Friday , November 22 2024

News

P6.7-M shabu nakompiska sa Cotabato checkpoint

COTABATO CITY – Umaabot sa 1.031 kilo ng shabu ang nakompiska ng pulisya sa lungsod ng Cotabato dakong 8:30 p.m. kamakalawa. Ayon kay Cotabato City police director, S/Supt. Rolen Balquin, na-intercept ng mga awtoridad ang isang Izuzu Elf sa Purok Pag-asa, Brgy. Datu, Balabaran, Cotabato City, nang sitahin ang driver na si Tato Fermin kung ano ang laman ng kanyang …

Read More »

11 pulis sa Laguna sinibak sa pwesto (2 sibilyan pinaslang)

SINIBAK sa kanilang pwesto ang 11 pulis sa Victoria, Laguna. Ito’y kaugnay sa pagkakapaslang sa dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, sa bayan ng San Pablo. Ayon kay PNP-PIO, Senior Supt. Wilben Mayor, mayroon nang isinasagawang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing kaso. Giit ni Mayor, ang pag-relieve sa 11 pulis ay para mabigyang-daan ang patuloy na imbestigasyon …

Read More »

Got Talent winner todas sa rabies (Sa Agusan del Norte)

BUTUAN CITY – Dumulog sa municipal health office sa bayan ng Nasipit, lalawigan ng Agusan del Norte, ang mga kaanak ng isang local singer na namatay dahil sa rabies. Ito’y bilang pagsunod sa payo ng attending physician ng 14-anyos biktimang si Rieven Joshua Cal, kampeon ng 2014 Nasipit Got Talent, at residente ng Purok Igpalas, Brgy. Culit ng nasabing bayan. …

Read More »

Japanese itinumba ng tandem

mPATAY ang isang Japanese national makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin na lulan ng motorsiklo habang sakay ang biktima ng isang taxi kasama ang isa pang Hapones kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City. Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Las Piñas General Hospital & Satellite Trauma Center  ang biktimang si Shinsuke Toba. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong …

Read More »

World Citi Colleges sa Caloocan nasunog

NASUNOG ang bahagi ng World Citi Colleges sa Biglang-awa St.,, Caloocan City kahapon. Ayon kay Caloocan Fire Marshall Supt. Roel Jeremy Diaz, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa administration stock room sa ikawalong palapag ng eskwelahan. Inaalam pa ang sanhi ng apoy at ang halaga ng pinsala ng sunog na nakontrol dakong 3:29 p.m. kahapon. Dahil sa …

Read More »

RITM kasado vs Ebola

NAKAHANDA na ang mga pasilidad at kagamitan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kontra Ebola. Naglagay ng screening area sa bungad ng RITM para sa mga pasyenteng galing ng West Africa o nagkaroon ng contact sa virus. Sa triage screening tent ay aalamin ang background ng pasyente, pinanggalingang bansa at kung nagpapakita ng sintomas ng Ebola. Kung walang sintomas, …

Read More »

Dismissal vs Justice Ong pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang dismissal order laban kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong dahil sa kaugnayan sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles. Sinabi ni SC spokeperson Atty. Theodore Te, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang motion for reconsideration na inihain ni Ong na humihiling baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya …

Read More »

Lawyer ni ‘Jenny’ sinusundan ng US spy

SINUSUNDAN ng isang espiyang Amerikano ang abogado ng pamilya Laude. Isiniwalat ni Atty. Harry Roque, may isang Amerikano na nakabuntot sa kanya habang ina-asikaso ang kaso ng pagpaslang sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. “Siguradong-siguradong Amerikano po ‘yun. Ang tindig po niya ay tindig-sundalo,” paglala-rawan ni Roque. “Nagpunta po ako sa tanggapan ng piskalaya, matapos ko pong maki-pagpulong, …

Read More »

Pandesal boy ‘di talaga naholdap — Caloocan PNP (Ina pananagutin sa pambubugbog)

