Friday , January 10 2025

News

Uber, GrabCar operations ipinahihinto ng Kamara

IPINASUSUSPINDE ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Transportation ang operasyon ng mga transportation network company (TNC) tulad ng Uber at GrabCar hangga’t hindi tumatalima sa regulasyon at requirements ng pamahalaan. Kabilang na rito ang pagkuha nila ng prangkisa at pagpapa-accredit sa kanilang transport company. Pinuna ng TWG ang Department Order (DO) 2015-11 ng Department of Transportation and …

Read More »

Higit piso dagdag sa presyo ng gasolina

HIGIT P1 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ngayong Martes, Hunyo 16. Epektibo 12:01 a.m. ang P1.05 taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang may P0.15 umento sa kada litro ng diesel at kerosene sa Shell at Seaoil. Sa parehong oras, P0.90 ang tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.20 ang sa kada litro ng diesel ng kompanyang …

Read More »

Pondong MERS-CoV na ‘di nagamit ‘di pwede ilipat

IBINASURA ng Malacañang ang panukala ni Sen. Ralph Recto na gamitin na lamang sa serbisyong pangkalusugan ang mga pondo na hindi nagamit ng gobyerno nitong mga nakalipas na panahon. Sinasabing magandang pagkakataon ito na magamit ng pamahalaan ang mga hindi nagalaw na pondo, sa harap ng nararanasang pananalasa ngayon ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-Cov) na ilang mga …

Read More »

Cancer patients isama sa PhilHealth

SANHI ng hirap na kalagayan ng mga pasyente ng kanser sa bansa, kailangan umanong isama sila bilang benepisaryo ng PhilHealth, ayon kay Cancer Coalition convenor Dr. Dario Lapada Jr. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, ipinaliwaang ni Lapada na sa kasalukuyang kondisyon ng mga may sakit na kanser imposible na para sa kanila na magkaroon ng access sa mahahalagang medical …

Read More »

Pension funds ng retired cops naibulsa na?

HINIHINALA ng Philippine National Police Retirees Association, Inc. (PRAI) na naibulsa na ng iba ang pondong inilaan sana para sa pensyon ng mga retiradong pulis. Sinabi ni retired Police Chief Supt. Allyn Evasco Jr., vice president for Mindanap ng PRAI, kulang pa ng 19 buwan pension differential ang nakukuha nila. “Ang natanggap namin ay 17 months only so sa sinasabi …

Read More »

PNoy tinabla si VP

PATAPOS na ang summer ngunit lalong umiinit ang usapan ng politika sa darating na 2016. Ilang araw lamang ang nakalilipas ay sinabi ni Vice President Jejomar Binay na umaasa siyang susuportahan kahit palihim ni Pangulong Noynoy Aquino. Naging mabilis naman ang tugon ni PNoy dito: “Hinahanap ba niya ang suporta ko? 2010, sa ibang grupo siya tumakbo, 2013, nanguna siya …

Read More »

Hindi kami pwede – Ping (Sa tambalang Lacson-Duterte sa 2016)

MARIING inihayag ni dating Senator Panfilo Lacson na hindi sila puwedeng magtambal ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 elections dahil pareho silang nalilinya sa iisang aspeto lang, ang peace and order. “Una baka umusok kaming dalawa… Pangalawa, e parang isa lang ang dimension, ang core competence namin, parang nalilinya sa iisang aspeto lamang – ito ay sa larangan …

Read More »

Mison inasunto na naman (Bagong kaso sa Ombudsman)

KASUNOD ng kahilingan ng ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa kanyang pagbibitiw sa puwesto, sanhi ng sinasabing mga iregularidad sa kanyang tanggapan, nahaharap na naman si Immigration commissioner Siegfred Mison sa isa pang criminal complaint sa Ombudsman na isinampa ni BI intelligence chief Atty. Faizal Hussin nitong Hunyo 11 (2015). Sa kanyang reklamo, nagbigay ng impormasyon …

Read More »

Ilang pamilya ng Kentex fire victims umareglo sa P.1-M

KINOMPIRMA ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tatlo hanggang apat sa mga pamilya ng 72 namatay sa sunog, ang tinanggap ang alok ng Kentex Manufacturing Corp. na makipag-areglo na lamang sa halagang P100,000. Kapalit ito nang hindi na paghahabla. Hindi aniya taga-Valenzuela ang mga nakipag-areglo at pagod na sa paghahabol sa kaso. Habang ang ibang pamilya ay tuloy pa rin …

Read More »

CCTV sa brgy makikita sa cellphone

BILANG tugon sa iba’t ibang uri ng krimen sa lungsod ng Maynila, may bagong application na maaaring gamitin upang ma-monitor ang nangyayari sa mga barangay kahit nasa malayong lugar. Sa rami ng gumagamit ng cellphones, maaari nang makita ang mga kaganapan sa mga barangay na nakukuhaan ng Closed Circuit Television, kaya maaaring ma-monitor ng barangay officials ang kanilang nasasakupan kahit …

Read More »

Eroplano bumagsak sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY – Papunta na sa bulubunduking bahagi ng Esperanza, Sultan Kudarat, ang rescue team upang alamin ang karagdagang detalye kaugnay sa napaulat na isang pribadong eroplano ang bumagsak pasado 11 a.m. kahapon. Ayon Capt. Mark C. Soria ng Bravo Company ng 33rd IB, Philippine Army, nakarinig sila nang malakas na pagsabog dakong 11 a.m. kahapon kaya nakipag-ugnayan sila  sa  …

Read More »

65-anyos top-ranking NPA leader arestado sa Bohol

  ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang top ranking NPA leader sa inilunsad na operasyon kamakalawa ng umaga sa lalawigan ng Bohol. Kinilala ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, ang naarestong mataas na lider ng NPA na si Exuspero Lloren, 65-anyos. Si Lloren ay naaresto batay sa warrant of arrest …

Read More »

Grand Lotto jackpot lolobo  sa P250-M

TINATAYANG aabot sa P248 milyon hanggang P250 milyon ang jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa bola ngayong Lunes. Ipinaliwanag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general mana-ger Jose Fernando Rojas II, mahigit dalawang buwan nang hindi napapanalunan ang jackpot. Nitong Sabado lang ng gabi, walang nakasungkit sa mahigit P235 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa winning combination na 44-21-34-17-54-50.

Read More »

Girian vs China idinaan ng PH sa social media

DINALA ng administrasyong Aquino sa social media ang pakikipaggirian sa China kaugnay sa mga teritoryo sa West Philippine Sea. Hinimok kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang publiko na panoorin at i-share ang video na pinamagatang “Kalayaan: Karapatan  sa  Karagatan”  upang lubos na maunawaan ang usapin hinggil sa West Philippine Sea. Maaari aniyang matunghayan ito sa Facebook page ni …

Read More »

Patuloy na pagsasanay — Trillanes

BILANG pagkilala sa pangangailangan sa patuloy na pagsasanay ng ang ating mga propesyonal, lalo na sa papalapit na ASEAN Integration, inisponsor ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 2581, o ang Continuing Professional Development (CPD) Act. “Maraming oportunidad ang maaaring makuha ng ating mga propesyonal dahil sa ASEAN integration, kailangan lang nating siguraduhin na may sapat …

Read More »

KONTRA CHINA. Pinangunahan ng co-founder ng West Philippine Sea…

KONTRA CHINA. Pinangunahan ng co-founder ng West Philippine Sea Coalition na si dating SILG Rafael Alunan ang martsa patungong Chinese Consulate Buendia Ave., Makati City, kasama sina Fr. Robert Reyes at ilang miyembro ng VACC, ilang riders ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) upang makiisa sa kilos protesta laban sa mga nag-aangkin West Philippine Sea. (BONG SON)

