2 airport police nabaril

DALAWANG miyembro ng Airport Police Department ang nasugatan makaraang pumutok ang baril habang nililinis ng isang pulis nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang dalawang biktima na kapwa airport police officers 1 (APOs1) na sina Edcel Biag, 22, at Lubigan Barongrong, 22, kapwa isinugod sa San Juan de Dios Hospital dahil sa parehong tama sa kaliwang hita.

Lumalabas sa imbestigasyon na nililinis ni Biag ang kanyang 9mm service firearm sa locker room sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 nang biglang nakalabit ang gatilyo, pumutok at tumama sa kanya at kay Barongrong.

Ayon sa APD, dahil sa kapabayaan ni Biag nakatakda siyang dumaan muli sa seminar on gun safety and responsible ownership.

JSY