This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
SUGATAN ang isang driver/bodyguard ng konsehal nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm habang tinatanggalan niya ng magazine kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng kalibre .40 sa kanang tuhod ang biktimang si Chris John Joaquin, 33, driver/bodyguard ni Malabon City Councilor Japs Garcia, at residente ng 11 C. Perez St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ni PO1 Jose Romeo Geminal II, dakong 6:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Tinatanggal ni Joaquin ang magazine ng bala ng kalibre .40 service firearm ng aksidente itong pumutok at siya ay tinamaan sa kanang tuhod.