DUDA ang pulisya kung talaga bang naholdap ang 12-anyos bata habang naglalako ng pandesal sa Deparo, Caloocan City. Matatandaan, kumalat sa social media ang video ni “Bryan” habang umiiyak at nangangatog makaraan tangayin ang kanyang P200 kita sa pagtitinda ng pandesal. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan Police, gumawa lang ng kwento ang bata dahil sa takot na mabugbog …

Read More »

Overpriced multicabs itinanggi ni Trillanes

ITINANGGI ni Senador Antonio Trillanes IV kahapon na bumili siya ng overpriced multicabs sa halagang P300,000 bawat isa sa pamamagitan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), makaraan akusahan ng United Nationalist Alliance. Sinabi ng senador, wala siyang pinondohang overpriced projects at hindi personal na nakinabang sa iba’t ibang proyekto sa pamamagitan ng kanyang PDAF. “From 2011 to 2013, my …

Read More »

Ex-bodyguard ng mayor itinumba

PATAY ang dating bodyguard ng isang mayor, at kasalukuyang collector sa pantalan makaraan tambangan ng dalawang hindi nakilalang binatilyo habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo kahapon ng umaga sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alejandro Aquino, 50, dating bodyguard nang namayapang mayor ng Malabon na si Tito Oreta, at residente ng Liwayway St., Brgy. Bayan-Bayanan …

Read More »

Engineer na-double hit and run patay

DOBLENG kamalasan ang sinapit ng isang inhinyero nang dalawang beses ma-hit and run ng isang kotse at truck habang minamaneho ang kanyang motorsiklo at tinatahak ang South Luzon Expressway (SLEX) kahapon ng madaling araw sa Makati City. Namatay noon din ang biktimang si Jun Yasul, 57, ng Cairo St., Purok 4, Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City, bunsod ng pinsala …

Read More »

Bus sa NLEX ini-hostage ng vendor

KAKASUHAN ng serious illegal detention at alarm and scandal ang isang tindero makaraan i-hostage ang isang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa North Luzon Expressway (NLEx) sa Guiguinto, Bulacan. Hawak ang isang patalim, ini-hostage ni Lauro Sanchez ang Everlasting bus sa Sta. Rita Toll Plaza ng NLEx. Ayon sa isa sa mga pasahero, galing Tuguegarao, Cagayan ang bus patungong Cubao, …

Read More »

50 bahay sa Tondo natupok (Bahay ng kongresman nadamay)

UMABOT sa 50 kabahayan ang natupok kabilang ang bahay ni Manila 1st District Congressman Benjamin “Atong” Asilo nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila kahapon. Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, dakong 11:34 a.m. nang nagsimula ang sunog na itinaas sa Task Force Bravo dakong 11:48 a.m. Sinasabing nagmula ang sunog sa bahay …

Read More »

2 pulis nag-duelo sibilyan dedbol

BINAWIAN ng buhay ang isang sibilyan nang maipit sa barilan ng dalawang pulis sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Isidro Magpali, 47, tiyuhin ng isa sa nagbarilang dalawang pulis. Ayon kay Angono Police Supt. Lucilo Laguna Jr., galing sa bundok si Supt. Wilson Magpali kasama ang tiyuhing si Isidro makaraan bumisita sa isang kaanak. Pababa …

Read More »

Ex-Gov ng Davao sumuko (Sa broadcaster slay)

DAVAO CITY – Boluntaryong sumuko si Davao del Sur Former Governor Douglas Cagas sa Davao del Sur Police Provincial headquarters kahapon nang lumabas ang warrant of arrest sa kasong murder na isinampa sa kanya kaugnay sa pagkamatay ng journalist na si Nestor Bedolido, Sr., apat taon na ang nakalilipas. Marami ang sumama sa pagsuko ng nasabing former governor kasama na …

Read More »

Libreng Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text

LIBRE na ang Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text nang hindi mababawasan ang load ng subscriber. Sa bagong promo, ang mga prepaid, postpaid, at broadband subscribers ay makakukuha ng 30MB na libreng Internet access sa loob ng isang araw na mayroong seguridad. Upang makuha ang promo, i-text ang FREE sa 9999 at makatatanggap ng noification na naka-enroll na …

