Wednesday , December 4 2024

Bagong batas-trapiko handa nang ipatupad (Sa Caloocan City)

HANDA na ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa pagpapatupad ng kapapasang mga batas na nagbabawal gumamit ng gadgets ang mga nagmamaneho at nagbabawal magsakay ng maliliit na bata sa motorsiklo.

Ayon kay Engineer Gilberto Jay Bernardo, tagapamahala ng Department of Public Safety Office and Traffic Management (DPSTM), nagpatawag siya ng pulong sa transport groups sa lungsod, at inihayag ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act at Children’s Safety on Motorcycles Act.

Aminado ang opisyal na maraming motorista ang luma-labag nito sa lungsod lalo ang UV Express, na guma-gamit ng cellular  phone  at radio sa pamamasada, habang hindi naaawat ang iresponsableng pagsasakay sa mga paslit, maging mga sanggol, sa motorsiklo sa mga kalsada ng Caloocan.

Ayon sa isang pasahero ng UV Express, ginagamit ng mga driver  ang  kanilang  radio  upang bigyang babala ang ibang UV drivers na umiwas sa mga daang ma-traffic o kung minsan ay upang maiwasan ang mga humuhuli sa kanila.

Hiling din niyang mabawasan ang mga pag-uusap sa kanilang radio na walang kapararakan dahil hindi lang sagabal sa kanilang pagmamaneho kundi abala rin sa mga pasahero.

“Imbes napapahinga ka na sa pagsakay, naiingayan pa kami dahil wala namang saysay ang kanilang (UV drivers) mga pinag-uusapan,” ayon sa pasaherong ayaw magpabanggit ng pangalan.

Isinaad din ni Bernardo, maaaring ipatupad ang Anti-distracted Act dahil “deputized” na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Land Transportation Office, habang “unified ticket” na rin ang kanilang ginagamit gaya sa MMDA.

Humiling aniya sa Sangguniang Panglungsod, na magpasa ng isang ordinansa para i-adopt ang para sa antas ng lokal na pamahalaan.

Habang nagbabala si Bernardo sa motorcycle riders sa lungsod, na malapit nang magwakas ang ilegal na “modifications” tulad ng maiingay na mga tambutso, nakasisilaw na headlight, tail lights at iba pang light accessories, at pagbabago sa mga motor na nagiging delikado sa mga motorista.

Malapit na aniyang maamiyendahan ang ordinansa ukol dito at itataas ang P300 multa na ipapataw sa sino mang mahuhuli.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *