Saturday , January 11 2025

News

62,000 katao apektado ng baha sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – Umaabot sa mahigit 62,000 katao ang apektado ng baha dulot ng habagat sa lalawigan ng Pangasinan. Sa ipinalabas na data ng Provincial Disaster ARisk Reduction and Management Office (PDRRMO) nasa 12,580 pamilya, katumbas ng 62,366 katao ang labis na naapektohan ng bagyo. Kinompirma ng PDRRMO, may tatlong kabahayan na partially damaged sa Brgy. Nayom, Infanta, sa paghagupit …

Read More »

Kelot patay dyowa timbog sa droga

PATAY ang isang 37-anyos lalaki habang naaresto ang kanyang kinakasama sa buy-bust operation  kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Si Allan Eufemio, residente ng Benita St., Gagalangin, Tondo ay namatay noon din habang naaresto ang kinakasama niyang si Lanie de Guzman, 35, ng nasabing lugar. Batay sa ulat ni Det. Milbert Balinggan ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section, bandang 10:10 …

Read More »

Tulak pumalag sa parak tigbak

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan lumaban sa buy-bust operation sa Balanga City, Bataan kamakalawa. Agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo ang suspek na si Bryan Castañares, alyas Ryan, residente ng Limay, Bataan, sinasabing kabilang sa drug watchlist sa “Operation Double Barrel” ng pulisya. Ayon sa report ng Bataan …

Read More »

Sabi ni Duterte: Driver-lover ‘ikakanta’ si De Lima

IBUBUNYAG ng kanyang driver-lover si Sen. Leila de Lima hinggil sa pagkakasangkot sa illegal drugs sa New Bilibid Prison (NPB), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ambush interview kay Duterte sa burol ng mga sundalong nasawi sa illegal drugs operation sa Cotabato City kahapon ay inihayag ng Pangulo na wala siyang plano na sampahan ng kaso ang driver-lover ni De …

Read More »

Duterte umabuso sa power — De Lima

TAHASANG inakusahan ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte nang pag-abuso at maling paggamit sa kanyang executive power para sa personal na pag-atake sa kanya. Ginawa ni Sen. De Lima ang pahayag makaraan ang alegasyon kamakalawa ni Pangulong Duterte na mayroon siyang driver-lover na kanyang pinatayuan ng bahay at taga-kolekta ng campaign funds noong halalan. Sinabi ni Sen. …

Read More »

Ceasefire idedeklara ng CPP/NPA

Malacañan CPP NPA NDF

MAGDEDEKLARA ano mang oras ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) upang lalong palakasin ang negosasyong pangkapayapaan na magsisimula bukas sa Oslo, Norway. “To further boost peace negotiations, the CPP is set to issue over the next few days a unilateral declaration of ceasefire to the New People’s Army and the people’s militias,” anang CPP sa …

Read More »

Kasali sa peace talks NPA leader nagpiyansa

NAGPIYANSA na ang itinuturing na top rebel leader ng isla ng Panay na si Maria Concepcion “Ka Concha” Araneta-Bocala para sa kanyang pansamantalang kalayaan upang makasama sa peace talks sa Oslo, Norway sa darating na Agosto 20. Ayon kay George Calaor, provincial chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-Aklan), ang naturang hakbang ay inisyatiba ng Duterte administration sa layuning maabot ang …

Read More »

State media armas ng Duterte admin vs terorismo

MEDIA ang gagamiting armas ng gobyernong Duterte upang labanan ang terorismo sa Mindanao at palaganapin ang mga programa ng pamahalaan sa iba’t ibang rehiyon. Sa ginanap na Manila Bay Kapihan forum sa Café Adriatico sa Malate, Manila kahapon, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, palalakasin ng Presidential Communications Office (PCO) ang lahat ng sangay ng state media sa lahat ng …

Read More »

Kerwin Espinosa ‘di susuko — PNP

KINOMPIRMA ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, wala nang balak sumuko si Kerwin Espinosa, sinasabing top drug lord sa Eastern Visayas. Ito ay batay sa pakikipag-ugnayan ni Dela Rosa sa kanyang counterpart na Royal Malaysian Police. Una nang napaulat na nakalabas ng bansa patungong Malaysia si Kerwin bago pa man kusang-loob na sumuko ang kanyang ama na …

Read More »

18 pulis sinibak sa drug case

SINIBAK sa serbisyo ang 18 pulis dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga. Ito ang kinompirma ni PNP chief,  Director General Ronald Dela Rosa sa kanyang talumpati sa ika-115th Police Service Anniversary kamakalawa. Sinabi ni Dela Rosa, bukod sa mga pulis na sinibak sa serbisyo may dalawa pang pulis ang kasalukuyang suspendido habang nasa 37 ang nahaharap sa mga kasong …

Read More »

Misis pinatay ni mister (OFW tumangging makipag-sex)

knife saksak

TUGUEGARAO CITY – Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang lalaki makaraan mapatay ang kanyang misis sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Ayon kay Chief Insp. Pepito Mendoza, sinundo ng mister na si Demy Taloza, 52, ang kanyang misis na si Marites, 42, mula sa ibang bansa, noong Agosto 13. Sinabi ni Mendoza, umuwi ang misis dahil gusto niyang makita …

Read More »

Mag-asawang operator ng cybersex den arestado (Sa Pampanga)

arrest posas

NAKATAKDANG kasuhan ng paglabag sa RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act ang naarestong mag-asawa na nag-o-operate ng cyber sex den sa bahagi ng Mabalacat, Pampanga. Natukoy na ang mag-live in partner na sina Luisa Pineda at Raymond Manganti ang sinasabing mga operator ng Cybersex den. Sa pagsalakay ng mga awtoridad, nasagip ng PNP Anti Trafficking in Persons Division …

Read More »

Listahan ng smugglers hawak na ni Faeldon

customs BOC

HAWAK na ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang listahan ng hinihinalaang big-time smugglers sa bansa. Ito ay makaraan ipinasakamay ng grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ganoon din ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang nasabing listahan. Aabot sa 30 pangalan ng indibidwal ang nasa listahan ng mga sangkot sa smuggling ng semento at ilang …

Read More »

Proclamation ng holidays sa 2017 nilagdaan ni Duterte

INILABAS na ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special non-working holidays sa buong bansa para sa taon 2017. Batay sa Proclamation Number 50, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idinedeklara niyang regular holiday katulad ng New Year’s Day, Araw ng Kagitingan, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Labor Day, Independence Day, National Heroes Day, Bonifacio Day, Christmas Day, Rizal Day, …

Read More »

SC ruling sa FM burial igagalang ng Palasyo

IGAGALANG ng Malacañang kung ano man ang magiging desisyon ng Supreme Court (SC) sa petisyon na isinampa laban sa nakatakdang libing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ito ang tiniyak ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod nang pagtatakda ng SC ng oral argument sa Agosto 24. Sa kabila nito, naniniwala si Atty. Panelo, walang legal na basehan …

Read More »

45 ASG napatay sa Basilan — ASG

dead gun police

ZAMBOANGA CITY – Umaabot na sa humigit kumulang 45 kasapi ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) ang napatay sa month-long operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lalawigan ng Basilan. Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ito ay base sa body counts na narerekober ng kanilang tropa sa mga lugar ng sagupaan at verified intelligence reports …

Read More »

Murang konsultasyon, gamot, edukasyon hatid ng Ayala

PATULOY na namumuhunan ang Ayala Corporation sa  iba’t ibang hanay ng pagnenegosyo upang mapagaan ang buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang serbisyo para sa konsultasyon, murang gamot at abot-kayang matrikula na may kalidad na edukasyon. Sa katunayan, ang itinayo na isang community based service sa pamamagitan ng Ayala Health Family Doc Clinic na napakamura ang konsultasyon …

