TULUYAN nang nakalusot sa Kamara de Representantes ang hinihinging emergency power ni Pangulong Benigno Aquino III (PNoy) para matugunan umano ang power crisis sa susunod na taon. Sa isinagawang ikatlong pagdinig kahapon, lumamang nang husto sa boto ang pabor para bigyan ng karagdagang kapangyarihan si PNoy. Base sa datos, pumalo sa 149 boto ang sumang-ayon, habang nasa 18 naman ang …
Read More »Publiko kumain ng NFA rice ngayon Pasko (Payo ng Palasyo)
PINAYUHAN ng Palasyo ang publiko na kumain na lang ng NFA rice kapalit ng commercial rice na mas mahal ang presyo ngayon. Pahayag ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa gitna ng patuloy na pagtaaas ng presyo ng mga noche buena items at bigas. Sinabi ni Valte na mismong ang ekonomistang si Pangulong Benigno Aquino III ay alam na …
Read More »SC en banc sa DQ ni Erap ilabas na (Desisyon ‘wag nang paabutin sa 2015)
SUMUGOD muli sa harap ng Korte Suprema ang isang grupo ng mga residente ng Maynila na Movements Against Corruption (MAC) para magpasalamat sa Korte Suprema at iapela na huwag nang paabutin pa sa 2015 ang disqualification case ng napatalsik na Pangulo ng bansa at convicted plunderer Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Ayon Kay Leah Dimasilang Secretary General ng MAC, malaki …
Read More »BBL isinalin na sa Filipino (Para lubos na maunawaan ng mamamayan)
ISINALIN na ng pamahalaan sa wikang Filipino ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na nakabinbin sa Kongreso upang lubos na maunawaan ng mga pangkaraniwang mamamayan, partikular ng mga taga-Mindanao. Isinapubliko kahapon sa isinagawang forum ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang 78-pahinang dokumento na House Bill No. 4994 na isinalin sa Pambansang Wika ni Roberto Anonuevo, KWF director general. Aniya, …
Read More »CHED Commissioner kinasuhan sa Ombudsman
Nahaharap sa kasong graft and corruption si Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Patricia Licuanan dahil sa ilegal na pagpasok sa kontrata sa isang pribadong kompanya. Si Licuanan ay pormal na sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ni Fr. Joel Tabora, SJ, pre-sident ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) at ng legal counsel na …
Read More »11 patay, 42 sugatan sa Bukidnon bus blast
07CAGAYAN DE ORO CITY – Naglunsad nang malawakang manhunt operation ang pulisya kaugnay sa grupong nasa likod ng panibagong pambobomba sa isang unit ng Rural Transit Mindanao Inc., (RTMI) bus na nangyari sa Brgy. Dologon, Maramag, Bukidnon kamakalawa. Inihayag ni Bukidnon Provincial Police Office PIO, Supt. Bernard Mendoza, batay sa opisyal na data na kanilang nakuha, umabot na 11 pasahero …
Read More »Police asset nagmakaawa kay Roxas (Tinangkang paslangin ng 33 pulis-Zambales)
SUBIC, ZAMBALES—Nanawagan ang isang miyembro ng Barangay Police Special Force na pabilisin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang aksiyon laban sa mga miyembro ng Zambales Police Office na tumambang sa kanya kasama ang buong pamilya sa bayang ito kamakailan. Sa joint complaints sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa Region 3, inakusahan ng mga nagreklamo sa pangunguna ng …
Read More »200 bahay natupok, 6 sugatan (400 pamilya homeless sa Pasko)
TINATAYANG 200 kabahayan ang nasunog sa C. Perez St., Tonsuya, Malabon City na naapula kahapon ng madaling araw. Ayon kay Fire Senior Superintendent Leonides Perez, district fire marshal, apektado ang 400 pamilya dahil sa sunog. Nag-iwan ito ng danyos na P2 million. Nasugatan ang anim mga residente sa sunog na kinilalang sina Rodel Mabute, 36; Ogie Basco, 17; John Michael …