Read More »

Araw ng Kalayaan sinabayan ng protesta

  SINABAYAN ng iba’t ibang grupo ng protesta ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon. Una na rito ang grupong Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberenya (PINAS) na sumugod sa Chinese Embassy sa EDSA-Buendia para kondenahin ang aktibidad ng Tsina sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Nagtipon din ang grupo sa harapan ng United States Embassy para ipanawagang huwag nang …

Read More »

Hikayat ni PNoy sa Filipino: Aral ng rebolusyon isabuhay sa kaunlaran

  ni ROSE NOVENARIO ILOILO – Hinikayat ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang sambayanang Filipino na isabuhay ang aral na iniwan ng mga bayaning lumaban noong panahon ng rebolusyon para sa ating kalayaan. Sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Santa Barbara, Iloilo, sinabi ng Pangulong Aquino, kompiyansa siyang hindi mapupunta sa wala ang ipinaglaban ng mga bayani at …

Read More »

Wheelchair sa Araw ng Kalayaan kaloob ni Lim

  MAY isang dosenang mahihirap na residente ng Maynila na hindi na nakagagalaw dahil sa iniindang sakit, edad o kapansanan, ang nabigyan ng bagong kalayaan kahapon mula sa kanilang paghihirap sa loob ng nakalipas na mga taon. Ito ay nang ipagdiwang kahapon ni dating Mayor Alfredo S. Lim ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng wheelchair sa …

Read More »

Kawit 12 palayain (Giit ng CEGP)

MARIING kinondena ng student publications sa ilalim ng College Editors Guild of the Philippines – Southern Tagalog, ang pag-aresto sa 12 katao sa Kawit, Cavite, kabilang ang tatlong estudyante ng University of the Philippines – Los Baños makaraan ang marahas na pagbuwag sa short program sa nabanggit na lugar. Ang tatlong UPLB students ay kinilalang sina Romina Marcaida at John …

Read More »

Buntis napaanak sa ilang beses na hit & run mag-ina patay sa highway

LEGAZPI CITY – Parehong wala nang buhay nang madatnan ng mga awtoridad ang mag-inang biktima ng hit and run sa lalawigan ng Albay kamakalawa. Kinilala ang ginang na si Gloria Gonzales, tinatayang nasa edad 34, mula sa Brgy. Kinuartilan, bayan ng Polangui. Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang buntis na biktima sa bahagi ng Maharlika Highway Brgy. Ilaur Sur, ba-yan …

Read More »

Lola ginahasa bago pinatay

HINIHINALANG ginahasa muna ang isang lola bago pinatay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Bulacao, Cebu City kamakalawa.  Lumalabas sa imbes-tigasyon na binutas ng hindi nakilalang suspek ang bubong ng bahay ng biktima na mag-isang na-tutulog.  Natagpuan ang bangkay ng biktimang nakahiga sa kama at wala nang suot na panloob.  Duguan ang bibig ng lola at may mga pasa …

Read More »

MET ibinenta ng GSIS sa NCCA

ANG Metropolitan Theater, higit na kilala bilang “The Met,” ay may bago nang may-ari makaraan lagdaan ang Deed of Absolute Sale ng state pension fund Government Service Insurance System (GSIS) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sa ilalim ng Deed of Absolute Sale, ini-turn-over na ng GSIS ang pagmamay-ari sa NCCA na bumili sa 84-year old National …

Read More »

NBI agent mananagot — De Lima (Kasabwat ng ‘Bilibid 19’)

TINIYAK ni Justice Sec. Leila de Lima na mana-nagot ang sino mang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) kapag mapatunayang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga cellphone at wi-fi modem sa loob mismo ng Pambansang Piitan. Una rito, nagsagawa ng sorpresang inspection ni De Lima kahapon at inamin ng isang inmate na kasali sa tinaguriang “Bilibid 19” na isa …

Read More »