BINAWIAN ng buhay ang isang dating radio anchor at ngayo’y administrative officer ng Abra Prosecutor’s Office makaraan pagbabarilin sa Zone 5, Bangued, Abra kamakalawa ng gabi . Kinilala ang biktimang si Jack Porqueza, dating anchorman ng DZPA sa Abra. Ayon kay Abra Provincial Director Sr. Supt. Virgilio Laya, sakay ang biktima ng motorsiklo nang tambangan ng hindi nakikilalang mga suspek …
Read More »3 kasapi ng Indian KFR group timbog
KALABOSO ang tatlo katao kabilang ang isang Filipina mula sa siyam miyembro ng Indian kidnap for ransom group makaraan mabigo sa tangkang pagdukot sa kanilang kababayan na vice president ng Indian Shiek Temple sa United Nation Avenue, Paco, Maynila, kamakalawa. Kinasuhan ng attempted kidnapping sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek na sina Joginder Singh, 42, gym instructor, residente ng …
Read More »Yolanda victims tangkang itago kay Pope Francis
PINAGPAPALIWANAG ng Malacañang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa napabalitang tangkang pagtago sa tunay na kalagayan ng Yolanda victims para sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Pope Francis. Una rito, napaulat na balak ilipat ang mga biktima ng kalamidad ng hanggang limang kilometro para hindi makita ng Santo …
Read More »Bong Revilla idiniin ng AMLAC
NAGSUMITE ng ebidensiya ang isang kinatawan Anti-Money Laundering Council kahapon na nagdidiin kay detinedong Senador “Bong” Revilla, Jr., sa money laundering scheme gamit ang pondong nakuha mula sa kanyang pork barrel. Sa kanyang direktang testimonya, iprinesenta ni Atty. Leigh Vhon Santos, bank investigator ng AMLC, ang 63 page report kaugnay sa findings ng kanilang imbestigasyon sa bank assets ni Revilla. …
Read More »P7.1-M budget sa Indonesian trip ni PNoy
NAGLAAN ang Palasyo ng P7.1 milyon para sa isang araw na partisipasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa 7th Bali Democracy Forum. Ang naturang halaga ay para pantustos sa transportasyon, accommodation, pagkain, equipment at iba pang gastusin ng Pangulo at ng kanyang 47-member delegation na umalis kahapon patungong Bali, Indonesia. Si Pangulong Aquino ang co-chairman ng 7th Bali Democracy Forum …
Read More »2 utas, 21 timbog sa drug raid sa Biñan
PATAY ang dalawang lalaki habang 21 ang naaresto sa magkasunod na drug raid sa Biñan, Laguna kamakalawa. Kinilala ng Biñan Police ang dalawang napatay na sina Mario Garfin at Rodelio Evangelista, kapwa miyembro ng Pogi Gang, isang kilabot na hitman group. Ayon sa ulat, pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis na sumalakay kaya ginantihan sila. Narekober sa mga suspek …
Read More »Criminal case vs Sulpicio Lines binuhay ng SC
BINUHAY ng Korte Suprema ang kasong kriminal laban sa may-ari ng Sulpicio Lines na si Edgar Go kaugnay nang lumubog na MV Princess of the Stars noong 2008 na ikinamatay ng halos 800 indibidwal. Ito’y makaraan paboran ng Supreme Court (SC) Second Division ang motion for reconsideration na inihain ng Office of the Solicitor General at Public Attorney’s Office (PAO) …
Read More »Hacienda, mansions ni Binay buking sa Senado (P2-B tagong yaman)
NABULGAR sa Senado na may apat na mansyon at 350-ektaryang mamahaling hacienda si Vice President Jejomar na ipinangalan niya sa kanyang ‘dummies’ at hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para maitago sa publiko. Ang pagbubulgar ay isinagawa ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na siya rin nagdiin kay Binay kaugnay sa pagtanggap ng …
Read More »Junjun, konsehales hiniling tanggalin (Hilmarc’s sabit na rin sa Plunder)
