ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang talented na bagets na si Xia Vigor na dream come true sa kanya ang muling makasama si Aga Muhlach sa isang Metro Manila Film Festival project.
Last June ay napag-usapan lang namin na wish niyang makagawa muli ng magandang MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” na tinampukan nila ni Aga Muhlach. Malaking opportunity daw sa kanya ang mga ganoong klaseng projects, na mga veteran actors pa ang co-stars niya.
Ang nasabing pelikula ay naging top grosser sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) na kumita ng more or less ay P400 million kahit malalaking pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis, Vic Sotto, and Coco Martin, ang kasabayan nito.
Pahayag ng 17-year old na si Xia, “Opo, dream come true po talaga iyon sa akin since matagal na rin po akong hindi gumawa ng MMFF project. Ang first and last ko po ay iyong Miracle… na una.”
Pagpapatuloy na esplika niya, “Siyempre, I think it’s everyone’s dream naman lagi na makasali po rito, kasi iyon ang time na buhay talaga ang cinema. Tapos, maraming families ang nagpa-plan for Christmas na manood dito… So maingay (siya), inaabangan (siya) at masaya iyong parade sa MMFF. So, grabe po ang core memories nito sa akin noong bata pa po ako.
“So, para makapag-MMFF ulit, sobrang dream ko po talaga ito. Kaya nang nasabi po sa akin ni Boss Vic (del Rosario) na may part 2 ito pong “2nd Miracle In Cell No. 7” sobrang na-excite po ako, like hindi ko po in-expect na gagawa pa (ng part 2). Kasi, kung iisipin mo po ay parang natapos na iyong story, e. Lumaki na po siya and napakita na si Ate Bela (Padilla) roon, na ako na lumaki na, at naging lawyer siya and all that.
“So, hindi ko po alam kung paano nila mae-execute talaga. Ang nasabi pa lang po sa akin, parang prequel-sequel siya, na ipapakita ‘yung life ni Yesha (Xia) after ng tragic na nangyari sa father niya, kung paano siya nag-cope with all that.
“I think magiging inspiring (siya) sa mga kabataan, na makikita ang mga struggle niya pero sa huli ay magiging okay naman siya. Tapos ay naging lawyer pa siya paglaki niya, na nakita naman po natin sa part 1 ng movie.
“Kaya sobrang thankful po ako kay Boss Vic sa project na ito, dream come true po talaga ito,” nakangiting wika pa ni Xia.
Ano ang reaction niya na ang kanyang dalawang wish ay natupad, na magkaroon ng project ulit sa MMFF at makasama muli si Aga sa pelikula.
“Kaya nga po, kasi siyempre nakasama ko si Tito Aga sa first na movie ko sa MMFF, kaya siyempre it would be so fun na makasama ko siyang muli dahil madali po siyang katrabaho, fun and hindi mo mararamdaman ang pressure kahit na matagal na siya sa showbiz, veteran actor na siya…
“Sa una, parang may pressure, kasi during that time noong Miracle… five years pa lang po ako sa showbiz noon, pero si Tito Aga ay decades na.
“Pero nang nagsimula na ang shooting hindi niya napa-feel sa akin ang pressure, na parang naging very chill lang kami sa set at nakikipagkuwentohan siya sa akin, kahit usually I would expect na hindi kami masyadong makakapag-bond sa conversation dahil sa age gap. Pero surprisingly like, masaya po talagang katrabaho si Tito Aga,” sambit pa ng magandang dalagita.
Incidentally, bukod sa aabangang pelikula sa MMFF 2026, si Xia ay may mahalagang papel sa Viva One series na “Love U Lots” na tinatampukan din nina Wilbert Ross, Bea Binene, Katya Santos, Janno Gibbs, Candy Pangilinan, Vito Quizon, at iba pa.