Read More »

CEB nagbunyi sa unang beybi sa himpapawid

IPINAGDIRIWANG ng Cebu Pacific ang kapanganakan ng isang babaeng sanggol, na isinilang habang ang eroplano’y nasa kalagitnaan ng biyahe mula Dubai patungong Maynila. Ito ang unang pagkakataon na may ipinanganak sa eroplano ng CEB habang nasa himpapawid. Ipinanganak ang sanggol na si “Haven” apat na oras makaraang lumipad ang flight 5J015 mula Dubai International Airport noong nakaraang Linggo, 14 Agosto. …

Read More »

Parañaque kontra ilegal na droga, maingay na bars

DINALA ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang kanyang kampanya kontra-droga at kontra-ingay, sa mga restobars at club sa lungsod, bilang pagtugon kay PNP Chief Ronald “Bato” De La Rosa. Ipinatawag ni Parañaque Business Permits and Licensing (BPLO) Chief, Atty. Melanie S. Malaya, ang lahat ng owner at manager ng mga resto-bar at club sa kahabaan ng Aguirre sa BF …

Read More »

De Lima naglilinis-linisan — Digong (May lover na driver-bodyguard at kolektor ng drug money sa Bilibid)

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila de Lima na nagpapanggap na konsensiya ng bayan pero nagmula sa illegal drugs at iba pang aktibidad na labag sa batas sa New Bilibid Prison (NBP) ang campaign funds. Tinukoy ni Duterte sa press conference sa Cebu Pacific Cargo sa Terminal 4 sa Pasay City ang pangalan ni De Lima bilang ang …

Read More »

De Lima muntik maiyak nang sagutin si Duterte

HALOS  pigilan ni Senadora Leila de lima ang pagtulo ng luha nang kapanayamin ng mga reporter matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na senadorang may lover na driver-bodygurad at kolektor ng drug money sa Bilibid. Ayon kay De Lima masyadong below the belt ang naging pahayag ng pangulo. Ngunit tumanggi naman si De Lima na magbigay ng ano mang reaksiyon …

Read More »

Duterte ihahatid sa libing si Makoy

MAKIKIPAGLIBING si Pangulong Rodrigo Duterte kapag inihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Presidente Ferdinand Marcos sa kabila nang pagbatikos ng ilang grupo’t personalidad. “If I’m in good health and no pressing matters to attend to, I might,” anang Pangulo sa isang press conference Cebu Pacific Cargo Terminal sa Pasay City nang tanungin kung makikipaglibing sa pamilya Marcos. Giit …

Read More »

CGMA at ex-FG Arroyo pinayagan bumiyahe

AGAN ng Sandiganbayan na makabiyahe sa labas ng bansa sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo. Base sa tatlong pahinang resolusyon ng anti-graft court, pinahintulutan ang mag-asawang Arroyo na makapunta sa Germany at France mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 3, 2016. Habang sa Hong Kong ay mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, 2016. Gayonman, inatasan ng …

Read More »

Indonesian nakatakas (Pupugutan ng ASG)

ZAMBOANGA CITY – Masuwerteng nakatakas mula sa kamay ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) ang isang Indonesian kidnap victim bago siya pugutan ng ulo ng mga kidnapper sa lalawigan ng Sulu. Sa impormasyon mula sa Western Mindanao Command (WestMinCom), ang biktimang si Mohammad Safyan, 28, ay nakita ng mga residente sa dalampasigan ng Brgy. Bual sa munisipyo ng Luuk. Napag-alaman …

Read More »

Nabuhawi pumanaw na

TULUYAN nang binawian ng buhay kamakalawa ang isang security guard na malubhang nasugatan nang tamaan ng bakal sa ulo sa kasagsagan nang pananalasa ng buhawi sa lungsod ng Maynila nitong Linggo ng hapon. Sa ulat ni Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD) – Station 3, dakong 4:30 pm nitong Martes nang ideklarang patay ng mga …

Read More »