Special child hinalay ni tatay (Sa itaas ng nitso)

KALABOSO ang isang 58-anyos sepulturero ng Manila North Cemetery makaraan maaktohan ng mga barangay tanod ang panghahalay sa kanyang anak na special child sa ibabaw ng nitso sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw.

Itinago ang biktima sa pangalang Gina, 23, isip-bata, pang-apat sa limang magkakapatid at nag-iisang babae.

Habang nakapiit na sa Manila Police District-Women’s and Children’s Protection Desk Β ang supek na si Alfonzo De Guzman.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Thelma Samudio, dakong 2:30 a.m nang maganap ang insidente sa loob ng sementeryo.

Nagroronda ang mga barangay tanod nang marinig ang ingay ng biktima sa madilim na bahagi ng sementeryo at nang kanilang lapitan ay nakitang ginagahasa ng suspek ang biktima.

Sa medical examination sa Philippine General Hospital (PGH), positibong ginahasa ang biktima.

Malaki ang paniwala ng ina ng biktima na matagal nang ginagahasa ng kanyang asawa ang kanilang anak.

Sa imbestigasyon, nabatid na kapwa gumagamit ng droga ang mag-asawang caretaker sa sementeryo.

Leonard Basilio