Tuesday , December 5 2023

Bebot tumirik sa pakikipagtalik

BACOLOD CITY – Nakatakdang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng isang 45-anyos babae na namatay makaraan makipagtalik sa 59-anyos lalaki sa loob ng isang lodging house sa Bacolod City kamakalawa ng gabi.

Kinila ang biktima sa pamamagitan ng kanyang voter’s ID na si Marian Baltazar, 45, residente ng Legazpi City, Albay ngunit nagtratrabaho sa isang videoke bar sa Silay City, Negros Occidental.

Habang kinilala ang kasamang lalaki na si Bill Mejica, 59, may asawa at residente ng Brgy. 1, Silay City, nakakulong na sa Bacolod Police Station 3, habang iniimbestigahan ang insidente.

Batay sa imbestigasyon, pumasok ang dalawa sa Rm. 37 ng Adam’s lodge sa Brgy. Bata, Bacolod City dakong 7 p.m. ngunit dakong 9 p.m. ay humingi ng tulong ang lalaki sa cashier nang himatayin ang kasamang babae.

Batay sa salaysay ng lalaki, inatake nang matinding ubo ang babae ilang minuto makaraan silang magtalik.

Sumuka rin aniya ang babae dahil sa matinding pag-ubo at parang hinika hanggang sa mawalan ng malay.

Tinangka ng cashier at roomboy na i-revive ang biktima sa pamamagitan ng pagmasahe ngunit hindi na nagkamalay si Baltazar at bumula ang bibig.

Agad isinugod ang biktima sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City ngunit hindi na umabot nang buhay.

 

 

 

About Hataw

Check Also

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *