sa madla.
Kamakailan, inihain ang Creampie ni Direk Rodante Pajemna, Jr. Kasunod ang Viva Hot Babes: Muling Bubuka ni Direk Bobby Bonifacio.
Sari-sari man ang uri ng kanilang naratibo, tinitiyak ng dalawang direktor na may ibang klaseng kasiyahang tatamasain ang nanonood.
Medyo “dark” o madilim ang sinalangan nina Angela Castro at Christy Imperialkasama sina Vince Rillon at Mark Dionisio.
Tila nagsusunod-sunod ang proyekto nitong si Angel na talaga namang masasabing palaban sa kanyang mga karakter na sinasakyan.
Ang nakatutuwa sa showbiz royalty na ito, she’s a cry baby. Tuwing may masasaling na pag-uusapan sa personal niyang buhay, hindi nito mapigilan ang maiyak.
Mababaw nga lang daw ang kanyang luha.
Sa mga artista naman ng Muling Bubukaka, magsisilbing hosts sina Queenie de Mesa at Zsara Laxamana sa pagtatampok sa mga sumibol na stars ng 2000-ang Viva HotBabes.
Ipakikita ng dalawang hotstars ang mga ‘di malilimutang mga eksenang ginawa sa pelikula nina Maui Taylor, Gwen Garci, Katya Santos, at Sheree-pag-throwback sa Nerisa, Gamitan, Boso, Hibla, First Time, Sex Drive, Sukdulan, Sex Games, at Hibla.
Kung paano muling binuhay ng dalawang hosts ang mga ‘di malilimutang eksena ng mga inidolo sa kanilang panahon ang siyang magpapakilig sa mga mahilig sa sexy films ng VMX.
Sabi ni Direk Bobby, “When it comes to these projects na inihahain ang Viva, like sa VMX, very strategic sila. Kaya nagiging mapangahas sa mga nagagawang istorya. At ang maganda naman, hindi lang game ang mga artista. Dahil naiintindihan nila at alam nila kung paano ito maisasagawa sa pagtutulungan ng magkakaeksena.”
Matatapang na ngang masasabi ang mga dilag sa VMX. Kahit anong papel sa mga eksenang sasalangan nila ay buong puso ng niyayakap.
No inhibitions at all. Lalo pa’t uso na rin ang GL o girl love stories. Na parehong babae ang nasa mainit na mga eksena.
Fresh contents para sa viewers are in store sa bawat VMX na ipakakagat.
And are they glued? Sa halagang P169!