Read More »

Binatilyo kritikal sa bugbog, saksak

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos binatilyo makaraan pagtulungang bugbugin at saksakin ng isang grupo ng kabataan habang inihahatid ang kanyang kasintahan kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Julas Saldasal, residente ng 118 Valdez St., Brgy. 21, Caloocan City. Sa ulat ni PO2 Roldan Angeles, dakong 4 p.m. nang maganap ang insidente …

Read More »

‘Jenny’ ‘di agenda sa Pnoy-Goldberg meeting (Sa 70th anniv ng Leyte Landing)

WALANG ideya ang Palasyo kung pag-uusapan ang kaso ng pagpatay sa Filipina transgender ng isang US serviceman, sa paghaharap ngayon nina Pangulong Benigno Aquino III at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa ika-70 anibersaryo ng Leyte Landing sa Palo, Leyte. “Ang okasyon po ay ‘yung 70th anniversary ng Leyte Landing. Wala po tayong impormasyon hinggil sa inyong tinatanong,” …

Read More »

Bebot arestado sa cyber extortion (Nagpanggap na kelot)

ARESTADO ng mga elemento ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang 21-anyos babae makaraan ang ginawa niyang ‘cyber extortion’ sa isang 18-anyos babaeng estudyante, kamakalawa ng hapon sa Ro-binson’s Place Manila sa Ermita, Maynila. Kinilala ni PO3 Jayjay Jacob ang suspek na si Diana Lyn Callao, nagpakilala bilang si Lee Andrei Inigo Santillan sa kanyang account …

Read More »

‘Bikini islands’ ipapalit sa u-turn slots – MMDA

IPAPALIT sa u-turn slots ang ‘bikini island’ na ilalagay sa North Ave. – EDSA upang maibsan ang matinding trapic sa Metro Manila. Bilang bahagi ng programa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ang trapik sa Metro Manila, maglalagay ng ‘bikini island’ at aalisin na ang U-turn slots. Sinabi ni MMDA Assistant General Manager Emerson Carlos, ang ‘bikini’ island …

Read More »

85-anyos lola ginahasa ng 22-anyos senglot

ROXAS CITY-Nadakip sa akto ang isang 22-anyos lalaki habang pinagsasamantalahan ang isang 85-anyos lola sa Brgy. Libas Roxas, City kamakalawa.   Nasaksihan mismo ng apo at anak ng biktimang si Clarita Barroa ang panghahalay ng suspek na si Christy Arollado sa matanda. Ayon kay Barangay Kagawad Renante Araw-araw, nadatnan ng mga kamag-anak ng biktima na nakapatong sa matanda ang lalaki …

Read More »

Misis ng Camnorte Gov, 1 pa dinukot?

LEGAZPI CITY- Nagpasaklolo ang Camarines Norte Police Provincial Office sa Police Regional Office -5 upang hanapin ang asawa ng gobernador ng lalawigan at isa pang kasama hinihinalang dinukot nitong Biyernes, Oktubre 17. Ayon kay PO1 Michael Lubiano y Cabines, nakadestinong pulis sa Camarines Norte PPSC sa bayan ng Vinzons, sakay ng itim na Toyota Fortuner (PRI 744) si Gng. Josie …

Read More »

Nang-agaw ng misis tinarakan ni mister

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan saksakin nang inagawan niya ng asawa, sa harap ng isang saklaan kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Patuloy na ginagamot sa Valenzuela City General Hospital ang biktimang kinilalang si Emilio Eugenio, 50, sakla caller, residente ng 107 E. Martin St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang …

Read More »

Misis napatay mister nagbigti

NAGA CITY – Pinatay muna ang kanyang kinakasama bago kinitil din ng isang padre de pamil-ya ang kanyang sarili sa Brgy. Siera, Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ni PO3 Rolly Nebran ng PNP-Lagonoy ang biktimang si Sherlyn Malaguenio, 27, habang ang suspek ay si Rolly Baranda, 29-anyos. Ayon kay Nebran, pinuntahan ng ina ni Baranda ang bahay ng mag-live-in na …

Read More »