HINILING ngayon ng mga residente ng Makati sa Office of the Ombudsman na tanggalin sa puwesto si Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at ilang konsehal ng siyudad matapos umanong mapatunayan sa mga dokumentong isinumite nila ang sabwatan sa tong-pats sa Makati Parking Building. Sa 15-pahinang Consolidated Reply na isinumite kahapon sa Ombudsman, hiniling nina Atty. Renato Bondal at Nicolas …
Read More »Sanggol dinukot sa Baywalk
NASAGIP ang isang sanggol ng mga operatiba ng MPD-PCP Lawton makaraan dukutin ng suspek na si Melanie Enocencio, 33, sa Baywalk sa Roxas, Blvd., Maynila habang natutulog ang mga magulang na kapwa vendor. (BONG SON) NASAGIP ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Community Precinct 5, sa Lawton, Maynila ang isang sanggol makaraan dukutin ng isang babae kahapon ng madaling …
Read More »OSG pinakokomento ng SC sa petisyon ng 2 anak ni Napoles
INIUTOS ng Korte Suprema sa Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng komento kaugnay ng petisyon ng dalawang anak ni Janet Napoles sa kasong graft sa multi-bilyong pork barrel scam. Partikular na inihirit ng magkapatid na Jo Christine at James Christopher Napoles sa Supreme Court (SC) na ipawalang-bisa ang findings ng Ombudsman at ipahinto ang pagdinig ng Sandiganbayan …
Read More »Totoy nalunod sa creek (Bola hinabol)
MAKARAAN ang halos 24-oras, narekober ang bangkay ng 7-anyos batang lalaking nalunod sa isang creek nang habulin ang kanyang bola sa Marikina City. Kinilala ni S/Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang biktimang si Mark Raven Villanueva, nakatira sa Park-22, Police Village, Gen. Ordoñez, Concepcion-Uno ng lungsod. Sa imbestigasyon ng mga pulis, dakong 1 p.m. kamakalawa nang lusungin …
Read More »P8 pasahe ibabalik ng Pasang Masda
HANDA ang grupong Pasang Masda na ibalik sa P8.00 ang minimum fare sa jeep. Ito ang inihayag ni Pasang Masda President Obet Martin kasunod nang pagbaba ng presyo ng diesel. Gayonman, makikipag-ugnayan pa aniya sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ipaabot ang kanilang kondisyon. “Gusto lang po naming magkaroon nang katiyakan sa board, sa LTFRB, kay …
Read More »Ugnayan kontra krimen pinaigting ng MPD
PATULOY ang isinasagawang ugnayan ng Manila Police District (MPD) sa mga komunidad bilang hakbang laban sa pagtaas ng bilang ng kriminalidad sa lungsod sa kabila nang nalalapit na balasahan at rigodon sa hanay ng Manila’s Finest. Isinagsawa sa ilalim ng programang “Serbisyong Makatotohanan” ng pulisya na inilunsad kamakailan para sa maayos na ugnayan ng mga awtoridad at ng komunidad sa …
Read More »Kelot tumalon sa Davao river (May liver cancer)
DAVAO CITY – Bunsod ng paghihirap sa sakit na liver cancer, isang lalaki ang tumalon sa Davao river kamakalawa ng gabi. Agad nagresponde pasado 8 p.m. kamakalawa ang mga kasapi ng Central 911, mga tauhan ng pulisya at Philippine Coast Guard sa Bolton Bridge ng Davao City makaraan tumalon si George Chavez, 40, may asawa, at residente sa nasabing …
Read More »Ex-ABC prexy ng Surigao City tigok sa boga
BUTUAN CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ng Surigao City ang pagpatay sa dating city councilor sa loob ng cockpit arena ng naturang lungsod dakong 3 p.m. kamakalawa. Ang biktimang si Constante “Tante” Elumba, 58, dating kapitan ng Brgy. Togbongon at dating presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) noong taon 2007 hanggang 2010, ay naglalakad sa loob ng Pyramid …
Read More »Termino tatapusin ni PNoy – Palasyo (Hindi magbibitiw)