Read More »Mukha ng sekyu wakwak sa bote
WASAK ang kaliwang bahagi ng mukha ng isang security guard matapos saksakin ng basag na bote sa mukha ng kanyang kaaway sa Suter St., Sta. Ana, Maynila kamakalawa. Unang dinala sa Sta. Ana Hospital ngunit pinayuhan ng mga doktor na ilipat sa Philippine General Hospital (PGH), ang biktimang si Glen Rodriguez, 32, security guard, residente sa nasabing lugar. Mabilis namang nakatakas …
Read More »Suspensiyon vs Purisima ipatutupad na
INIHAYAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, epektibo na ang suspensiyon kay Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima. Ito’y sa kabila nang hindi pagkilala ng PNP chief sa implementasyon ng DILG dahil hindi anila nasa ilalim ang hanay ng kapulisan sa administrative supervision at kontrol ng kagawaran kundi sa National Police Commission (Napolcom). …
Read More »Sexy actor tiklo sa droga
KINOMPIRMA ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang inaresto ang dating sexy actor na si Anton Bernardo makaraan mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa isang checkpoint sa Quezon City. Ayon kay Supt. Wilson de los Santos, hepe ng QCPD, pinara nila ang 39-year-old former actor dahil walang suot na helmet ngunit nakompiskahan ng transparent plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang drug …
Read More »75-anyos pari hinoldap saka inihulog sa ilog
CEBU CITY – Sugatan ang isang 75-anyos pari makaraan holdapin ng tricycle driver habang lulan ng nasabing sasakyan saka inihulog sa ilog sa Brgy. Dawis Norte, bayan ng Carmen, sa probinsiya ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang pari na si Rev. Fr. Nicolas Batucan, residente ng Brgy. Kamalig-Bato, lungsod ng Da-nao, Cebu. Ayon kay SPO3 Re-nerio Macasocol, imbestigador ng Carmen Police …
Read More »Preparasyon ng PH sa Papal visit, OK sa Vatican
KONTENTO ang Vatican sa nagpapatuloy na pag-hahanda ng Filipinas para sa nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa Enero 2015. Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, nasorpresa ang mga opisyal sa Roma sa puspusang paghahanda ng Filipinas. Ang Filipinas daw ang unang bansa na grabe ang preparasyon kompara sa ibang mga binisita ng Mahal na Papa. “Officials in Rome …
Read More »Pastor nanaga ng amok
VIGAN CITY – Hindi napigilan ng isang pastor sa Sinait, Ilocos Sur, ang galit sa lalaking naghamon sa kanya ng away kaya’t kanyang pinagta-taga. Kinilala ang pastor na si Marlon Yuri, 38, ng Evangelist Church of Christ, ng Brgy. Kati-punan sa nasabing bayan. Ang amok ay kinilalang si Joseph Pangala, 32, ng Brgy. Namnama sa pareho ring bayan. Ayon sa …
Read More »1 bagyo pahahabol sa 2014 (Ayon sa PAGASA)
HINDI pa dapat maging kampante ang publiko ukol sa mga dumarating na sama ng panahon kahit patapos na ang taon 2014. Ayon sa Pagasa, maaaring may dumating na isa pang bagyo sa susunod na mga araw. Inaasahang mabubuo ito sa silangang bahagi ng Filipinas ngunit hindi pa masabi ng weather bureau kung anong lugar ang tatamaan nito. Sinabi ni Pagasa …
Read More »M-16, baseball bat ginamit ng 2 sekyu sa pag-awat (Agency iimbestigahan)
PINAGPAPALIWANAG ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) ang Jarton Security Agency, makaraan kumalat sa social media ang footage ng dalawang security guard ng isang mall sa Taguig City na gumamit ng M-16 rifle at baseball bat sa pag-awat nila sa ilang nag-aaway na customer sa isang fastfood chain. Ayon kay PNP-SOSIA director, Chief Supt. Noel Constantino, …
Read More »Principal utas sa boga at saksak
