This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
CAMP OLVAS, Pampanga β Patay ang lider ng Bartolome drug group at isa pang kasama niya sa kotse makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa.
Kinilala ang mga napatay na sina Oliver Bartolome, 33, ng Brgy. Sapang, Jaen, Nueva Ecija, may standing warrant of arrest; at Warlito Pangilinan, 48, ng Concepcion, General Tinio ng nasabi ring lalawigan, may kasong illegal drugs.
Si Bartolome ang itinuturong lider ng Bartolome drug group at no. 1 sa listahan ng drug personalities sa nasabing lalawigan.
Sa ulat ng NE Provincial Police, nagsagawa ng joint operation ang Jaen PNP at Provincial Intelligence Branch nang mamataan ang mga suspek sakay ng gray Toyota Corolla (XGE-302) na nagresulta sa habulan patungong San Leonardo.
Nakorner ang mga suspek sa Brgy. Rizal hanggangΒ bumangga ang kanilang sasakyan sa isang paint shop.
Ngunit imbes sumuko, nakipagpalitan ng putok ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Narekober mula sa mga suspek ang dalawang .45 kalibre ng baril at isang .22 kalibre ng baril, siyam piraso sachet ng shabu at drug paraphernalia.