DETERMINADO si Pangulong Benigno Aquino III na tapusin ang kanyang termino hanggang 2016 at hindi magbibitiw dahil lamang sa panawagan ng isang maliit na sector. Ito ang bwelta ng Palasyo sa panawagan ng National Transformation Council (NTC) na mag-resign na si Pangulong Aquino bunsod nang kawalan na anila ng “moral right” para pamunuan ang Filipinas. Ayon kay Communications Secretary Herminio …
Read More »3 paslit inararo ng trak tepok
TATLONG paslit ang namatay nang araruhin ng humahagibis na trak habang naglalaro sa tabing-kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan sina Jabez Marlo Gestupan, 9; Jerwin Mendoza, 7 at Adrian Boyson, 6, pawang residente sa Brgy. 176, Bagong Silang. Agad dinakip …
Read More »Luy ‘itinago’ sa bahay ng monsignor
INIHAYAG kahapon sa korte ng isa sa mga testigo ng depensa na dinala sa bahay ng isang monsignor ang pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy sa Makati City. Sa pagdinig sa Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 150, kaugnay sa kasong serious illegal detention na kinakaharap ni Janet Lim-Napoles, inamin ng isa sa mga testigong iniharap ng …
Read More »Bodyguard ni Bulacan VG Fernando nanutok ng baril
KINONDENA ng mga mamamahayag sa Bulacan at Central Luzon ang ginawang panunutok ng baril ng bodyguard ni Vice-Governor Daniel Fernando sa isang TV reporter habang may isinasagawang dialogo sa isang restaurant sa Tabang, Guiguinto, Bulacan noong Oktubre 1. Ang biktima ng panunutok ng baril ay si Rommel Ramos, local news reporter ng GMA 7 at interim chairman ng National Union …
Read More »BIR, DILG pasok sa lifestyle check vs pulis
NAKAHANDA na ang lifestyle check na isasagawa sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng liderato nito. Matatandaan, unang umusbong ang opsyong lifestyle check ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa mga kaso ng hulidap na kinasasangkutan ng mga pulis. Ani Secretary Mar Roxas, bahagi ito ng mas maigting na paglilinis sa …
Read More »Task force binuo para sa Papal visit
NAGBUO ng isang task force ang Palasyo para matiyak na magiging matagumpay ang pagdalaw sa bansa ni Pope Francis mula Enero 15 hanggang 19 sa susunod na taon. Sa bisa ng Memorandum Circular No. 72, iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtatag ng Papal Visit 2015-National Organizing Committee (PV-NOC) na mamahala sa preparasyon sa pagbisita ng Santo Papa, itinuturing …
Read More »‘Namasyal’ sa bubong tigbak sa bala ng ‘sniper’
INASINTA na parang ibon ang isang lalaki na napagkamalang miyembro ng Akyat-Bahay gang habang naglalakad sa bubong ng isang bahay sa Pandacan, Maynila, iniulat kahapon. Namatay sa ibabaw ng bubong ng bahay sa 1131 Guanzon Compound, Teodoro San Luis St., Pandacan, Maynila, sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib si Renato Robles, 52, miyembro ng Sputnik gang, ng 2056 …
Read More »OFWs sa Saudi may 5-day vacation with pay sa Eid’l Adha
IKINATUWA ng foreign workers sa Saudi Arabia lalo na ng mga Filipino, ang limang-araw na bakasyon grande kasabay ng paggunita ng mga kapatid na Muslim sa Eid’l Adha sa Lunes, Oktubre 6. Ayon kay Redentor Ricanor, ng Brgy. Puro, Caoayan, Ilocos Sur at nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia, magsisimula ang kanilang bakasyon ngayong araw, Oktubre 4 hanggang Oktubre 8 at …
Read More »PNOY bukas sa Cha-cha (Kahit ayaw ng mga ‘boss’)
NANANATILING bukas si Pangulong Benigno Aquino III sa Charter Change (Chacha). Sa kabila ito ng resulta ng survey ng Pulse Asia na anim sa bawat 10 Filipino ay ayaw sa Chacha at term extension ng Pangulong Aquino. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy pa ring aalamin ng Pangulong Aquino ang saloobin ng kanyang mga boss o taongbayan. Ayon kay …
Read More »