KORONADAL CITY – Masusing iniimbestiga-han ng mga awtoridad ang pagpatay sa isang principal na sinaksak at binaril sa Maligaya Columbio, Sultan Kuda-rat, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Mutalib Salvo, officer-in-charge principal ng Sinapulan Elementary School. Ayon kay Senior Insp. Teng Bakal, chief of Police ng Columbio Sultan Kudarat, pauwi mula sa paaralan ang biktima nang harangin ng hindi nakilalang mga suspek …
Read More »Sa mabagal na ulat Palasyo nagpaliwanag
MABUSISI ang prosesong sinusunod ng pamahalaan sa pagdetermina ng bilang mga namatay sanhi ng bagyo kaya mabagal ang paglalabas ng ulat. Ito ang sagot ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa puna na mas mababa ang bilang ng casualty sa kalamidad na inilalabas ng pamahalaan kompara sa ibang mga grupo. “We have a system of verification that doesn’t only involve …
Read More »Binatilyo nagbaril sa sentido (Magulang ng GF tutol)
NAGBARIL sa sentido ang isang binatilyo kahapon sa Makati City makaraan magdamdam nang mabatid na tutol sa kanilang pagmamahalan ang mga magulang ng kanyang kasintahan. Namatay noon din ang biktimang si Russel Lopez, ng J.B. Roxas St., Brgy. Olympia ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa sentido. Base sa ulat ng Makati City …
Read More »10-anyos Totoy nilamon ng ilog
ATIMONAN, Quezon – Hindi pa rin natatagpuan ang 10-anyos batang lalaki na pinaniniwalang nalunod sa ilog sa kasagsagan ng bagyo sa Brgy. Caridad ng bayang ito kamakalawa. Sa ipinadalang report ng Atimonan PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si Aries Espilenburgo Mercadejas, residente …
Read More »Trike driver tigbak sa resbak
PATAY ang isang tricycle driver makaraan saksakin ng kalugar na sinita niya sa pagmumura kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marco Polo Priel, 30, ng Block 3, Pama Sawata, C3 Road Brgy. 28, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan. Habang agad naaresto …
Read More »PNoy nagkasakit
HINDI nakadalo si Pangulong Benigno “Noy-noy” Aquino III sa 1st National Competion Conference sa Pasay City kahapon. Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, biglaan ang desisyon ni Pangulong Aquino dahil sa nawalan ng boses at barado ang ilong. Ayon kay De Lima, okay pa ang pakiramdam ni Pangulong Aquino kamakalawa ng gabi ngunit nag-iba kahapon pagkagising. Una rito, nakansela …
Read More »Tumawid sa spillway kelot nalunod (Sa Batangas)
PATAY na nang matagpuan ang isang lalaki makaraan tangkaing tawirin ang spillway sa Batangas City kamakalawa. Sa ulat ng Batangas police, ang natagpuang bang-kay sa Brgy. Simlong ay kinilalang isang Eduardo Mercado Bonquin, residente sa Brgy. Pinamucan. Nabatid sa ulat, tatawid ng spillway si Bonquin, Lunes ng gabi, sakay ng motorsiklo at may isa pang angkas nang tangayin sila nang …
Read More »Obrero kritikal sa saksak ni kompadre
KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero makaraan saksakin ng nag-amok na kompare habang nag-iinoman sa binyagan kamakalawa ng gabi sa Ma-labon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Stephen Justo, 35, ng 167 M. H. Del Pilar St., Brgy. Tinejeros ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod. Habang pinaghahanap ang suspek na si Jonito Rondina, nasa …
Read More »Tacloban airport winasak ni Ruby (Tent City iwinasiwas)
WINASAK ng Bagyong Ruby ang bagong gawang Tacloban City Airport. Magugunitang unang winasak ng bagyong Yolanda ang naturang paliparan noong nakaraang taon, at sa paghagupit ngayon ni Ruby, inilipad ang bubong ng arrival at pre-departure area ng airport. Bumagsak din ang kisame at roll-up door, at pinasok ng baha ang pre-departure area. Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines …
Read More »