Monday , September 9 2024

87-anyos lola dedbol sa bundol

 

PATAY ang  isang 87-anyos lola makaraang mabundol ng umaatras na sports utility vehicle  (SUV) habang naglalakad  papunta sa isang tindahan sa Caloocan City kahapon.

Hindi na nailigtas ng mga doktor ng Quezon City District Hospital ang biktimang si Emperatriz Grajo Rabenitas, senior citizen, residente sa Block 15, Lot 14, Sunrise Village, Brgy. 167 Llano ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkabagok ng ulo at bali sa katawan.

Kusang-loob na sumuko ang suspek na si Eugene Zamora, 41, 33 Ulingan St., Lawang Bato, ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa ulat ni Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, dumating sa himpilan ng pulisya ang anak ng biktima na si Eduardo Grajo Perez, 61, upang idetalye ang insidente.

Nabatid mula kay SPO3 Carmelito Silvino, dakong 8:15 a.m. habang naglalakad ang biktima sa  Mars St., Sunrise Village ng nasabing barangay nang umatras ang Honda CRV (XMH-148) na minamaneho ni Zamora at nabundol ang matanda.

Salaysay ni Zamora, hindi niya napansin na may tao sa likod dahilan upang maatrasan at magulungan ang biktima.

About Rommel Sales

Check Also

agta ng Dabaw dumalo sa serbisyo fair

Serbisyo caravan dinagsa sa Davao City

DAVAO CITY – Sa gitna ng kaguluhang bumabalot sa isang kulto rito, dumalo ang mga …

090724 Hataw Frontpage

Sa Lunes  
EX-MAYOR ALICE GUO FACE-TO-FACE SA SENADO

PINAYAGAN ng korte sa Tarlac ang nasibak na alkalde ng Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo …

090724 Hataw Frontpage

Cayetano tiniyak  
BATAS SA NATURAL GAS BUKAS SA INVESTORS PARA SA EXPLORATION

ANG MABILISANG PAGPASA ng Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Development …

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *